Update 6: The Great Topher

80 4 9
  • Dedicated kay Pogi Ko. :D
                                    

Update 6: The Great Topher

(A/N: Yung friendship ko gumawa ng sarili niyang story. One and Only You po yung title. Click the external link para sa story niya. Support niyo din ah! Prologue palang haveeey na haveey na! XD Dedicated nga pala sa inspiration ko bilang JOEY. Andami niyang naitulong sakin. Salamat sayo pogi! :)) Yun oh! POGI. Thanksss!)

Christopher (Topher) POV

Yow! Wassap guys! Naks! May sarili akong POV. Thanks kay author. Naks! Lab na lab ako.

(A/N: >.< Pati sa story dala dala ang pagkataas ng confidence. Psh!)

*opens facebook*

Ace Martin Buenviaje added 10 photos to Babe, I love you

Grabe tlaga tong sila Ace at Phoebe. Kung san san nakakapunta. Ito nga eh, kakapost lang ni Ace na pumunta sila ni Phoebe ng Tagaytay kahapon.

Edi sila na ang maunlad ang lovelife. (__  __) Ako? Ito, palihim na nagmamahal.

Isang taon ko na siyang mahal. Kung sino sya?

SECREEEET! HAHAHAH!

Kala niyo sasabihin ko noh? Ayoko nga! Baka mabasa niya o baka ipagkalat niyo. Tssk!

May dahilan kung bakit ayaw kong sabihin.

Yun ay dahil magkabarkada kami.

Oh! Ayan na, may clue na! >.<

Ayokong dumating yung panahon na pagsinabi ko yung nararamdaman ko sa kanya eh mailang siya sakin. Ayoko ngang ma'friend zone'. O kaya naman dumating yung point na maging kami nga tapos sa huli, maghihiwalay din kami. Ayokong pati pagkakaibigan namin mawala.

Ang alam ng barkada at ng lahat, yung ex ko parin yung mahal ko. Hmmm. Siguro may part na hindi ko pa siya nalelet go pero hindi na yung sobrang mahal.

Magulo ba ako? Yaan niyo na. Minsan talaga magulo ang buhay pag-ibig ng isang tao.

Pero siguro nga kaya lang din ako magulo ngayon kasi natatakot akong mahalin ng tuluyan yung taong minamahal ko ng palihim. Hangga’t kaya kong pigilan pa, pipigilan ko. Kaya din siguro hindi ko malet go yung feelings ko para sa ex ko. Feeling ko kasi pagnilet go ko yung feelings ko sa ex ko, hindi ko na mapipigilan yung feelings ko para sa taong mahal ko.

At para makapagkwento ako tungkol sa kanya na walang makakaalam kung sino siya, bigyan nalang natin ng code name. Si Dream Girl.

For me, she has everything. She has the beauty, brains and talents. Simple ang ganda niya na sa una hindi mo mahahalata. Pero pagtinitigan mo siya mas lalo siyang gumaganda. Yung ganda bang pag mas tumatagal mas nakikita mo.

Nung una hindi ko talaga siya napapansin. She’s busy with her life. And so am I. Busy ako dahil long distance kami nung ex ko. Nagmigrate kasi siya abroad 2 years ago kasi doon nakabase yung parents niya. Kahit LDR kami, tumagal parin kami ng 1 year. Pero yun nga, naging mahina ako para sa amin. Gumising nalang ako isang araw na gusto ko na ng girlfriend na mayayakap, makakaholding hands at makakasama.

So balik tayo kay Dream Girl ko. Nagustuhan ko siya dahil dumating yung time na nagaway sila nung boyfriend niya.

Oo, may boyfriend siya. Hindi naman masamang magkagusto sa may boyfriend dba? Basta alam mo yung limitations mo kung hanggang saan ka lang.

Nakita ko kung gaano siya nasaktan at nagbigay ng effort para lang maging maayos sila. Naging close kami nung panahon na yun. Madalas kaming magkausap nun dahil lagi akong nakikichismis sa kanila.

For All TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon