Update 9: Bipolar

61 4 0
                                    

Update 9: Bipolar

Danielle/Meimei's POV

Kuya Denver: Mei!!! Huyy! Meiii!! Baby sis! Gising naaaa!

Danielle/Meimei: Ehhh! Kuya naman ehh. Mamayaaa naaa!!!

Kuya Denver: Hala ka! Sige! Anong oras na kaya! 7:30 naaaaa!!!!!

Danielle/Meimei: *blink blink* eeeeh!!! Ayus lang weekends naman eh. *taklob ng kumot*

Kuya Denver: *hila ng kumot* Hoy Meimei! anong weekend? Monday kaya! MONDAY!!!

Danielle/Meimei: Ehh kuya. Absent nalang. Masakit ulo ko eh. *pouts*

Kuya Denver: Danielle Jameeeei!!!!!!!!!!

Hala! Si kuya sumigaw na at buong pangalan ko pa ang tinawag sakin.. Ibig sabihin seryoso na siya.

Danielle/Meimei: Oo naaa! Ito na! Babangon naaaa! *pouts*

Kuya Denver: Iinom inom pa kasi! Ang lakas din ng topak mo noh? Nainom hindi naman pala kaya! Kadiri! Nakakahiya ka! ewwww!! 

Danielle/Meimei: =_______________= o sige kuya hah! Ipaalala mo pa. SALAMAT TALAGA!

Kuya Denver: HAHAHAH! Epic talaga nun Mei! :)))))

Danielle/Meimei: Che! Dyan ka na nga! Maliligo na ako. *suntok sa braso ni Kuya*

Iniwan ko na si Kuya sa may kama ko. Meron naman akong banyo dito at walk in closet kaya wala akong paki kung nasa loob pa siya ng kwarto ko. Nakakainis! Hanggang ngayon naririnig ko parin yung tawa niya. =__________= ano bang nangyari? Psh! AYOKONG MAGKWENTO!!!!! Tsss! Maliligo na ako!

Phoebe's POV

Maaga akong sinundo ni babe kanina kaya maaga din kaming nakarating ng uni. Pagdating namin si Joey palang asa uni. Forever early bird talaga toh. Pano ba naman ang kasabihan niya "An early bird catches the worm". Anong ibig sabihin sa dictionary niya nun?

Pagmaaga daw mas madaming makikilala at mabibingwit na chicks. And true enough may kasama na naman siyang bagong girl. Haii naku! Malanjutay talaga! At ito namang mga babaeng pumapatol dito sa pugong toh, gwapong gwapo sa kanya. Pero infairness kay Joey hindi siya kumukuha ng mga patapon. Lahat magaganda at may katawan talaga. Hindi pipich. Pero kahit na! Anlandi nilaaa! >.<

Kahit ganyan si Joey alam kong makakahanap din yan ng babaeng magpapatino ulit sa kanya.

Kaya lang naman ganyan yan dahil sa nangyari sa kanila ni Sarah. He was really upset sa nangyari. He broke down. As in literally. Jolly person si Joey and as what M told you before he is the clown of the group. But when Sarah and him broke up it seems like his world collapsed and it was the first time that I saw him miserable.

Ilang buwan ding nagkaganun si Joey. Hindi siya kumakain, laging alak ang tinutungga, hindi pumapasok ng univ to the point na napadrop out siya for that sem, hindi namin makausap ng maayos at naisugod namin sa ospital dahil nagtangkang magpakamatay.

The reason of their break up? Long Distance Relationship. Actually, hindi naman tlaga ganun kalayo eh. Nasa Baguio lang si Sarah at kami naiwan sa Manila. 8 hours lang naman kaya nung first 2 sems okay pa. Nakakauwi pa ng Manila si Sarah every week tapos minsan si Joey at minsan kasama ang barkada sa pagbisita sa kanya sa Baguio.

For All TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon