Chapter 9

3.1K 77 0
                                    

Sa bahay ng mga Esler sa Maynila. Nagising ang nahihimbing ng si Jenifer dahil sa naramdamang kakaibaing lamig na yumakap sa kanya mula sa likuran. Kinakabahang lumingon siya sa likod at napahinga ng maluwag ng wala naman pala. Siguro'y guniguni niya lang iyon. Umayos siya ng higa at muling bumalik sa posisyon para bumalik sa pagtulog. Ngunit agad siyang napatili ng bumungad sa kanya ang nakakapanghilakbot na anyo ng kapatid na si Roselle.

"Traydor!" Galit na wika nito. Wala na ang kagandahang dati pa man ay kinakainggitan niya na dahil wala na ang makinis nitong mga balat. Ngayon ay kitang kita niya ang laman nito na nilalantakan ang libo libong mga uod. Maging ang magagandang mga mata nito ngayon ay butas nalang ang makikita. Ngunit kahit ganun ay kita niya paring umiiyak ito ng dugo. Napasukan naman siya ng Inang si Sharliene na nakasiksik sa isang bahagi ng kwarto malayo sa kama.

"Anak, anong nangyari? Bakit ka sumisigaw? Nag-aalalang tanong nito bago siya niyakap ng mahigpit.

"Ma, si Roselle ho andito siya. Nakita ko po siya." Nanginginig at umiiyak na sumbong niya dito. Hinamashimas naman nito ang likod niya at di siya iniwan hanggang di pa siya nakakabalik sa pagtulog. Nabuntong hininga naman ang Ina niyang si Sharliene. Hanggang ngayon kasi ay di parin nakikita ang bangkay ng bunso niya. Ang di niya alam ay wala naman talaga silang makikita sa lugar na sinabi ni Jenifer dahil wala naman talaga doon si Roselle kundi nasa isla.

Flashback

Masayang kinakantahan ng mga dumalo sa party ang birthday celebrant na si Hanna. Nagkakasiyahan ang mga ito habang si Jenifer ang nasa isang sulok lang nagmamasid. Hindi naman kasi talaga siya kabilang sa barkada ni Hanna kundi ang kapatid niya lang na si Roselle. Pinilit lang siya nitong sumama para daw malibang naman siya at magkaroon ng kaibigan. Sa tuwina ay laging ipinapamukha nito sa kanya na mas maganda ito at mas maraming kaibigan. Magkapatid sila nito sa Ina. Isang foreigner ang ama ni Roselle kaya di hamak namang mas maganda talaga ito sa kanya dahil narin nagmana ito sa ama. Nagsasalita na sa gitna ang may kaarawan ng may isang babaeng lumapit sa kanya. Tingin niya ay di ito bisita ni Hanna dahil nakapambahay lang ang babae.

"May problema ka ba? Bakit ka andito? Diba dapat nakikisaya ka sa kanila?" Sunod sunod na tanong nito sa kanya.

"Do I know you?" Aniyang di itinago ang pagkairita sa pagka feeling close nito.

"Nope. Pero tingin ko kaya kong sulusyunan yang problema mo." Natigilan siya sa sinabi nito at bigla nalang nanulas sa bibig ang nuon pa man ay gusto niya ng mangyari.

"Kaya mo bang alisin sa landas ko ang inggrata kong kapatid?"

"Yun lang ba? Sasabihin ko sayo Jenifer ngayong gabi mismo mawawala si Roselle sa landas mo." Nakangising pahayag nitong may kakaibang kislap ang mga mata. Nagtaka man siya kung paano nito nalaman ang pangalan nilang magkapatid ay wala na siyang pakialam. Ang mahalaga ngayon ay ang malaman niya kung paano nito maaalis sa landas niya si Roselle. Pinakinggan niya ang buong detalye ng plano nito pagkatapos ay humalo na siya sa mga bisita. Uminom siya kasama ng mga ito at inantay ang go signal ng babae. Maghahating gabi na ng sumenyas ito at agad siyang nagkunwaring lasing na. Kinagat naman agad ng kapatid niya ang drama niya at agad siyang iniakyat sa silid nila. Inasa niya dito ang buong bigat para di ito magduda. Sobrang lakas ng kaba ng dibdib niya sa antisipasyon sa pwedeng mangyari ng gabing iyon. Ipinasok siya ng kapatid sa silid at sabay pa silang tumumba sa loob dahil nagmamadali itong tila may kung anong kinatakutan. Natutukso siyang ibuka ang mata ngunit di niya ginawa sa takot na baka makahalata ito. Nagmulat lang siya ng maramdaman niyang may iba na silang kasama sa silid at wala ng malay ang kapatid.

"Gusto mo bang makita kung paano ko aalisin ang mga bagay na kinaiingitan mo?" Nakangising tanong nito habang hawak hawak sa buhok ang walang malay na si Roselle.

ISLA (Under Revision)Where stories live. Discover now