MAXWELL MOON : PART 1

591K 23.6K 20.7K
                                    

MAXWELL LAURENT DEL VALLE-MOON

"WOULD IT be fine if I carry her until we get there, dad?" I asked while we were waiting for the plane to land. Mom and dad looked at each other. I knew they would not allow me so I smiled. "Okay. I will carry her until we get there because I said so," I decided. Both of them sighed. They have no choice.

Sa huli ay ang gusto ko ang nasunod. Karga ko si Maxpein Zin hanggang sa makarating kami sa Norte. Syempre, hindi sila magkandaugaga sa pag-alalay sa akin. Panay ang habilin na protektahan ko ang ulo at likod ng kapatid ko. Na para bang anumang oras ay maihuhulog ko ito. Wala silang tiwala sa braso ko. Samantalang sa aming lahat ay ako ang higit na may kaalaman at kakayahang magbigay ng paunang lunas. Nasisiguro kong maghihisterya muna sila bago makapag-isip ng pwedeng gawin kung sakali.

Hindi malikot si Maxpein. Bagaman lumilingon na ay mabagal iyon at naaalalayan pa. Tuwang-tuwa ako sa kaniya kahit pa hindi niya hilig ang ngumiti. Gustong-gusto ko sa t'wing tititig siya sa akin na para bang pinag-aaralan ang aking mukha.

Umarko ang kilay ko sa walang kasing-ayos na pila ng mga babae at lalaking rango nang makatungtong kami sa bukana ng Emperyo. Nasa paligid din upang makiusyoso ang mga may edad nang mamamayan ng aming lugar. Gaya ng inaasahan ko ay mababasa sa mukha ng mga tao ang iba't ibang reaksyon. Ang karamihan sa kanila ay ganoon katindi ang kuryosidad sa hitsura ng aking kapatid.

Nagbaba ako ng tingin kay Maxpein. Gusto kong bumilib ka lalim nitong matulog. Hindi nito inalintana ang ugong sa eroplano, kahit pa ilang makakapal na ulap ang sinuong namin. Hindi rin naging balakid ang ingay ng elesi ng chopper, nanatili itong tulog buong byahe hanggang sa makarating kami. Nang magising naman siya ay parang pinipisil sa sarap ng pakiramdam ang aking puso habang pinanonood siyang mag-inat ng katawan. Hindi ko napigilan ang tumawa nang matapos masilaw sa araw ay ngumiti siya sa akin.

"Dad, she laughed at me! She laughed at me," wala sa sariling bulong ko, hindi naalalang naroon na kami sa Emperyo. At ipinagbabawal sa lugar namin ang paggamit ng ibang lenggwahe. "Tumawa siya sa akin," sabi ko sa aking ama gamit ang sarili naming lenggwahe.

Pakiramdam ko ay ngayon lang nangyari iyon, ang tumawa si Maxpein nang dahil sa akin. Bibihira siyang tumawa, nangyayari lang iyon kapag si Mokz ang may karga sa kaniya. Sadyang nakakahawa ang tawa ng aking lolo kaya maski si Maxpein ay nadadala.

Nakangiting tumingin sa akin si daddy ngunit hindi umabot ang mga ngiting iyon sa kaniyang mga mata. Mababasa ang kung anong pag-aalala sa mga mata niya. Hindi siya nagsalita.

Nakangiti kong tinunghayan muli si Maxpein na noon ay panay na ang paling ng ulo dahil marahil sa nakasisilaw na liwanag ng araw. Lalo ko pa siyang niyapos gamit ang dalawa kong braso. Kinukusot niya ang kaniyang mga mata saka babagsak ang ulo papahiga sa aking mga balikat. It was the best feeling! I can't stop smiling.

Naglakad ako patungo sa silong ng puno nang nasa kaniya ang paningin. Pilit kong iniiipit sa kamay niya ang aking hintuturo at natatawa ako sa higpit nang pagkakahawak niya ro'n.

Ngunit natigil ako nang humarang ang aking ama sa harapan ko na siyang pumigil na magpatuloy sa akin.

Inosente akong nag-angat ng tingin sa nakatalikod kong ama ngunit agad na bumalatay sa akin ang pagtataka. Nang sumubok akong humakbang muli ay pinigilan niya na ako, pinananatili ako sa kaniyang likuran. Unti-unti kong nilingon ang aking ina na noon ay hindi ko namalayang nakatalikod na rin sa akin na animong may prinoprotektahan. Nang bumaling ako sa kabilang gawi ko ay naroon na rin si Mokz na ibinabakod din ang sarili sa akin na tila ba handang isangga ang sarili hindi lang para sa akin, kundi para sa amin ni Maxpein Zin.

Naguguluhan akong nag-angat ng tingin at agad na natigilan dahil sa dami ng palasong nakatutok sa gawi ko. Paanong nangyaring ang kaninang maayos na pila at porma ng mga rango ay nagmistulang pag-atake na? Awtomatiko kong niyapos nang todo ang kapatid ko. Hindi ko malaman kung bakit may kung ano sa aking nagsasabing ito ang puntirya ng mga rango. Ang lahat ng babae ay handang-handa na sa pag-atake. Habang ang mga lalaki ay masasama ang tingin sa amin.

MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon