Chapter 5

3.1K 78 4
                                    

"Yvonne?!" Ani Caren na agad pang sinugod ng yakap ang dalagang nakahiga sa kama. Pakiramdam niya talaga ito ang anak niya dahil sa kakaibang tuwang naramdaman niya ng maglapat ang kanilang katawan.

"Hon, hindi siya si Yvonne."

"Siya si Yvonne. Siya ang anak natin. Ibinalik siya ng dagat." Deklara niyang buong pagmamahal na hinaplos ang mukha ng dalaga. Sakto namang magigising ito.

"Sino kayo? Asan ako?" Matalim at mailap ang mga matang tanong nito sa kanila. Bahagya pa itong napaatras sa dulong bahagi ng kama. Halatang naguguluhan sa mga nangyayari.

"Wala ka bang-

"Ikaw si Yvonne at kami ang mga magulang mo. Siya ang Daddy Lowie mo at ako naman ang Mommy Caren mo." Putol niya sa mga dapat ay sasabihin ni Lowie. Naguluhan mang nagpalipat lipat ng tingin sa kanila ang dalaga ay di naman ito tumutol ng yakapin niya.

Naaawang napatingin nalang si Lowie sa asawa. Paano nalang pag may kumuha sa babae? Hindi niya ata kakayaning bumalik sa pagiging miserable ang asawa. Bahala na they will just cross the bridge when they get there.

Isang linggo pa ang lumipas at tuluyan ng nakalabas ng ospital ang dalaga. Agad itong dinala ng asawa niya sa isla. Ipinakilala nito ang babae sa mga empleyado nila. Napansin niya ang kakaibang tingin ng mga ito sa asawa tuwing sinasabi nito ang pangalang Yvonne. Para bang kulang nalang ay akusahan ng mga itong baliw ang asawa niya. Pero wala siyang pakialam kung ano pa man ang maging opinyon ng mga ito. Ang mahalaga ay masaya ang asawa niya. Ang hindi niya alam ay mas masaya ang babaeng matagal ng nakasubaybay sa kanila. Sa wakas kasi nahulog din sa bitag nito ang mag-asawa. Nakikita niya na ang pagbabalik ni Irah.

Ilang linggo pa ang lumipas halos di na mapaghiwalay ang dalawa. Natutuwa siya dahil narin sa nakikita niyang kasiyahan ng asawa. May napansin din siyang kakatwa mula ng dumating ang dalaga. Dumadami ang mga turistang pumupunta sa resort nila. Ngayon nga ay may guest silang doon nagcelebrate ng 18th birthday nito.

"Happy birthday, Hanna (2x)

happy birthday (2x)

happy birthday, Hanna." Masayang kinantahan si Hanna ng mga bisita niya.

"Salamat po sa pagpunta ninyo sa birthday ko. I really appreciate your effort. Hindi ko po alam how to express my gratitude pero thank you po talaga." Nagpasalamat muna ang may kaarawan sa mga dumalo bago inumpisahan ng pormal ang kasiyahan.

Sa silid naman ni Yvonne sa itaas ay kitang kita niya ang mga nagkakasiyahan sa ibaba. Sumilay sa kanyang labi ang ngiting tila nagbabadya ng panganib.

"Anak, nagugutom ka na ba? Gusto mo bang dalhin ko dito ang makakain mo?" Tanong sa kanya ng inang si Caren na may kakaibang kislap din ang mga mata habang nakatingin sa nagkakasiyahan sa ibaba.

"Ako nalang po ang bahala,Mama." Sagot niyang lalong ikinalaki ng ngiti nito.

Samantala sa ibaba naman...

"Jenifer, lasing ka na, tama na." Sita ni Hanna sa kaibigan.

" Hindi ako..hik.. lasing.. Gusto ko pang..hik.. uminom."

" Dalhin mo na kaya sa itaas ang kapatid mo?" Suhestiyon niya kay Roselle na siyang nakaaalay sa kapatid.

"Sige, ano bang room no. namin?"

"Room 201. Eto susi." Pagkatapos niyang iabot ang susi ay umalis na ang mga ito.

Hirap na hirap naman si Roselle dahil sa bigat ng kapatid. Nasa second floor pa naman ang mga kwartong para sa guest ng resort. Malapit na siya sa silid nila ng maramdamang niyang tila may nakamasid sa kanila. Iginala niya ang paningin sa paligid ngunit wala siyang makita. Kahit hirap naman ay sinakap niyang makarating agad sa kwarto. Bubuksan niya sana ang pinto para pumasok ng bigla nalang may kung anong mabilis na bagay ang dumaan sa likod niya. Dahil sa gulat at pagmamadali ay sabay pa silang bumalandra ng lasing na kapatid sa loob ng kwarto. Agad niyang isinara at inilock ang pinto. Pinagpawisan siya ng malapot dahil sa kaba ng bigla nalang may kung anong bumukas sa dulong bahagi ng kwarto. Connecting door ba iyon? Ba't may connecting door sa kwarto

nila? At saan naglalagos ang pintong iyon?

To be continued...

Maraming salamat po sa pagbabasa. Please vote, leave a comment and share. Pafollow nrin po...

ISLA (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon