Chapter Fifty five

11.9K 554 200
                                    

Pagkagaling sa ospital, dumiretso sila ni River sa isang restaurant upang kumain. Bago bumaba ng sasakyan, isinuot niya muna ang hiniram ditong cap, glasses at grey sweatshirt. Mahirap na dahil baka mamaya may makakilala pa sa kanya na alagad ng dukeng iyon.

"Sa condo mo na lang sana tayo kumain." Wika niya habang naglalakad papasok ng restaurant. "Eating in a public place like this is too risky."

"Magluluto pa tayo. At least dito, diretso na. Hindi ko pa po-problemahing mag-hugas ng pinggan."

"Tsk. Ang sabihin mo, hindi ka lang marunong magluto."

"Para sabihin ko sa iyo, marunong ako. Puro prito nga lang. Eh bawal sayo ang mamantikang pagkain ngayon dahil diyan sa kondisyon mo. Mamaya ako pa sisihin mo pag tumaas iyang kolesterol mo."

"Tsk. Eh anong silbi ng mga pagkain mo sa ref?"

Sa isang mesa sa sulok ang napili nilang pag-pwestuhan. Ipinaghila siya nito ng upuan pagkatapos.

"Karamihan doon, puro processed foods tapos mga karne. Ni wala akong gulay na nabili last time dahil hindi naman ako mahilig doon. Eh ngayon hindi na lang ako mag-isa. May buntis na akong kasama kaya hindi na pwedeng ang mga iyon." Iniabot nito sa kanya ang menu. "You have a little kid inside you so you should take care of yourself more."

"Baby, River. Hindi little kid. Tsk. Saka isa pa, kakain talaga ako kahit hindi mo sabihin." Binuklat niya ang menu. "Hm.. mukhang maraming masasarap ah..." Bigla siyang naglaway ng makita ang mga letrato ng mga pagkain doon. Nginitian niya ang babaeng waiter na lumapit sa kanila. "Give me this one... this... this... and this..."

"Ikaw na ang oorder sa atin?"

Kunot noong tumitig siya kay River. "No. Akin lang ang mga 'to. Mag order ka ng sarili mo."

Nakangangang tumitig sa kanya si River. "Uubusin mo ang lahat ng iyan? Ang takaw mo naman ata ngayon?"

"Konti pa nga iyon. I feel like ordering everything in this menu. Pinipigilan ko lang ang sarili ko."

Biglang inagaw sa kanya ni River ang hawak niyang menu at saka lumingon sa waitress. "Mine is just steak and pasta ravioli. Make the steak medium rare."

Tumango ang waitress. Akmang tatalikod na ito ng bigla siyang mag-crave.

"Oh I forgot! Add a chocolate avocado shake to my order, okay?"

Nag-aalangang tumitig sa kanya ang waitress. "I'm very sorry maam, but we don't have that in our menu."

Nawala bigla ang ngiti niya. "So? If it's not in the menu, that doesn't mean you can't make it, right? It's just chocolate and avocado, a very basic ingredient. Don't tell me you don't have it?" She reasoned out in a very snappy tone.

"Ahm..."

Si River na ang sumabat. Nakikiusap na tumitig ito sa waitress. "Miss can we have that as a special order? Don't mind my cousin's attitute. She's pregnant so.. pretty please..?" Kumindat ito sa waitress na biglang ikinangiti naman ng babae ng matamis.

"Oh.. I'll see what I can do, sir." Biglang bawi ng babae.

"Thanks."

Kinikilig na umalis ang waitress upang magtungo sa kitchen. She rolled her eyes at them.

Tumitig sa kanya si River. "Alam mo ikaw, pahamak iyang kasungitan mo."

"She triggered me."

River sighed. "Just tone it down a bit. Mukha kang papatay ng tao pag di mo nakukuha ang guto mo eh."

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon