Chapter 16

2.7K 70 4
                                    

Game over." Nakakapangilabot na bulong nito sa tenga niya. Parang tumigil sa pag-inog ang mundo ni Hanna dahil sa narinig. Naramdaman niya nalang na unti unti siya nitong hinihila pabalik sa loob. Ngunit wala na siyang ibang nararamdaman pa dahil pakiramdam niya ay manhid na ang buong katawan dahil sa takot na tiyak na siya na ang isusunod nito.

"Anong gusto mo mabilis na kamatayan o patatagalin natin ng konti para mabuhay ka pa ng medyo matagal." Umiiyak lang siya at di sinagot ang tanong nito.

"Bakit ayaw mong sumagot?"

"Bakit mababago ba ng sagot ko ang kamatayan ko?"

"Ang tapang mo parin, huh. Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo" Galit na hinila siya nito papunta sa swimming pool ng resort. Pagkatapos ay tinulak siya doon. Una ay nagtaka pa siya pero ang pagtatakang iyon ay nahalinhinan din ng takot ng makita niyang may pinapakawalan ito mula sa tagong bahagi ng pool. Hindi niya mawari kung anong nilalang iyon. Kalahating tao at kalahating tila igat?Mabilis itong lumangoy papunta sa kanya kaya pinilit niya ring lumangoy palayo dito. Malapit na siyang marating ang gilid ng pool ng bigla nalang siyang parang kinuryente. Nangingisay at di siya makapagpatuloy sa paglangoy. Palapit na ito sa kanya. Ramdam niya ng tila ahas na pinuluputan siya nito. Pahigpit ng pahigpit iyon at ramdam niyang di siya nito bibitawan hangga't humihinga pa siya. Sinikap niyang tumingin sa matang tao nito sa pagbabakasakaling maaawa ito sa kanya. Ngunit isang pagkakamali iyon na tila siya pang nagpadali sa kamatayan niya ng maglabas ito ng katakot takot na boltahe ng kuryente mula sa katawan. Bitiwan siya nitong nangingitim at halos di na makilala.

"Good boy." Nakangising hinimashimas pa ni Caren ang ulo ng alaga na parang aso.

Samantala sa bahay na kinaroroonan nina Emerlina at Mitch. Nagtaka pa sila ng bigla nalang umalis ang babaeng pinagbibintangan silang sila ang pumatay sa anak nito. Likas na maliksi at maabilidad si Emmy kaya natanggal niya agad ang gapos niya pagkatapos ay tinanggal din niya ang kay Mitch.

"Tara na tumayo ka dyan. Kailangan nating makalabas dito." Aniya dito. Kaya kahit hirap na hirap si Mitch ay pinilit niya ring tumayo. Tama si Emmy kailangan nilang makaalis sa lugar na iyon bago pa mahuli ang lahat. Pinasok nila lahat ng makita nilang pintuan ngunit ilang minuto na'y di parin nila nahahanap ang daan palabas. Hanggang makapasok sila sa isang pinto na ang laman ay halos puro mga kagamitang pilak, mga kagamitang itim at sa gitna noon ay may kung ano na tinatabingan ng kurtinang itim.

"Nasan tayo?" Naguguluhang tanong ni Mitch sa kasamang si Emmy.

"Ewan ko pero malakas ang kutob kong this is not a good place." Anitong unti unting lumapit sa natatabingan ng kurtinang itim. Hahawiin na sana nito iyon ngunit pinigilan niya ito ng maaninag niyang tila may tao sa loob.

"Bakit?" Paangil na anito.

"May tao sa loob."

"Huh?"

Iginiya niya ito sa isang bahagi kung saan niya nakita ang isang anino na mukhang nagdadasal sa loob.Nakaluhod kasi ito habang nakatingin sa tila altar. Natunugan naman ng nasa loob na si Shine ang dalawang bagong dating na nagmamasid sa kanya.

"May bisita pala tayo. Gusto mo bang dalhin ko sila dito sa loob mahal ko?" Aniya habang tila baliwng hinahaplos ang isang larawan ng lalaking nakakwadro. Panay naman ang silip ng dalawang nasa labas kaya di nila namalayang may palapit na pala sa kanila.

"Buti naman at kusa niyong dinala ang saliri niyo dito? Hindi na ako mahihirapang iharap kayo sa aking asawa." Malademonyong ngumisi pa ang nagsasalitang si Shine habang napaatras naman sila.

"Pilitin nating makarating sa pinto kahit anong mangyari." Bulong ni Emmy kay Mitch.

"Hindi niyo man lang ba ako isasali sa usapan niyo?" Naglakad na papunta sa kanila ang babaeng ngayon lang nila napansing nakadamit ng magarang robang inaadornohan ng pilak. Tarantang napatakbo sila sa pinto ngunit bigla nalang sumara iyon.

"Hahahahaha...... Anong tingin niyo basta niyo nalang ako matatakasan? Tanggapin niyo nalang ang kapalaran niyo. Nagawa kung ialay ang mga anak ko sa kanya. Sa tingin niyo di ko yun kayang gawin sa inyo?" Mas lalo silang nanghilakbot sa pinagsasasabi nito. Alay? Iaalay sila nito? Saan? Kanino? May pinindot ito sa gilid ng pader dahilan para mawala ang nakatabing na kurtina sa tila maliit na silid na nasa gitna ng malawak ng silid na iyo. Isa pala iyong altar ngunit hindi mga poon ang nakalagay doon kundi isang nakakwadrong larawan ng prinsipe ng mga demonyo. Si Beelzebub.

"Accio, Beelzebub." Paulit ulit nitong bigkas bago nabalot ng itim na usok ang buong silid na naging dahilan para mahilo silang dalawa at mawalan ng malay.

"Anong nangyari?" Ani Mitch ng magising siya. Iginala niya ang mga mata sa paligid. Ibang silid ang kinaroroonan niya. Ibig bang sabihin ay ligtas na sila? Napadako ang tingin niya sa babaeng nakatalikod sa isang sulok.

"Emmy, emmy ikaw ba yan?" Tawag niya dito ngunit nagsisi sa ginawa dahil ang Emmy na bumungad sa kanya ay tila isang buhay na bangkay.

"Anong nangyari?"

"Bakit may problema ba? ." Balik tanong nitong naglakad palapit sa kanya. Bahagya naman siyang napaatras dahil natakot siya di lang sa itsura nito kundi maging sa paraan kung paano ito maglakad.

"Bakit ka umaatras? Natatakot ka? Ayaw mo bang maging katulad kita?" Nanginig siyang lalo dahil sa sinabi nito.

"Emmy, please gusto ko pang mabuhay."

"Bakit buhay naman ako diba? Hayaan mong mabuhay tayong dalawa magpakailaman."

"Hindi ayoko. Wag kang lalapit!" Aniya sabay tago sa likod ng isang tokador. Pag akmang lalapit ito ay itinutumba niya ang mga gamit na kaya niyang itumba para hindi ito makalapit.

"Rrrrrrr...." Nanggigigil na ungol nito.

Patuloy lang ito sa pagsunod sa kanya ng maubusan na siya ng itutumbang gamit.

"Lord God please help me. Ayoko pang mamatay." Patuloy na usal niya habang palapit na ito sa kaniya. Dinig niya ang malakas na kalabog ng kanyang dibdib habang pilit siya nitong inaabot. Binabato niya dito lahat ng mahahawakan niya. Hanggang sa sobrang takot ay di niya namalayang tuluyan na pala itong nakalapit. Hinawakan nito ang kamay niya sabay hila sa kanya palapit dito. Hinawak niya naman ang kabilang kamay sa aparador sa gilid. Akala niya di siya nito tuluyang mahihila dahil sa nakahawak siya doon na alam niyang mabigat at di basta basta matutumba ngunit nagkamali siya. Napakalakas nito kaya nagawa siyang hilahin pati narin ang aparador na sabay bumagsak sa kanilang dalawa.

"Bravo. Bravo." Pumapalakpak pa si Shine dahil sa nasaksihang eksena. Nang pumalpak ang ritwal niya kanina dahil hindi na pala birhen ang alay niya ay pinasya niyang ipasok sa loob ng isang silid ang dalawa at panoorin ang mga ito kung ano ang gagawin pagnalaman ng mga itong magkaiba na sila. At dahil tuwang tuwa siya sa panonood sa mga ito ay di niya namalayang lumapit sa kanya ang isang anino. Lumigid ito sa likuran niya at mula doon ay nilagyan nito ng wire ang leeg niya sabay hila doon para masakal siya. Nangisay pa siya bago nawalan ng malay.

Nang muli siyang magkamalay ay nasa isang alayan siya. Kinakabahang nagpumiglas siya habang nakatingin sa ngayon ay palapit sa kanyang nakahood kaya di niya makita ang itsura. Walang kakurapkurap na tinitigan niya ito pra makita kung sino ang pangahas. At nagulat siya ng tuluyang tumambad sa kanya ang itsura nito.

"Handa ka na bang harapin ang prinsipe mo?" Nakakapangilabot na saad nito habang inaangat ang kutsilyo sa harap ng dibdib niya.

To be continued...

ISLA (Under Revision)Where stories live. Discover now