Chapter 13

2.6K 69 2
                                    

Umalis na sa interrogation room ang mga taga interrogate at dahil sa pag-alis nilang iyon ay di nila namalayan ang mabilis na pagpasok ng isang nilalang sa loob. Nakangisi nitong tiningnan ang noo'y walang malay na si Mitch habang dinadampi ang matutulis nitong kuko sa mukha ng dalaga. Agad namang nagpunta doon at isang gwardya para isarado ang pinto. Pumasok muna siya sa loob upang siguraduhing maayos na nakatali ang babae. Ngunit isang pagkakamali ang ginawa niyang iyon dahil agad siyang nilundagan ng isang nilalang na nagtatago sa dilim.

"Ahhhhh... Ahhhhh... Ahhhhh..." Sigaw niyang narinig din ng mga kasama niya sa labas. Agad sumugod ang mga ito sa silid ngunit huli na. Naabutan nilang patay na ang lalaki. Wakwak ang tiyan at dibdib nito at dilat na dilat ang mga mata na parang may kung anong kinatakutan. Naging alerto naman agad sila at iginala ang paningin sa paligid. Ang hindi nila alam ay naghihintay lang ng pagkakataong umatake ang nilalang na noo'y naglulumikot ang mga mata habang pinaglipatlipat ang tingin sa kanila waring may kinikilala. Napako ang tingin nito kay Ariel na noo'y nakatayo sa gilid ni Mitch na nagising na dahil sa pangyayari. Dahan dahan itong gumapang sa may dingding sa gilid ng lalaki at ng matapat dito ay agad nitong binugahan ng kanyang malaasidong laway ang lalaki. Nagkagulo naman ang natitirang apat pang nasa silid kabilang si Emmy at mabilis nilang pinuntirya ang nilalang na mas mabilis kumilos. Ngunit sa bilis nitong kumilos ay di man lang sila nakatama. At wala rin silang nagawa ng makita nilang unti unting natutunaw si Ariel.

"Yun yung nilalang na nakita namin dati sa resort !" Malakas na bulalas ni Emmy. Naalala niya ang nilalang na  nakita nilang napakabilis  kilos. Kinakabahang napalabas na lamang silang  apat sa silid. Ni hindi na nila nagawang ilabas ang takot na takot na si Mitch na inaantay nilang lapitan ng nilalang upang kanila itong mapatay.

"Hindi kaya anak ng halimaw na iyon yang babaeng yan?" Tanong ng isa sa kanila.

"Ewan ko. Baka siguro. Pero ang mahalaga muna ngayon ay maging alerto tayo. Hindi natin alam kung nasaan siya at kung ano ang susunod niyang plano." Kinakabahang pahayag ni Emmy na itinutok ang mga mata sa pinto. Biglang may lumabas doon at agad nilang pinagbabaril. Ngunit hindi pala iyon ang halimaw kundi ang isa nilang kasama na una nitong pinatay kanina. Dahil napunta ang atensyon nila doon ay nagkaroon ng pagkakataong makalabas ang halimaw at walang anumang dinagit nito ang nagulat ding si Emmy.

"Ahhhhh... Tulungan niyo ko." Malakas nitong sigaw ngunit dahil sa bilis kumilos ng halimaw ay parang humalo lang iyon sa hangin.

"Shit, kunin niyo yung babae. Sigurado babalikan yan ng halimaw." Anang isa pang lalaki sa dalawa pang natitirang kasama.

"Pano pag bumalik? Sobrang bilis niya at wala tayong kalabanlaban?" Anang isa naman na namumutla pa dahil sa kaba.

"Mabuti pa tawagan natin si Ma'am Neriza para bigyan niya tayo ng pwedeng makasama natin sa pagbabantay. Delikado tayo." Kinuha nito ang cellphone at tinawagan si Neriza.

"Hello?" Bungad nitong halatang nadisturbo sa pagtulog.

"Ma'am, sinalakay po kami ng halimaw sina Sir SPO1 Ariel po at Jaime po patay na. Tinangay naman po ng halimaw si-

Hindi na naituloy ng lalaki ang pagsusumbong ng may malapot na likidong tumulo sa mga kamay niyang may hawak ng cellphone.

"Ahhhhh...." Sigaw niya habang nakikitang unti unting natutunaw ang cellphone pati narin ang mga kamay niya. Napaatras naman ang dalawa pang natitira. Itunutok nila ang mga baril nila sa halimaw na ngayon ay nakikita na nila ng harapan. Pinaputukan nila ito ngunit lahat ng tumatama dito ay parang hinihigop lang ng katawan nito. Atras sila ng atras hanggang maramdaman nila ang malamig na pader sa likod nila. Palapit na sa kanila ngayon ang nakangising babae. Siya namang pag-alingawngaw ng sirena ng pulis na siyang kinaalarma nito. Akala nila ay ligtas na sila ngunit naramdaman nalang nilang umangat sila at parang mga eroplanong papel na pinalipad nito papunta sa entrance ng presinto kung saan papasok ang mga rumespunde sa kanila. Mabilis itong umalis habang dala dala si Mitch. Wala ng naabutan ang mga pulis kundi mga patay.

Kinabukasan ay balitang balita sa TV ang mga pangyayari ng nagdaang gabi. Nakangisi namang tiningnan ni Shine ang dalawang babaeng dinala sa kanya ng anak na si Irah. Yung isa di umano ay isang policewoman at ang isa ay ang receptionist nito na siya mismong pumatay kay Yvonne.

"Ikaw na ang bahala sa kanila, Ma. It's up to you kung paano mo sila pahihirapan dahil may dapat pa akong tapusin." Nakangisi pang wika ng anak niya bago ito umalis.

Tulog ang dalawang babae at para magising ang mga ito ay kumuha siya ng mainit na tubig at ibinuhos sa dalawa. Nangingisay na  nagising ang dalawa.

"Anong ginagawa namin dito?" Matigas na tanong ng nagising na si Emmy.

"Bakit? Kasi pakialamera ka!" Aniya sabay sampal sa babae.

"Wala akong kasalanan sayo!" Anitong pumiksi pa at pilit na kumakalawa sa pagkakagapos. Ang nasa tabi naman nitong si Mitch ay halatang iniinda pa ang pagkakapaso ng balat.

"Ano masakit ba? Kulang pa yan sa ginawa mo sa anak ko!" Galit niyang wika sabay hila sa buhok nito na siguradong masasaktan ito.

"Tama na!" Sigaw naman ni Emmy dahil kita niya ng dumadaloy na sa noo ng babae ang dugo mula sa anit ni Mitch.

"Bakit naiingit ka?" Siya naman ang binalingan ng babae. Hindi nila maintindihan kung ano ang pinagsasasabi nito. Lalong di nila alam kung sinong anak ang tinutukoy nito. Nagulat pa siya ng kumuha ito ng kutsilyo ay hinawakan siya sa mukha. Napahiyaw nalang ito ng malakas ng hiwain nito ang kabilang bahagi ng pisngi niya.

"Ano yan ba ang gusto mo?" Nakangising wika ni Shine na tila nahawa narin sa kademonyohan ng mga anak. Mayamaya ay dumating ang isang babae na naalala niyang may-ari ng resort, si Caren. Ngunit dinig nilang tinawag nitong Irah. Mukhang marami pa silang dapat malaman tungkol sa mga nagmamay-ari ng "Yvonne Island Resort".

Samantala ay pansamantala munang isinarado ang resort dahil nga sa nangyaring krimen. Inutusan naman ni Lowie sina Jane, Joydee at Mhay na maglinis sa kwarto sa ground floor kung saan dinadala dati ni Yvonne ang mga binibiktima nito.

"Anong ginagawa niyo dito?" Dumagundong sa buong hotel ang galit na boses ni Irah na ngayon ay nakilala nila sa pangalang Caren. (A/N: Caren nalang po yung madalas kung gagamitin na name.) Nahintakutang napatayo ang tatlo.

"Ma'am inutusan po kasi kami ni sir Lowie na maglinis dito." Kinakabahang wika ni Joydee.

"Asan si Lowie?"

"Nasa kwarto niyo po." Si Jane ang sumagot sa tanong na iyon. Mabilis na iniwan ni Caren ang mga naglilinis at pumunta sa kanilang silid na mag-asawa. Naabutan niya si Lowie na nakatalikod at parang ang lalim ng iniisip. Hindi niya alam pero para siyang kinabahan.

"Lowie?"

"Niloko mo ko, Caren!" Galit na pahayag nito sabay hagis sa kanya ng dalawang maliit na maynika na magkasamang nakatali.


To be continued...

ISLA (Under Revision)Where stories live. Discover now