Chapter 10

3.1K 75 0
                                    

Sabay na nagising ang tatlong natutulog na sina Hanna, Ivy at Rose. Bigla nalang kasing pumreno ang driver nila.

"Kuya bakit po? Ano pong nangyari?" Tanong ni Rose dito na medyo hilo pa dhil naalimpungatan.

"Eh ma'am pasensya na ho nahulog ho kasi si Ma'am Jenifer."

"Huh? Naku kuya bakit ngayon mo lang sinabi?" Ani Hanna na nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Naabutan nilang nasa may damuhan si Jenifer. Buti wala naman palang nangyari ditong grabe. Kunting mga galos lang.

"May uod. May mga uod. Ang daming uod. Nilagyan ako ng uod ni Roselle kasi galit siya sakin." Tila wala sa sariling sumbong nito sa kanila ng makalapit sila dito. Napaatras naman si Hanna dahil sa narinig.

"Hanna bkit may problema ba?" Takang tanong ni Ivy.

"Alam niyo ba kanina sabi ng sundae vendor may nakatayo daw babae sa gilid ni Jenifer. Puro uod daw at ang sama makatingin. Hindi kaya si Roselle yun?"

"Posible. Pero bakit siya galit kay Jenifer?" Tumingin muna si Ivy kay Jenifer bago nagsalita ulit. "Ano ba talagang nangyari,jen? Bakit ka minumulto ni Roselle? May kinalaman ka ba sa pagkawala niya?" May halong pang-aakusa sa boses nito.

"Hindi ako. Hindi talaga ako. Si Yvonne. Kilala niyo si Yvonne? Siya yun, binalatan niya si Roselle. Tapos dinukot niya din yung mata. Nangako kasi siyang aalisin niya daw ang mga kinaaanggitan ko. Ang galing niya, noh? Ang galing niya kasi nagawa niyang alisin si Roselle." Salaysay nitong halatang tuluyan ng nawala sa sarili. Tiwagan nalang nila ang ina nitong si Sharliene para may kumuha dito dahil nakapagdesisyon na silang bumalik sa isla.

Samantala sa bahay naman na laging pinupuntahan ni Lowie ay kitang kita ag dalawang anino ng babae na nag-uusap. Tuwang tuwa ang mas nakakatanda na nagbalik na ang anak niya. At dahil narin iyon sa isa niya pang anak na ipinain niya. Ngunit may nangyaring hindi inaasahan na posibleng mging mitsa ng kanilang kaligtasan.

"Bakit di ka nag-iingat? Paano kung may nakakita sayo? Siguradong kailangan na naman nating umalis dito at lumipat ng ibang islang pwedeng matirhan." Anang mas nakakatandang babae.

"Sorry, ma. Pangako di na po iyon mauulit. Kung gusto niyo ho ay pwd ko hong iligpit ang pakialamerong mag-asawa iyon." Anitong naglulumikot ang mga mata. Ngayon lang ulit natuwa ng ganito sa kanya ang ina. At hindi niya hahayaang masira iyon. Tatlo nalang ang mga itong natitirang pamilya niya. 

"Wag baka may makahalata sayo. Magpalamig ka muna. Bantayan mo nalang maigi ang kapatid mo. Siguradohin mong walang mapahamak sa inyong dalawa. Sapat ng nawala ang kakambal mo."

"Opo, ma." Aniyang mabilis na nilisan ang lugar na iyon. Pagdating niya sa likurang bahagi ng hotel ay walang anumang nag-anyong tao siya at pumasok sa loob noon. Ilang araw naring usapan sa hotel sa pagkawala ng isang receptionist. Inimbestigahan ang mga tauhan ng hotel pati narin ang mga huling nakasalamuha ni Graze. Marami naman ang hakahakang lumabas na baka umano nakipagtanan o di kaya ay umalis sa lugar nila ang dalaga. Ngunit sa lahat ng  iyon ay tanging ang may gawa lamang ng malagim na pagpatay at si Fina ang may alam kung nasaan talaga ang dalaga.

Ilang araw nrin simula ng ikulong si Fina ng Titang si Caren sa silid niya at sa twing magkukwento siya dito na may nakikita siya ay pinapatawag nito si nurse Dhalle at pinapaturukan siya ng kung ano. Kung dati ay apat lang ang nakikita niyang mga babaeng walang balat ngayon ay lima na ang mga iyon kabilang si Graze. Lagi nagpapakita ang mga ito para humingi ng tulong at sa takot na paturukan na naman siya ay wala na siyang pinagkukwentuhan nun. Ngunit kailangan niyang makagawa ng paraan para makalabas doon.

Sa baba naman ng hotel ay masayang nagkukwentuhan ang magkaibigang Dylen at Ainan. Pinag-uusapan nila ang crush ni Dylen na nasa di kalayuan. Panay din ang sulyap sa kanila ng lalaki na ng di na makatiis ay lumapit na at nakipagkilala. Panay ang sulyap ng babae kay Ainan na ngiting ngiti naman dito. Parang may nangyayaring di niya alam sa lagkit ng palitan ng tingin ng dalawa. Ni hindi nanga napansin ng mga ito ng padabog siyang umalis at lumipat sa kabilang side ng pool.

ISLA (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon