Chapter Sixty seven

16.8K 652 170
                                    

At dahil sinipag ako at alam kong mafru-frustrate na naman kayo dear readers kung ipapa-next week ko pa ang update..

Heto na. Ang pinakahihintay na chapter ng lahat. Sana lang matapos ko ang kwento this coming week. Di ko napansin, mahaba na pala ang chapters ni Cece and kamahalan. Few chapters na lang guys at matatapos na siya. Pramis!

For the mean time ulit, please vote, comment and baka naman pwede niyo ding irecommend tong mga stories ko sa mga kaibigan niyo.

PS: hindi man ako nakakapag-reply sa mga messages/comments, I still want to thank all of you for the positive words. Nakakataba lang ng puso.

Love lots,

Creepychan😘

-------------------

Napahawak siya sa crib ni Zakki ng biglang manghina ang magkabilang tuhod niya.

"Are you okay?" Kunot noong tanong sa kanya ni Kara habang buhat buhat si Zakki. Maging ang anak niya ay nagtatakang nakatingin na din sa kanya.

"I think so.." She chuckled, unsure.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Don't tell me nalasing siya agad sa isang simpleng wine lang? Nagtatakang hinaplos niya ng palad ang sentido ng maramdamang may naglandas doon na likido. Ng makitang pawis iyon ay mas lalo siyang nagtaka. Kanina ay nilalamig siya, ngayon nama'y pinagpapawisan siya?

"Kara, can you open the aircon? Mainit." Utos niya habang tinatanggal ang coat na suot.

"Ms. Cece kanina pa bukas ang aircon. Naka-highest level na nga yan eh. Hindi mo ba ramdam? Ako kanina pa nga nilalamig.."

Napatingin siya sa aircon. Napakunot noo siya ng makitang totoo nga ang sinabi ni Kara. Napapalatak na lang siya habang pinupunasan ang pawis sa leeg. Napakalagkit na ng pakiramdam niya.

"Nga pala..."

Napatingin siya kay Kara. "What?"

"Napansin ko lang na pulang pula iyang mga mata mo. May problema ba?"

Nag-iwas siya ng tingin mula dito. Yumuko na lamang siya upang tanggalin ang sapatos.

"Nothing's wrong. Huwag mo na lang akong pansinin."

Kara nodded at hindi na nagtanong pa.

Pagdiretso niya ng tayo ay kamuntikan na siyang matumba dahil pakiramdam niya, para siyang lumulutang.

"Hey, are you okay?"

"This is not right..." She groaned habang sapo sapo ang ulo.

Pinagpapawisan siya, para siyang lumulutang at pakiramdam niya napaka-init ng buong paligid. Seriously, what the hell is wrong with her?

"I think I'm drunk.."

"Mukha nga, halos mangalahati mo iyang bote ng wine eh.."

"Iyon na nga eh.."

"Ha?"

"Halos pinangalahati ko lang and here I am feeling drunk already. And it's just wine. Not even a freaking whisk--" Natigilan siya. Mabilis na nilingon ang bote ng wine at saka dali-daling kinuha iyon at sinuri. Naningkit ang mga mata niya ng makita ang label niyon na hindi niya pinansin kanina. "It's Nick's.." Wala sa sariling inamoy niya ang alak sa loob ng bote. She stilled when she smelled a familiar aroma inside the bottle!

Hindi siya maaaring magkamali! Ang wine na ininom niya... It definitely contained the aphrodisiac na siya mismo ang may gawa back at her lab in Colorado! Last time she checked, she only made a couple bottle of the solution and kept it in her lab. Hindi niya alam na naka-puslit pala ang kaibigan niya ng sample!

Comrades in Action Book 5: Cece KleinWhere stories live. Discover now