Chapter 8

3.1K 79 0
                                    


Tulad nga ng nakagawian ay maaga na namang pumasok ang magkaibigang Ainan at Dylen sa resort. Binabati ulit nilang dalawa ang bawat dumadating hanggang maagaw ang pansin nila ng bagong dating na si Graze.

"Ai, nakikita mo bang nakikita ko?" Napapalunok na tanong ni Dylen sa kaibigan.

"Ewan ko kung pareho tayo ng nakikita, Dy pero may nakikita din akong kakaiba." Sagot nitong halatang kinakabahan din.

"Si Ate Graze wala siyang ulo!" Magkasabay pang wika ng dalawa. Nagkatinginan sila ng makumpirmang iisa nga ang nakikita nila.

"Ano Dy sasabihin ba natin sa kanya?" Tanong nito.

"Sige tara baka kasi masama yung ibig sabihin noon,eh." Naglakad na sana sila palapit kay Graze ng mas maunang makalapit dito ang tila mag-asawang magchecheck in.

"Panu mamya nalang natin sabihin?" Tanong niya dito.

"Sige mukhang busy pa, eh." Anito at naglakad na sila palabas ng hotel para mag-umpisa na sa trabaho.

"Graze, pinapatawag ka ni Ma'am Caren." Bungad naman dto ng katrabahong si Mhay.

"Ah sige ituloy mo tong ginagawa ko. Magchecheck in sina Mr. and. Mrs. Castillano pinafill up ko na sila ng form." Bilin nito bago umalis. Inantay niyang matapos magfill up ang sinasabi nitong mag-asawa.

"One room for Mr. and Mrs. Castillano. Sa room 201 po kayo."Nakangiting wika ni Mhay sabay abot ng susi ng kwarto sa mag-asawa. "Enjoy your stay, po." Pahabol niya pa sa mga ito.

"Ang cute nila tingnan, no? Siguro newly wed." Siko sa kanya ng kasama sa reception na si Joydee.

"Oo nga, eh bagay na bagay sila. Ang perfect  nilang tingnan. Ako kya kelan magkakaroon ng ganoong fafa?" Nagkatawanan sila sa sinabi niyang iyon. Samantala si Graze naman ay pabalik na sa pwesto pagkatapos siyang utusan ni Caren na  samahan si Fina kay Dhalle. Naghahallucinate kasi ang una kaya dinala niya ito kay Dhalle. Nasa ground floor na siya ng makarinig siya ng malakas na kalabog. Napatingin siya sa pinanggalingan noon na ang kwarto pala sa may dulo na bawal nilang puntahan. Napansin niyang di tulad ng nakasanayan ay wala itong lock ngayon. Hindi kaya may pumasok sa loob? Hindi kaya pumasok sina Dylen at Ainan sa loob? Out of curiosity ay nakita niya na lamang ang sriling humahakbang papunta sa silid.

"Wag na wag kayong papasok sa silid na yun kung ayaw niyong mapahamak." Umalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi dati ng among si Caren. Dahil doon ay maglalakad nalang sana siya palayo ng makarinig na naman siya ng kalabog. Sa pagkakataong iyon ay mas malakas ang narinig niyang kalabog. Kaya imbes na umalis ay mas dinaig siya ng kanyang kyuryusidad na malaman kung ano ang may likha ng ingay.  Pinihit niya ang door knob at nanlaki ang mga mata niya ng bumukas iyon. Ngunit hindi pa man siya nakakapasok ay sumalubong na sa kanya ang nakakasulasok na amoy na nagmula sa silid. Sumilip siya sa loob ngunit napakadilim doon kaya wala siyang maaninag. Kinapa niya ang dingding sa may pinto sa pagbabakasakaling may switch doon. Ng makapang meron nga ay pinindot niya iyon para magbukas ang ilaw ngunit agad siyang nagsisi sa ginawa dahil bumungad sa kanya ang isang babaeng biglang lingon sa kanya ng lumiwanag ang paligid. Napalunok siya sa itsura nitong puro dugo ang bibig at may hawak pang kung ano sa isang kamay na puro dugo din. Dahan dahan siyang napaatras ngunit mabilis siya nitong nilapitan at kinaladkad. Magkahalong sakit at hapdi ang naramdaman niya sa anit niya habang hila hila siya nito gamit ang buhok niya. Ramdam niyang parang mabibiak ang ulo niya sa sakit ng ibalya siya nito sa isang sulok. Ididilat niya sana ang mga mata ngunit naibalik niya iyon sa pagpikit ng makitang pasugod ito.

"Pakialamera ka!" Galit na sumbat nito bago niya naramdamang dinukot nito ang mga mata niya ngunit di nito iyon pinutol at hinayaan lang na nakabitin doon na tanging manipis na ugat nalang ang nakakabit.

"Ahhhhhhhhh........ Napasigaw siya sa sobrang sakit at pinilit nya pang maibalik ang mga mata sa pinaglalagyan noon ng maramdaman naman niyang unti unti siyang binabalatan ng babae mula sa paa pataas. Halos maputol ang mga ugat niya sa leeg sa lakas ng pagsigaw niya. Maya maya binuhat siya nito at sa nanlalabong mga mata ay nakita niyang papunta ito sa tila isang kahon na nakasalang sa nagbabagang apoy. Tuluyan siyang nawalan ng ulirat ng ihagis siya nito sa loob noon.

"Bakit kaya ang tagal bumalik ni Graze ano na kayang nangyari dun sa babaeng yun?" Tanong ni Mhay kay Joydee ng mahigit isang oras na ay wala parin si Graze.

"Oo nga, eh malapit ng mag-uwian, eh asan na kaya yun?" Takang tanong din nito. Dumaan naman sa harap nila ang kinakatuwaan nilang mag-asawa kanina.

"Good afternoon, po Mr. and Mrs. Castillano." Magiliwng bati nila sa dalawa na ngumiti lang bilang tugon.

Maya maya'y may dumating ulit na mga guest kaya't naging abala na naman ang dalawa't nakalimutan na nila si Graze. Hanggang mag-uwian na ang mga employadong pang araw ay wala prin si Graze naisip nalang nilang baka matagal nitong natapos ang inuutos dto. Kinagabihan naman ay nag-umpisa nga magmanman ang magpartner na Emerlina at Ariel. Inililista nila lahat ng may kahinahinalang kilos na empleyado. Hindi din lingid sa kaalaman nila ang pag-alis ni Graze na gabi na ay di pa bumabalik. Puro pag-oobserba lang ang ginagawa nila. Kaninang umaga lang sila nakarating sa resort. At base sa obserbasyon nila lahat ay maaring maging suspek pero mas naghinala sila sa may-ari ng resort na si Lowie Dimla. Ilang araw narin kasi sila sa paligid ng resort nagmanman sila ng di magchecheck in kaya alam nilang lagi itong umaalis at pumupunta sa isang bahay na di pa nila alam kung anong meron. Nagtanong tanong narin sila sa mga kabahayan sa paligid. Wala naman daw napapansing kakaiba ang mga ito liban nalang daw sa babaeng bigla nalang sumulpot sa resort at ipinangalan pa talaga ng may-ari sa namayapang anak umano ng mga ito. Buong araw nilang inabangang bumaba ang babae ngunit wala silang nakita. Nung nakaraang araw naman ay tumawag ang isa sa mga narereklamong si Mrs. Esler. Nakita na di umano ang isang anak nito at inulat na lamang nila sa pulisya na nakidnap ang dalawang anak. Di pinalad ang bunso nito at ang panganay lang ang nakaligtas. Kaya sa kasalukuyan imbes na lima ay tatlong missing case na lamang ang hawak nila.

"Emmy, sa tingin mo may mapapala kaya tayo dito?" Tanong ni Ariel sa kasama.

"To tell you the truth? Tingin ko we're just wasting our time here. Tingnan mo sabi ni Mrs. Eslet nakipnap yung mga anak niya kaya nawala. What if yung iba naman ay naglayas or nakipagtanan."

"Ewan ko nga din, eh. Pero di naman tayo pwedeng basta basta nalang magdeclare na ganun. We have to find proof na wala dito sa resort ang problema."

"Yeah tama ka dyan. Kaya dapat bukas na bukas din ay mas pag-igihan pa natin ang pagmamanman." Anitong tumayo na para pumasok sa loob.

"Sige ngayon palang ay maghahanda na tayo para bukas ng gabi." Ani ariel ng maagaw ang pansin niya ng isang bagay na hinahatak ng aso sa di kalayuan. Dali dali niyang pinuntahan ang bagay na iyon kasunod ang babae. Ng hustong makalapit sila ay saka niya nakumpirma ang hinala. Kamay nga  iyon. Kamay ng isang tao. Agad niyang binugaw ang asong may tangan dito at walang anumang binitbit ang kamay at sinundan ang pinanggalingan ng aso kanina na may bakas pa ng sariwang dugo. Papunta iyon sa may likod bahay. Dahan dahan ang mga hakbang na ginawa nila ng marinig nilang tila may tao doon. Unti unti sana nila itong sisilipin ng makaapak ng tuyong dahon si Emmy dahilan para magulat ang nilalang na nagkukubli roon at parang isang kidlat na kumilos ito papunta sa may damuhan. Di nila ito masyadong nakita dahil sa bilis nitong kumilos . Kahit nanghihinayang ay pinuntahan nila ang likod bahay. Wala na nga doon ang nasabing nilalang pero andun pa ang pirapirasong katawan ng tao na nilalantakan malamang nito kanina.

Ngayon ay may lead na sila. Ngunit anong klaseng nilalang iyon. At sa bilis ng kilos nito kaya kya nila itong magapi?


To be continued...


Please vote, leave a comment and share... Pafollow narin kung pwede...

ISLA (Under Revision)Where stories live. Discover now