Chapter 11

2.5K 68 0
                                    

"Ate Mitch tulungan mo kami. Andito kami ngayon sa 3rd floor gus-

Naputol ang dapat sana'y sasabihin ni Dylen ng may umagaw sa hawak na cellphone. Kinakabahang napalingon siya sa umagaw nun at umalingawngaw ang malakas niyang sigaw ng bumungad sa kanya ang itsura ni Yvonne na naliligo sa sariling dugo. Walang anumang hinila nito silang dalawa ni Ainan pabalik sa silid na nilisan nila kanina.

"Mitch, san ka pupunta?" Tanong ng kasama niya sa may reception na si Joydee. Siya kasi ang pumalit kay Graze ng mawala ito.

"Aakyat ako sa 3rd floor kailangan ako ng kapatid ko." Aniyang walang lingon likod na umakyat sa hagdan. Wala siyang pakialam kahit pa matanggal siya sa trabaho ang importante mailigatas niya sina Ainan at Dylen na alam niyang nasa bingit ngayon ng panganib. Samantala'y buo na ang plano ni Fina. Makakaalis siya sa kwartong iyon. Kailangang makaalis siya bago pa ulit may mabiktima.

"Ahhhhh..." Tumili siya ng malakas para sa umpisa ng plano niya. At umayon nga sa kanya ang pagkakataon dahil pumasok agad sa silid niya si Caren. Nakita naman ng paakyat na si Mitch ang amo kaya napababa siya ng wala sa oras.

"Ano ba Fina. May nakikita ka na naman ba?" Sita sa kanya ng tiyahing di man lang itinago ang pagkairita sa boses.

"Palabasin niyo na po ako dito parang awa niyo na. Mamamatay po ako dito sa takot, tita lalo po silang dumami." Lumuhod pa siya sa harap nito para kumbinsihin ito kunwari at para wag itong magduda. Inilabas nito ang cellphone at tinawagan ulit si nurse Dhalle upang marahil ay paturukan na naman siya.

"Dhalle, pumunta ka dito. Naghahalocinate na naman si Fina. Bilisan mo dahil may lakad ako." Utos nito sa nurse ng resort na agad namang tumalima sa utos ng tiyahin niya. Panay naman ang mura ni Mitch dahil sa magkahalong kaba at pagkainis dahil lagi nalang naaantala ang pag-akyat niya. Ngayon ay kailangan niya na namang bumaba dahil pinuna siya ng nurse ng resort na si Dhalle na mukhang aakyat din ata sa 3rd floor. Napilitan siyang bumaba. Sa silid naman ni Fina ay agad umalis ang tiyahan niya ng dumating si Dhalle. May sinabi dito ang tiyahin niya na di niya alam kung ano. Ng lumabas ito ay agad hinanda ni Dhalle ang ituturok sa kanya. Nakatalikod ang babae kaya di nito namalayang dahan dahan siyang bumangon at lumapit dito. Saktong paglingon nito ay ubod lakas niya itong hinampas ng hawak na figurine. Agad itong bumulagta at nawalan ng malay. Dali dali niya itong dinala sa higaan niya at kinumutan. Itinurok niya rin dito ang gamot na dapat ay ituturok nito sa kanya. Sigurado siya bukas pa ito magigising tulad niya tuwing tinuturukan siya nito. Sumilip muna siya sa labas bago niya tuluyang nilisan ang kwarto. Nagkagulatan pa sila ng paakyat na si Mitch.

"Anong ginagawa mo dito? Delikado kayo dito. Tara bumaba na tayo." Hila niya sa babae ngunit pumiksi ito.

"Hindi ako pwedeng bumaba dahil nandito ang kapatid ko." Matigas nitong tugon.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sila ni Dylen andito sila. Kailangan ko silang mailabas dito." Sagot nitong halata ang kaba. Dahil sa narinig ay hinila niya ito papunta sa isang silid.

"San mo ko dadalhin?" Tila naalarmang tanong nito.

"Gusto mong iligtas ang kapatid mo, diba? Tutulungan kita." Pumasok sila sa silid ni Yvonne. Alam niyang dun sila dapat dumaan dahil sinabi na iyong sa kanya ng mga multong nakikita niya.

"Ito hawakan mo." Aniya sabay abot dito ng nakitang baseball bat. Kinuha naman niya ang isang nakadisplay na stainless  figurine.

"Anong gagawin ko dito."

"Halimaw ang haharapin natin, Mitch. Halimaw!"Aniyang nauna ng pumunta sa connecting door. Ilang baitang  na ang nahahakbang niya ng mapuna niyang di ito sumunod.

"Mitch ano ba? Susunod ka ba o ano? Halika na."

"Fina, maililigtas ba natin sila dahil dito sa mga dala natin? Gusto kong magtapang tapangan pero natatakot ako. Tumawag pa tayo ng pwedeng tumulong sa atin, please."

"Sige tumawag ka kung gusto mong wala na tayong abutang buhay sa baba." Matigas na pahayag niya bago nagpatuloy sa pagbaba. Mayamaya ay narinig niyang sumunod na din ito sa kanya.

"San ba papunta tong hagdanang to?"

"Naalaa mo yung nakasaradong pinto sa may ground floor dun to papunta. Dun dinadala ni Yvonne ang mga biktima niya."

Matagal na nilang alam na may kakaiba sa ampon ng amo nila. Wala lang may lakas ng loob na umimik dahil sa takot.

"Ahhhhhhhhh......" Ang nahihirapang sigaw na iyon ang narinig nila ng malapit na sila sa ground floor.

"Si Ainan!" Aniyang mabilis na tinalunton ang natitirang baitang ng hagdan pababa. Ngunit inawat siya nito.

"Ano ka ba kung mahuhuli ka niya parepareho tayong mamamatay." Anitong lalong nagdulot ng kaba sa kanya. Mula sa kinalalagyan nila ay kita na nila ang liwanag mula sa silid. Dahan dahan ang mga hakbang nila habang palapit dahil sa takot na baka mahalata sila ni Yvonne. Bumungad sa kanila si Yvonne na nakatalikod sa gawi nila at nakaharap sa nagpupumiglas na si Dylen. Habang may sinusulat si Yvonne sa mga binti nito gamit ang kutsilyo. Sa tabi naman nito ay andun ang walang malay na si Ainan. Halos wala ng balat ang mga paa nito.

"Yan ang dapat sa pakialamerang tulad mo. Diba sinabihan na kita ng ayoko ng may haharangharang? Ngayon ipaparamdam ko sayo kung paano ko inaalis ang harang." Narinig nilang wika ni Yvone na gigil na gigil sa sumulat ulit sa balat ni Dylen gamit ang kutsilyo. Nakita naman nilang nagising ang walang malay na si Ainan. Gumapang ito ng dahan dahan papunta sa isang kahoy. Inisip marahil nitong tulungan si Dylen ngunit nakita ito ni Yvonne. At gigil na itinusok sa kamay nito ang kutsilyong ginamit kanina kay Dylen. Di na napigilan pa ni Mitch ang sarili kaya patakbo niya ng sinugod si Yvonne. Ngunit napansin siya nito. Inangat siya nito at ibinalibag sa may tila kahon na nakasalang sa apoy. Nanginig siya dahil sa tindi ng init na dumampi sa balat. Unti unti itong lumapit papunta sa kanya. Umurong naman siya papunta sa bahaging may nakita siyang kahoy. Ngunit bago niya pa madampot ang kahoy ay umangat na siya sa sahig. Inangat siya nito habang sinasakal. Halos mapugto na ang hininga niya ng tumalsik sa mukha niya ang isang sariwang dugo. Unti unting lumawag ang hawak nito sa kanya at padapa itong bumulagta sa sahig. Kitang kita niyang nakabaon pa sa ulo nito ang figurine na kanina ay hawak ni Fina. Agad naman siyang dinaluhan ng hingal na hingal na si Fina.

"Tara bilisan natin. Kailangang makaalis agad tayo dito." Anitong tinulungang makatayo si Dylen. "Kaya mo bang alalayan si Ainan?" Wika ulit nito na tango lang ang naisagot niya dahil hindi parin siya gaanong nakakarecover sa pagkakasakal ni Yvonne sa kanya. Kinuha niya ang kapatid at napahiyaw ito sa sakit ng bunutin niya ang kutsilyong nakatusok sa kamay nito. Kahit hirap ay pilit niya itong pinasan.

"Mauna na kayo." Wika ulit ni Fina na agad naman niyang sinunod. Halos di siya makausad paakyat dahil sa sakit ng katawan niya tapos pasan niya pa ang kapatid.

"Sige na Mitch kunti nalang." Hinihingal naring wika ni Fina  ng matanaw na nila ang pintuan ng connecting door sa isang kwarto. Marahil ay sa 2nd floor pa iyon dahil unang pinto palang iyon at di pa naman sila gaanong nakakalayo.

"Pumasok ka dyan." Utos nito ng nasa tapat na sila ng pintuan.

"Pero 2nd floor palang to."

"Sige na sumunod ka nalang. Bilis nagtaka siya kung bakit ganun nalang siya kung pagmadaliin nito. Itinulak niya ang pinto ng silid at swerte namang walang tao kaya nakapasok agad sila ni Ainan. Binalikan niya si Fina para tulungan itong alalayan si Dylen. Ng biglang nanlaki ang mga mata nito. Itinulak nito silang dalawa ni Dylen papasok sabay lock ng connecting door. Nagulat naman siya sa bilis ng pangyayari.

"Fina? Fina anong nangyayari?" Kinalampag niya ang pinto ng connecting door lalo ng marinig niya na tila may nahulog sa hagdan pagkatapos ay ang pagtili ni Fina. Napasandal lamang siya sa pinto at tuluyang umiyak. Hanggang muntik na siyang matamaan ng bigla nalang may tumagos na kutsilyo sa pinto.


To be continued...

ISLA (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon