Chapter Thirty three

9.8K 386 52
                                    

After Dreena's wedding, bumalik sa normal ang buhay. Chase tried to talk about what happened during the wedding but she refused to talk about it. She told him saka na lang nila pag-usapan pagbalik niya ng Pilipinas.

Tinitigan niya ang ticket at passport na nakapatong sa bedside table. It's her ticket back to the Philippines next couple of weeks. Chase doesn't know about it because she meant for it as a surprise. Pero ng dahil sa naganap noong kasal ni Dreena.. she doesn't have the guts to use the ticket anymore.

Kinuha niya ang ticket niya pabalik naman ng Colorado. Next week ang scheduled flight niya doon. Siguro mas makabubuti kung sa Colorado na lang siya dumiretso.

Ibinagsak niya ang sarili sa kama. She needs a distraction fast. Kung hindi, maaalala lang niya ng maaalala ang mga naganap sa pagitan nila ni Chase and the humiliation she felt.

She let out a harsh sigh.

Nakatingin siya sa kisame ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. She answered it when she saw who's the caller.

"Yeah?"

"Are you free tomorrow night?" Tanong ng kabilang linya.

"Yep. Until next week. Why?"

"Good. We have 'something' going on and we need a hand. If you agree, I'll give you my location so we could talk it out tonight."

Napabalikwas siya ng bangon sa narinig. "I'm in." Walang kagatol gatol niyang sagot. Maybe this is the distraction she is looking for. "Where are you?"

"Leeds."

Kumunot ang noo niya. "What the hell are doing there, Magnus?"

"Talking to someone. I need his help with this."

"Okay. I'll meet you there then."

"Me and Mason will be waiting."

"He's in this too?"

"It's a mission meant for him, me and River kaya lang River can't make it. Nagkaaberya siya sa lakad niya last week. He's wounded."

She winced. "Was it that bad?"

"It's nothing he can't handle."

"Alright then. I'll see you." Aniya bago pinatay ang tawag.

She changed into a black turtleneck long sleeve shirt and black jeans. Isinuot ang ankle lenght black leather boots at saka isinuksok doon ang isang patalim.

Kinuha niya ang baril at saka isinuksok naman iyon sa likod ng pantalon bago isinuot ang black leather jacket. Kinuha niya ang susi at mabilis na tinungo ang sasakyan.

Dalawang oras at nasa Leeds na siya. Sinundan niya ang address na ibinigay ni Magnus sa kanya gamit ang GPS. Nang makarating doon, inilibot niya ang paningin sa paligid. Gabi na at madilim. Ang lugar ay napapalibutan ng mga abandunadong establishments.

Tanging ang pub na nasa harapan niya ang namumukod-tanging mayroong ilaw tanda na iyon lamang ang tumatakbong establishment sa area. The name 'Back o Beyond' was written in front of the marquee with its letter in big blue neon lights. God knows what kinds of people are in that pub. Kahit sinong matinong tao, hindi iisiping pumunta sa ganito kadelikadong lugar. Tsk. Leeds really lives up to its reputation.

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon