Chapter 1

8K 151 8
                                    

Alcantara, Deak Lowin

Descatin, Joboy

Duenas, Daisy

Gadayan, Billy Boy

Garbilao, Zhed

Gelladula, Rezel Joy

Lincopinis, Darllaine

Lorenzo, Angel

Maglasang, Anna Marie

Paras, Bhem

Sta Maria, Talene

Torres, Marlon

Visbal, Mekaila

Isa isang umakyat ng stage ang mga nagsipagtapos ng taong Kasalukuyan sa Colegio de San Francisco. Masayang masaya sila dahil ito na ang araw na inaantay nila ang makagraduate.

"I hope your dreams take you to the corners of your smiles, to the highest of your hopes, to the windows of your opportunities and to the most special places your heart has ever known. Congratulations, graduates!" Masayang bati sa kanila ng Dean nilang si Mr. John Lester Cordero.

Masaya namang nagsipalakpakan ang mga nagsipagtapos.

"Deak, congrats!" Masayang bati ni Angel.

"Thank you". Matipid na sagot ni Deak habang hinahanap sa paligid si Rezel.

"Uie Deak pare, congrats! Masaya ring bati ni Marlon na tinapik pa ang balikat nya. Nginitian niya lang ito bilang tugon. At iniwan ng makita si Rezel na nakikiumpok kina Darllaine, Zhed, Bhem at Talene. Lalapit na sana siya sa mga ito ng harangin nmn siya ng dalawang kaibigang sina Joboy at Billy.

"Tol, sino nanap mo? Si Rezel na naman, noh?" wika ni Billy sabay akbay sa kanya.

"Oo. At kung hindi kayo aalis dyan sa dadaanan ko ibabalibag ko kayo". Naiiritang wika niya di kasi siya makalapit ng tuluyan kay Rezel.

"Chill,tol. Pikon ka naman masyado, eh." Tatawa tawang kantiyaw ni Joboy sa kanya. Sinamaan niya naman ito ng tingin.

" Deak ?!." Tawag sa kanya ng napakapamilyar na boses. Nang lingunin niya ito ay tama nga ang hinala niya. It's his Mom, Shine.

"Ma?" Tuwang sambit niya. Di maipaliwanag ang tuwang naramdaman niya ng makita ito. It's been a long time. Sa america na kasi ito namalagi since his father died. And that was almost five years ago.

"Congratulation, son".Masayang bati nito sa kanya.

"Thank you, ma. Akala ko po hnd na kayo makakarating." Masayang nagyakapan ang mag-ina.

"Tita Shine? Oh my God. It's really you. Long time no see. Kumusta na po kayo?" Buong giliwng bati ng isa niyang kasamang gumraduate sa Mommy niya.

"I'm sorry?" Anang Mommy niya na mukhang hnd agad nakilala ang babae.

"Tita it's me Mekaila."

"Oh my I'm sorry hindi kita nakilala kaagad. Ang laki muna and you're so gorgeous. Sabay ba kayong gumraduate ni Deak?"

"Opo tita. Mukhang hindi na nga po ako maalala ng lokong yan, eh."

"Who forgot you? Me? Makakalimutan ko ba naman yung taong nagpaiyak sa kakambal ko dati". React niya sa sinabi nito.

"Hey, chill out. Masyado ka namang high blood, eh. By the way where is Irah?"

"Nasa bahay nagpapahinga". Matigas na sagot niya sa tanong nito.

"Hey ba't bigla nalang nagbago ang mood mo? Did I say something wrong?" Nagtaka naman ito sa naging reaksyon niya. Umiling lang siya bilang tugon. Nag-usap pa ito at ang Mommy niya bago sila tuluyang umalis.

ISLA (Under Revision)Where stories live. Discover now