MAZE MOON

561K 24.7K 30.8K
                                    



MAZE MOON

"GO TO sleep, Maxwell Laurent," kunot-noong saway ko sa aking anak nang madatnan itong abala sa study na animong may pinaghahandaang eksaminasyon.

"Just let me finish this book."

"You can continue reading books tomorrow or anytime you want. Stop acting like you're enrolled because you're not. Go to bed."

Inis nitong isinara ang libro, naglakad nang laylay ang mga balikat at may masamang tingin, saka sumampa sa kama. Hindi man lang ako kabahan. Ipinatay ko ang ilaw saka siya tuluyang iniwan.

Tulala akong naglakad pababa at dumeretso sa bar island. Wala sa sarili kong binuksan ang isa sa mga mamahaling alak ni Mokz at nagsalin. Tulala ako maging sa pag-inom, nagpapalamon sa lungkot at emosyon, nagtatago at mag-isa sa dilim.

Walang laman ang aking isip pero masyado iyong abala sa pag-iisip. Hindi ko malaman kung paano kong nagagawa iyon. Para bang punong-puno ang utak ko at wala akong mapagtuunan ng pansin. Paulit-ulit akong lumaghok hanggang sa tulala na namang sinulyapan ang orasan. Madaling-araw na, wala pa rin ang aking ama at asawa. Uwi pa ba iyon nang matitinong lalaki? Wala nang pag-asawa ang dalawa.

Kung hindi siguro kasama sa lakad ni More si Mokz ay kung ano-ano pa lalo ang iniisip ko ngayon. Hindi ko masabing kapraningan dahil talagang may ginawa siyang kababalaghan. Gusto kong ipakita kung paano akong nanghihina ngunit hindi pwede. Sa pamilyang ito, kahinaan ang huling maaari kong maramdaman. Kahit na ang totoo, hanggang sa sandaling iyon ay matindi ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso at hindi ko alam kung hanggang saan ang sakit na kaya ko pang tanggapin.

Nagkamali ako nang isipin kong napatawad ko na si Maximor sa panloloko nila ni Heurt sa akin noon. Dahil bumabalik ang lahat ng galit, pait at sakit ngayon. Ang mas masakit pa ro'n ay higit pa sa kayamanan ang pagpapahalaga ng pamilyang ito sa sanggol na naging resulta ng pagtataksil nila. Nakakaloko dahil maging ako ay kailangang pahalagahan ang bagong silang nilang anak. Kailangan ko itong mahalin, ingatan, alagaan at ituring na para bang ito ang nagbibigay ng hininga sa akin. Hindi ko alam kung pagiging makasarili ba ang magalit at masaktan, gayong myembro ako ng pamilyang ito na may kulturang hindi makamundo.

Ginawa ko ang lahat para maging langit ang buhay naming mag-asawa pero naramdaman ko pa rin ang impyerno. Iniisa-isa ko sa isip ang mga pagkukulang ko at sa huli ay wala akong sinisi kundi ako.

Nilingon ko ang pinto nang bumukas iyon. Isa-isa kong pinanood ang pagpasok nina Mokz at More. Nangunot ang noo ko nang kasunod nila ay tumuloy si Heurt karga ang anak nila ng aking asawa. Nahinto siya nang magtama ang aming paningin, agad siyang umiwas at nagtago sa likod ni Maximor. Agad naman akong natigilan nang matapos nila ay kalmadong pumasok ang cheotjae. Gusto kong kuwestyunin ang presensya niya ngunti sa halip ay awtomatiko akong tumango bilang paggalang dito. Hindi mawala ang gulat ko. Hindi ko kailanman naisip na posibleng makita ko sa bansang ito ang isa sa apat na hukom.

Pasimple kong itinabi ang alak at binuksan ang mga ilaw. Saka ako lumapit sa kanila. "I was not expecting to see you, cheotjae," sinikap kong huwag mautal. Muli akong tumango. Nilingon ko ang lahat bago muling nagsalita. "What happened?" Binigyan ko sila nang makahulugang tingin na makasasagot sa tanong ko kung bakit narito ang cheotjae.

Ikinuwento nila ang buong nangyari, hindi ako makapaniwala. Wala ako sa sitwasyong pinanggalingan nila pero abot-abot ang kaba ko habang nakikinig. Ang maayos na pagpapaalam nila pupunta sa Palawan ay hindi ko inaasahang magtatapos sa nakakatakot na engkuwentro. Ang sindikatong ama ni Heurt ay sira yata ang ulo para gawin ang mga narinig ko sa sarili niyang apo. Ako nga itong pinagtaksilan ng asawa at anak niya ay hindi man lang naisip na maghiganti. Ang tanging nagawa ko ay sampalin si More. Pero ang pag-isipan nang masama ang inosenteng sanggol ay hindi man lang sumagi sa isip ko.

MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon