Chapter 17

2.6K 66 0
                                    

Flashback

Sampung taon ng nagsasama ang mag-asawang Anton at Shine pero hanggang ngayon ay di parin sila binibiyayaan ng anak. Lahat ng paraan ay ginawa na nila ngunit wala paring nangyayari. Hanggang isang araw ay nilapitan si Shine ng isang matandang babae.

"Ineng, gusto mo pa bang magkaanak? Matutulungan kita kong papayag ka." Anitong hinawakan pa sa magkabilang balikat si Shine na ikinagulat niya kaya agad siyang napalayo sa matanda.

"Wag kang matakot, Ineng dahil dala ko ang solusyon sa matagal niyo ng problemang mag-asawa." Dahan dahan ulit itong lumapit habang nakatitig ng mataman sa mga mata niya. Sa di naman niya lubos maunawaang dahilan ay tila unti unti siyang nahilo at nawawalan ng lakas hanggang tuluyan na siyang nawalan ng malay tao. Nagising nalang siya na nasa bahay na siya.

"Gang, ok ka lang?" Ang nag-aalalang asawa ang bumungad sa kanya.

"Pano ako nakauwi dito?" Buong pagtataka niyang tanong dito.

"Hinatid ka dito ng isang matandang babae, gang." Nakangiti at tila excited na pahayag nito kaya nagtaka siya.

"Gang, may problema ba?"

"Gang, hindi problema kundi solusyon sa problema."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Buntis ka, gang. Kinumpirma iyon ng doktor na pinapunta ko dito kanina." Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo niya dahil sa sinabi nito. Imposibleng mabuntis siya. Dahil kanina lang kinumpirma ng doktor na baog siya.

"Imposibleng mangyari yang sinasabi mo!" Napabangon pa siya sa kama at iiling iling na napalayo sa asawa habang yakap yakap ang sarili.

"Gang, doktor mismo ang nagkumpirma kanina ng kalagayan mo. Pano mo nasabing imposible? Hindi ka ba natutuwa na sa wakas ay magkakaanak na tayo?"

"Imposible na tayong magkaanak dahil baog ako." Kita niyang natigilan ito at di agad nagsalita. Tiningnan pa siya nito na tila iniisip na nababaliw na siya.

"Ang matanda. Asan ang matanda? Siya ang may kagagawan nito. Asan siya?" Aniyang tumakbo palabas ng bahay.

"Kanina pa umalis ang matanda. Ano ba talagang pinagsasasabi mo? Buntis ka na dapat matuwa tayo. At kung totoo man yang sinabi mong ang matanda ang dahilan nyan. Dapat pa nga ay magpasalamat tayo sa kanya." Pang-aamo sa kanya nito.

Lumipas ang araw, linggo, at buwan at naging kapansinpansin na ang mabilis na paglobo ng tiyan ni Shine.

"Gang, limang buwan palang ang tiyan mo, diba? Ba't parang ang laki naman ata?"

"Ewan ko nga ba,Gang. Hindi kaya kambal ang anak natin? Ano kaya kung magpaultrasound ako?"

"Sige bakit nga ba hindi." Pumunta nga sila ng araw na iyon sa ospital. Nang araw din na iyon nila nalamang kambal ang anak nila. Na di naglaon ay nalaman din nilang isang lalaki at isang babae.

"Gang, masayang masaya ako dahil sa wakas magkakaanak na tayo. At di lang iyon kambal pa!"

Lumipas pa ang ilang buwan at dumating na rin ang araw ng panganganak ni Shine.

"Gaaaaang!!!Ang sakit ng tiyan ko!"

Dinala agad siya ng asawa sa ospital para doon manganak. Lalaki ang unang lumabas at ilang oras pa bago lumabas ang ikalawa na isang babae.

"Napagwapo at napakaganda ng anak ko." Hinaplos haplos pa ni Shine ang mumunting pisngi ng dalawang anghel. Aliw na aliw siya sa mga ito kaya di niya napansin ang pagbuo ng isang itim na usok sa paanan niya.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat at nagawa kong tuparin ang kagustuhan mong magkaanak?" Anang isang matanda na nasa paanan ng kama niya.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Kulang nalang ay itago niya sa likod ang kambal. Dahan dahang lumapit ang matanda kaya mas lalo siyang napaurong.

"Gusto mong malaman kung sino ako?" Tanong nitong unti unting nagbago ang anyo. Ang matandang babae kanina ngayon ay isa ng matipunong lalaki. Lalong siyang natakot sa nakita.

"Demonyo ka wag kang lalapit!" Aniya habang niyayakap ng mahigpit ang kambal.

"Kukunin ko ang isa sa kambal sa ayaw at sa gusto mo." Deklara nitong naging dahilan para bumaba siya sa kama tangan ang dalawa at sumiksik siya sa may pintuan. Umiyak naman ang dalawa at nataranta pa siya kung pano patatahanin ang mga ito. Nakalapit naman ang lalaki at akmang kukunin ang isang bata.

"Parang awa mo na wag ang mga anak ko.Kung gusto mo ako nalang."

"Kukunin ko ang isa sa kambal dahil anak ko siya. Siya ang kapalit sa kahilingan mong magkaanak."

"Hiling? Wala akong hinihi-

Natigil ang dapat sana'y pagtutol niya ng maalala ang sinabi niya pagkatapos malamang baog siya "isasanla ko maging kaluluwa ko sa demonyo magkaanak lang ako". Iyon ang mga katagang binitiwan niya.

"Ano naalala mo na ba? Ako si Beelzebub ang tumugon sa kahilingan mo! Dumagundong sa buong silid ang malakas at nakakapangilabot nitong boses.

"Hindi totoo yan!"

"Ipinanganak mo ang anak ko. At ngayon ay kukunin ko na siya." Anitong tuluyang kinuha sa kanya ang isa sa mga bata.

"Ibalik mo ang anak ko!" Paulit ulit niyang sambit hanggang maramdaman niyang may tumapik sa pisngi niya. Nanaginip siya. Ang samang panaginip. Kinapa niya sa gilid ang kambal ngunit wala ang mga ito.

"Ang mga anak ko?"

"Gang." Kinabahan siya sa hindi pagsagot nito ng asawa. Posible kaya?

"Anton, ang anak ko nasaan?"

"Gang, si Irah patay na." Malungkot na balita nito.

"Hindi. Hindi totoo yan. Hindi siya patay kinuha siya ng demonyo. Napanaginipan ko kinuha siya ng demonyo." Panay ang pagwawala niya kaya walang nagawa ang mga doktor kundi turukan siya ng pampakalma. Nang magising siya ay nakatulala na siya at ni hindi umiimik kahit pa anong itanong sa kanya. Nakalabas siya ng maayos sa ospital ngunit ganun parin. Pati nga ang natira niyang anak na si Deak ay napabayaan niya na. Hanggang isang araw ay naisipan niya nalang na subukang kunin si Irah. Nagresearch siya at pinag-aralan lahat ng ritual patungkol sa pagtawag ng mga pwersa ng dilim. Sinubukan narin niya ang iba ng aktuwal ngunit lagi nalang ay pumapalpak siya. Parang laging may kulang. Hanggang madiskubre niyang mas epektibo ang ritual kung may alay. Isang hating gabi ay nagising siyang muli para subukan ang isang ritual. Tiniyak niyang walang magiging disturbo sa kanya. Nasa isang business trip ang asawa niya kaya sila lang dalawa ngayon ng anak niya. Naligo muna siya at tulad ng mga nauna niyang ritual ay nagsunog siya ng insenso. Umikot siya ng pataliwas sa ikot ng orasan habang pinapatunog ang hawak na bell. Inusal niya ang panimulang dasal. Pagkatapos ay inihanda si Deak para sa pag-aalay.

"Accio, Beelzebub." Paulit ulit niyang usal sa kanyang gustong mangyari. Samantala ay wala siyang kaalamalam na umuwi na pala si Anton mula sa business trip nito. Nagtaka pa si Anton ng wala siyang naabutang tao sa silid nilang mag-asawa. Hanggang maamoy niya ang amoy ng insenso. Sinundan niya iyon at dinala siya ng mga paa niya sa basement. Naabutan niyang saktong itatarak na sana ni Shine ang kutsilyo sa dibdib ni Deak bilang pagtatapos ng ritual.

"Anong ginagawa mo sa anak natin, Shine?!" Galit niyang sita sabay sugod dito. Nagpangbuno silang dalawa at nag-agawan sa kutsilyo.

"Kukunin ko ang anak kong si Irah. At para magawa ko yun ay iaalay ko ang batang yan. Dahil hindi ko anak yan. Si Irah ang gusto kung maging anak at hindi siya"

"Nababaliw ka na, Shine. Patay na si Irah tanggapin mo na." Patuloy silang nagpangbuno hanggang tila kinasihan ng pwersa ng dilim si Shine dahil nagapi niya ang lakas ni Anton. Nang makita niya ang duguang si Anton ay tila sinasanibang ngumisi siya ng malademonyo.

"Dahil pakialemero ka. Ikaw nalang ang iaalay ko sa kanya." Aniyang buong gigil na tinarak ang kutsilyo sa puso ng asawa. Kinuha niya ang pumipintig pang puso nito. Itinaas niya iyon habang inuusal ang nais mangyari. Ang maibalik sa kanya si Irah.

To be continued...

ISLA (Under Revision)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant