Update 4: Breakeven

111 6 6
                                    

Update 4: Breakeven

(A/N: Dedicated to my Friendship. HOHO! Chuchal! Me dedic sayo! :)) Kung ano man yung mga sinabi namin, pagisipan mong mabuti. Susuportahan ka namin! Okiii? Enjoy! XD)

Danielle's POV

Parang ang haba ng araw ko ngayon. Grabe! Andito ako ngayon sa Misk's pagtapos ng class dumiretso na ako dito. Cafe & Chill bar 'to ng isa sa mga close friends ko maliban sa Buddies, si Izza.

Dati tamang tambay lang ang ginagawa namin ng Buddies dito hanggang sa napadalas akong napapadpad dito at naging kaclose ko si Izza. Hindi talaga kanya 'to. Sa dad niya 'to pero siya yung nagisip ng concept ng bar.

Simple lang yung place kung titignan mo. Talagang tama lang para magkaroon ka ng peaceful ambiance.Sa umaga, cafe 'to tapos sa gabi chill bar. Tapos merong tumutugtog sa gabi na mga acoustic bands. At isa na ang banda ko dun.

All girls band kami. Si Francine on keyboards and vocals, si Ashley naman on percussion tapos ako sa guitar and vocals din.

Nakilala ko lang si Francine dahil kay Izza. Napansin kasi ni Izza na palagi akong nakatambay dito para lang manood ng mga gigs, tapos one time tinanong ako ni Izza kung gusto ko daw bang magkaroon ng gig. Siyempre pumayag ako passion ko talga kasi ang paggigitara at pagkanta. Kaya yun, pinakilala niya sakin yung pinsan niya na si Francine. Tapos si Ashley naman pinsan ko.

Nung una tumutugtog lang kami for fun tapos nakita namin na maganda yung feedback ng mga tao samin so kinuha na kami talaga ni Izza para magperform every Mondays and Fridays. Two nights a week lang naman so hindi hassle sa pagaaral ko.

Pagod na ako sa nangyari kanina sa uni. Paano ba naman? Wala na ata akong ginawa doon kundi umiwas kay JV. Kahit na katabi ko siya hindi ko talaga siya pinapansin. Ehh sa masakit eh. Baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko at magmakaawa ulit akong bumalik siya sakin.

Magmakaawa ULIT! Shocks! Nasan na ang self-esteem ko? Ilang beses na nga ba akong nagmakaawa sa kanya na balikan niya ako at iwan niya si Pam? Hindi ko na ata mabilang eh. Sa lumipas na dalawang buwan, halos araw araw na nga ata akong nagmamakaawa sa kanya.

Erase erase erase! Hindi pwede toh!

Buti nalang at narerelax ako pagalam kong tutugtog at magpeperform ako. Music is my escape and performing is one of my stress reliever.

Pag meron akong nakikitang tao na napapangiti dahil naappreciate nila ang ginagawa namin ng Franiely (name namin na pinagsama sama. Corny ba? Sensya na walang maisip na mas maganda si author) sobrang nawawala lahat ng stress ko.

Wala pa namang masyadong tao sa bar nung dumating ako, 5 palang naman eh. Si Izza palang ang nadatnan ko at wala pa yung dalawa. 

Inagahan ko talaga, kasi usapan namin magpapractice kami sa music room sa taas.

Izza: Oh, sis! Ang aga mo ah!

Danielle: Oo eh. Dumiretso na ako dito galing school.

I: Hmmm. Mukang alam ko na ah?

D: Aishh naman sis. Please lang?

Alam din kasi ni Izza yung nangyari samin ni JV. At alam niya na kapag hindi ko na kaya, dito agad sa bar ang punta ko. Minsan nagpapakalunod sa alak, minsan naman nagpeperform mag-isa. 

Pinapayagan naman ako ni Izza kasi alam niya naman ang capacity ko. Basta hindi ako nakakainom. Ang hyper ko kasi pagnakakainom ako baka mapahiya lang si Izza sa regular customers niya dito. HEHEHE

For All TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon