Chapter 2

5.1K 121 2
                                    


"Marlon, akala ba namin safe dun sa ancestral house niyo? What happened?" Umiiyak at puno ng hinanakit na tanong ni Talene dito. Kahit nasa sasakyan siya nung mangyari ang nangyari sa tatlo ay parang nasaksihan narin niya iyon ngayon dahil sa naramdamang takot ng mahulog sa bangin ang sasakyan nila. Laking pasasalamat na nga lang at walang nasaktan ng malala. Puro galos lang ang tinamo nila.

"Ewan ko. I've been there just last month. At hindi ko alam kung paano nagkaroon ng halimaw doon."

"Marlon, we've trusted you." Puno rin ng hinanakit ang boses ni Mekaila. Tatlo ang bigla nalang nawala at sobrang hirap na ulit magtiwala dito. Hindi nga nila alam kung paniniwalaan pa ba nila ang mga sinasabi nito.

"I'm sorry. I really am." Mapagpakumbabang hingi nito ng patawad. But it's too late. Maaring hindi nga ito ang may kasalanan pero ito parin ang nagdala sa kanila sa tiyak na kapahamakan.

Five years later...

" Ate Lea, Rossel, Irene aalis na ako. Pakisabi kay Deak aagahan ko nalang bukas." Paalam ng personal pilot ni Deak na si Tristan.

"Sige, Tristan ingat balik ka ulit, huh." Pacute namang wika ni Irene.

"Hmm.. harot mo. Tsaka babalik talaga yan kahit di mo sabihan. Andito ang amo, eh." Bara ni Rossel dito.

"Tumigil nga kayong dalawa jan. Buti pa silipin niyo si Ms. Irah sa kwarto niya dali." Saway ni Lea sa kanila. Agad naman nilang tinalima ang utos nito. Mahirap kayang harapin ang galit ng matandang dalaga. Tumanda na ito at hindi na nakapag-asawa dahil sa paninilbihan sa kanilang amo. Silang dalawa naman ay bago palang.

Ngingitingiti namang umalis si Tristan. Pasipolsipol pa siya habang naglalakad. Malapit na siya sa may dalampasigan na may marinig siyang mahinang iyak. Nagtaka siya kung sino iyon dahil wala namang ibang naninirahan sa islang iyon maliban sa kanilang amo. Sinundan niya ang tinig at nakita niya sa di kalayuan ang isang babae. Parang kilala niya ang pamilyar na bultong iyon.

"Ms. Irah ikaw ba yan?" Tanong niya ngunit wala siyang sagot na nakuha mula dito. Nilapitan niya ito at akmang hahawakan ng bigla itong humarap sa kanya. Hindi si Irah ang tumambad sa kanya kundi isang halimaw na naglalaway na agad siyang sinunggaban.

"Ahhhhhhhhh..... Ahhhhhhhhh..... Ahhhhhhhhh. Sumigaw siya at pilit kumawala sa pagkakahawak ng halimaw. Ngunit napakalakas nito at nagawa pang baliin ang leeg niya. Halos wala ng boses na lumalabas habang patuloy parin siyang sumisigaw sa sakit. Wala siyang nagawa hanggang unti unting pagpirapirasuhin ng babae ang katawan niya.

" Welcome to the alumni homecoming of batch '08-'09 of Colegio de San Francisco "

" Ayokong pumunta kayo nalang". Walang ganang tanggi ni Talene sa pag-aaya ni Angel para sa kanilang batch reunion.

" Hindi mo ba sila namiss? Tsaka ayaw mo bang makita ulit si Billy? It's been five years. Pangungumbinsi parin nito sa knya. At ginamit pa talaga ang pangalan ng crush niya.

" Pag-iisipan ko." Yun lng at tinapos niya na ang kanilang pag-uusap. Samantalang si Angel naman ay sinubukan ding ikontak ang iba pa. Pero sa kasamaang palad isa lang ang nagring kay Marlon lang.

"Hello?"

"Hello, Marlon si Angel to may ba-

Hindi niya natuloy ang dapat sana'y sasabihin dahil binabaan siya nito.

" Hay ano ba naman yan mukhang ala atang interesadong magpunta." Himutok niya ng bigla nalang magring ag cp niya.

"Hello?"

"Is this Angel Lorenzo?" Bungad ng nasa kabilang linya. Kinabahan siya dahil napakapamilyar sa kanya na boses nito.

"Yes. Who's this, please?" Kahit feeling niya alam niya na kung sino ang tumatawag ay nagtanong parin siya.

ISLA (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon