Update 2: The Past

120 5 2
                                    

(A/N: Dedicated to Ate Myce. Yeeesss naman! Salamat sa pagplug! :D loveyouuu!)

Update 2: The Past

(Flasback)

"WOOOOHOOOOO! Go Eagles!!!! Let's take home the trophy!!! WOOOHHOOOO!"

"Blue, white white white, Go fight fight fight, blue white! Go Fight! Eagles Eagles!"

"Let's go Tigers! We can win this game! Bawi pa! Kaya pa yan!"

Ganyan lang maririnig mo sa paligid. Andito kasi kami ngayon sa Gregory's Arena. Inter-school competition ng mga highschools dito sa district namin.

Kasama ko ngayon sila Phoebe at Joey, sinusuportahan namin ang Eagles. Yung basketball team ng school namin at siyempre naglalaro ang pinakamagaling naming kaibigan na si Rob.

Highschool palang kami magkakabarkada na kami. Second year kami nung naging magkaclassmates kami. Pero dahil nga every school year ng iiswap ng classmates nagkahiwahiwalay kami ngayong 4th year.

Kaklase ko si Rob at magkaklase naman sila Phoebe at Joey. Busy kami sa panonood ng biglang dumating si Sarah. Yung girlfriend ni Joey.

Oo. Siya nga yung sineryoso ni Joey. 6 months din niya tong niligawan. Tapos ngayon, 1 year na sila. Nakakainggit nga sila eh. Parang forever na yung kanila. Halos perfect couple na sila.

Habang pinapanood ko yung laro nila Rob, may nakita akong super gwapo sa kalabang team nila. No. 3 ung jersey nia. Tapos nakalagay sa likod Santiago.

Siguro siya yung captain ball ng Tigers. Ang galing kasi ehh.

Habang nagdaday dream ako bigla kong narinig na naghiyawan na ang mga tao.

Nagbuzzer na pala. At siyempre, panalo kami!!! Wooohooo! May pakain na naman neto sa Sports club! Buti nalang kasali ako sa varsity ng volleyball team. Pihado, may treat si Ms. Reyes sa varsity. (Si Ms. Reyes ay yung head ng Sports club namin)

Joey: Sabi na eh! Mananalo ang Eagles. Yes naman! Yabang na naman netoh ni Rob, nakapaguwi na naman ng champion!

Sarah: Naku! Nakakainggit naman. Ndi ako kasali sa sports club. Kayo lang makakasama sa pakain. *pouts*

Joey: Okay lang yun mhine! Ehh ndi din naman ako kasali eh. Date nalang tayo. :D

Sarah: *O* Hindi nga mhine? Talaga?

Joey: Oo naman! Oh san mo gusto? :D

Phoebe: Ayy! Kainis lang? Masyado kung makapaglandian? Alis nga kayo dyan!

Joey: Sus Phoebs! Sabihin mo lang, inggit ka lang! Ang choosy mo kasi eh! Sa sobrang pagkachoosy mo hindi mo na napapansin yung mga umaaligid sayo.

Phoebe: Wag kang epal! >.<

Danielle: Joey! Pinagtritripan mo na naman yang si Phoebs. Kayong dalawa talaga! Kailan kaya darating yung araw na hindi kayo magaasaran at magbabarahan?

Sarah: Mhine, tigilan mo na si Phoebs. At Phoebs, ikaw naman, tingin tingin sa paligid. Buksan mo puso at isipan mo. Okaaay?

Danielle: Tama si S Phoebs. Kung ako sayo, titingin tingin ako sa paligid koooo.

Sabi ko habang nakikita kong papalapit si Rob.

For All TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon