Chapter 3

3.8K 102 3
                                    


Nagising sina Joboy at Billy dahil sa malalakas na pagkatok. Nasa isang silid na sila at nagtaka sila kung paano sila napunta doon. Lalo na ng makitang andun din si Zhed.

" Hoy, Zhed gising!" Panggigising ni Joboy dito na may kasama pang pagyugyog.

" Hmmm... Bakit ba? Ang aga pa, eh."

"Pwd ba bumangon ka na dyan. Sabihin mo panu kami napunta dito?" Si Billy nmn ang nagsalita.

"Ba, malay ko sa inyo. Ng pumasok ako dito kagabi andito na kayo, eh."

Makikipagtalo pa sana ang dalawa ng may kumatok na naman sa pinto.

"Sino yan?"

"Handa na po ang almusal." Sabi ng kumakatok na bosesan nilang si Irene pala.

Nang lumabas silang tatlo ay nasa hapag na lahat pati narin si Deak at napansin nilang andun din sina Talene, Mekaila at Marlon.

"Joboy, Billy, Zhed. Kumusta na kayo? Bati agad ni Mekaila sa kanila. May napansin naman silang kakaiba dito na tila nahalata din nitong agad nagpaliwanag.

"Malapit na akong maging madre! After that incident kasi naisipan kong tugunin na yung pagtawag sa akin at pumasok na sa kumbento." Buong giliwng kwento nito.

"That's nice. This morning lang ba kayo dumating?" Si Joboy na bahagyang sumulyap kay Deak na abala sa pakikipag-usap kina Lea, Irene at Rossel.

" Yeah this morning lang nahirapan kasi kaming kumbinsihing pumunta si Marlon, eh." Si Talene ang sumagot sa tanong niya sabay tingin kay Marlon.

Masaya silang nagbalitaan habang kumakain.

"By the way Deak. Ikaw lang ba mag-isa dito? Asan si Irah at ang Mommy mo? Bumalik na ba sila sa America? Tanong ni Angel.

"Yeah" Tipid na sagot ni Deak na bahagyang umilap ang mata. Samantalang napansin naman ni Zhed ang kawalang gana ni Marlon.

"Uie Marlon, cheer up. Ano ka ba andito tayo para magsaya. Kalimutan na natin yung mga nangyari dati. Ok"

Nakangiting wika ni Angel na sinang-ayunan naman ng iba pa.

"Oo nga at dahil andito tayo for fun ba't di tayo maligo dun sa waterfall na nakita ko kahapon?" Kumikinang ang matang suhestiyon ni Darllaine.

"Ang tinutukoy mo ba ay yung sa may daan papunta dito?" Excited ding tanong ni Rezel.

"Yeah that one. Ano game?"

Napagkasunduan nga nilang pumunta sa waterfall. Ang mga girls lang ang naligo pwera kay Rezel na abala sa pakikipagkwentuhan sa boyfriend na si Deak. Ang ibang boys naman ay naglibotlibot sa paligid. Masaya na silang naliligo ng bigla nalang silang makarinig ng sigaw. Dali dali nilang pinuntahan ang pinanggalingan nun. At sa di kalayuan ay naabutan nilang tawa ng tawa sina Joboy, Marlon, Zhed. Ang pinagtatawanan ng mga ito ay si Billy na nakalubog ang katawan sa kumunoy.

"S**t! Iahon niyo ako dito!"

Dali-dali namang humanap ng kahoy ang girls habang tatawatawa prin ang boys. Akmang iaabot na sana nila ang kahoy ng bigla nalang tila may humila kay Billy pailalim kaya tuluyan itong lumubog sa kumunoy. Napaatras sila at sabay sabay na nagsipulasan ng bigla nalang naging kulay dugo ang tubig kasabay ng paglutang ng pugot na ulo ni Billy.

"Hell! Hell! Hell! Sinasabi ko na nga bang kalokohan lang tong reunion na to, eh." Galit na pahayag ni Marlon habang sina Zhed at Joboy ay tahimik na nagliligpit ng gamit na tila di parin makapaniwala sa nangyari. Sa kwarto naman ng girls ay agad na nagligpit ng mga gamit nila sina Talene at Darllaine. Samantalang sina Mekaila at Angel nmn ay inaalo ang nanginginig pang si Rezel. Umalis kasi si Deak may kukunin lang daw ito sa silid at ihahanda narin ang masasakyan nila.

ISLA (Under Revision)Where stories live. Discover now