Update 16.1: Conflict No. 1 (Part 1)

71 3 2
                                    

Update 16.1: Conflict No. 1 (Part 1)

(A/N: Same day ng nangyari for the past 4 updates. Still Wednesday night. Matagal ang phasing. Kasi andami nila. HAHAHA! Anim na POVs po yan. Kanya kanyang buhay sila. Maaari niyong sabihin na napapalayo na ang kwento, pero hindi po. Hindi lang 'to love story pero kwento din po ito ng barkada ni Danielle/Meimei.

Dedicated ko sa nagpasakit ng ulo ko dahil sa ending ng story niya. Friend, ewan ko na talaga! :)))

Enjoy reading!)

---------------------------------------------------

Danielle/Mei’s POV

“Oyyy! Pangs! Hindi ka pa ba uuwi? Inaantok na ako eh!” =_______= sabay bato ng unan kay Topher na hanggang ngayong 9 na ng gabi eh andito parin sa kwarto ko’t nakatambay. Nagpout siya, batukan ko ‘to eh. Kala mo cute! HAHAHA! “Bakit? Tsss! Kaw na nga tong sinasamahan eh. Alam kong magdadrama ka na naman pagumalis ako. Wala! Ganyan ka! Pinaaalis mo na ako.” At nagpout ulit pagkatapos ng speech niya. “Lang ya ka talaga!!! Ehh! Umuwi ka na kasi!” hahaha! Kung mapalayas ko eh. “Mamaya na! Ganda ganda pa ng pinanonood natin eh.” “Psh fine! Pasalamat kaaaaa!” Nanonood kasi kami ng replay ng laro ng Lakers kaninang umaga. Kaya yun. Diba sabi ko naman mahilig din ako sa basketball, kaya ito, bonding namin.

*bzzt bzzt*

Navibrate yung cellphone at kinuha ko sa side table ko.

From: Bibi Phoebs

Glads, M. SOS!

7-11 in 20 mins. I’m omw. Please?

-P

Bigla akong napatayo sa nabasa ko. Nagulat sakin si Topher.

“Pangs, anong nangyare? Ayus ka lang?” Tanong sakin ni Topher na nag-aalala. “Pangs, pahatid naman ako sa 7-11. Tara na! Bilis!” Pagmamadali kong sabi kay Topher. Tumayo naman siya bigla at kinuha lang ang mga gamit niya. Palabas na kami ng kwarto nang may marealize siya. “Pangs, seryoso??” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napasapo ako sa noo ko nang marealize ko kung anong sinasabi niya. Nakasando nalang kasi ako at shorts na pangbahay. Asa bahay lang naman eh at si Topher lang naman kaya okay lang.

Bumalik nalang ako ng kwarto , kumuha ng jacket at nagpalit ng shorts na pang-alis at kumuha lang ng pera at cellphone na ibinulsa ko kaagad at sinundan si Topher na nauna nang bumaba.

“Ma, punta lang kaming 7-11. Emergency daw sabi ni Phoebe eh.” Sabay halik sa pisngi ni mama na nagbabasa ng magazine sa may bar lounge namin. “Ha? O sige. Topher, iuwi mo nalang ah.” Bilin ni mommy kay Topher. “Sige po tita. Bye po.” At nagkiss din siya kay mommy. “Ma, wag mo na po akong hintaying makauwi, hindi ko po alam kung anong nangyari eh. Basta po, itetext ko nalang kayo.” At tumakbo na ako palabas pagkasabi ko nun.

Nakasakay na kami ni Topher sa sasakyan niya at hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Phoebe eh. Madalas naman kalmado lang yun. Ano kayang nangyari?

Nakatingin lang ako sa bintana nang maramdaman kong may mainit sa kamay ko. Napatingin ako. “Huwag kang masyadong kabahan Pangs. Kung ano man yung nangyari, alam kong magagawan ng paraan yun.” At binitawan niya yung kamay ko pagtapos nun. I smiled weakly in return.

For All TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon