Update 1: Hawak Kamay

139 7 4
  • Dedicated kay Yuri Santos
                                    

Update 1: Hawak Kamay

Alarm ringing: (Fireflies - Owl City)

"You would not believe your eyes 

If ten million fireflies 

Lit up the world as I fell asleep 

'Cause they'd fill the open air 

And leave teardrops everywhere 

You'd think me rude 

But I would just stand and stare"

*Tingin sa cellphone* *kurap kurap*

"HALA! 7:30 na! LAte na ako! First day pa naman! >.<" Aray! Ansakit ng ulo ko!!!! Napatayo nalang ako bigla nung nakita kong 7:30 na. 8 kasi nadating yung sundo ko. Baka iwan ako. Ang mahal pa naman ng pamasahe papuntang university. Wala akong choice kundi magmadali nalang.

Naligo ako at kumuha nalang basta ng simpleng t-shirt at pants. Magtsitsinelas nalang ako, hassle pa kung magsasapatos eh. Bahala na.

Pagkalabas ko ng bahay bigla akong natauhan. Bumalik na naman yung sakit. Makikita ko na siya. Si JV o mas kilala bilang Joseph Vincent Santiago. Basketball varsity, Yung every girl's dream, gwapo, 3rd year Architecture student, matalino, basta siya na si almost perfect. Ang Ex ko.

Pero ang mas masakit pa dun, makikita ko na iba na ang kasama niya. Si Pamela Celine Lopez, isang Fashion Design student. Maganda, sexy, artistic at napakahinhin. Kabaliktaran ng ugali ko.

Two months palang kaming naghihiwalay ni JV pero may iba na kaagad siya. Hindi manloloko si JV. Oo nga't maappeal siya, magaling sa lahat pero hindi niya ginagamit yun para makakuha ng babae.

Paano ko nasabi? Simple lang, umabot kami ng tatlong taon.

Nakwento ko na ang heartbreak ko, pero hindi ko pa naipapakilala ang sarili ko.

Ako nga pala si Danielle Jamei Austria. 19 years old. My friends call me D or M. M kasi Meimei palayaw ko nung bata ako. Yung mga hindi ko masyadong kaclose D tawag sakin tapos yung mga sobrang close ko naman M. I'm a third year Architecture student. Oo, kaklase ko nga si JV. Volleyball player ako ng uni namin, first six lang. Hindi pa umabot yung galing ko para maging isang captain ball. President ako ng Students' Association ng Archi Dept. Dean's Lister at isang simpleng babae. Mahilig maggitara at nagbabanda. Vocalist din ako ng banda namin.

Natatanaw ko na ang Skyline University. Tunog pangmayaman? Oo, bigatin mga studyante dito. Dean's Lister ako and varsity pa kaya kalahati lang binabayaran naming tuition fee. May kaya kami sa buhay kaya nila ako napag-aral dito.

Pagkapasok ko ng gate ng university nakita ko kaagad ang anim na taong kasama ko sa kalokohan, kasiyahan at kalungkutan. Ang Buddies. Pito kami sa barkada. Pagkapasok ko palang andun na sila sa tambayan nagtatawanan. Ano pa nga ba? Agang aga puro kalokohan ang pinaguusapan.

Simulan natin kay Gladys Canaria, 2nd year Fashion Design student. Ang dancer ng barkada, sa katunayan ay siya ang Cheer captain ng Cheering Squad ng university.

Sumunod ay si Robbie Layco, ang guy version ni Gladys. Kasali din siya sa cheering squad ng university at hindi lang yun, first five pa ng Basketball team namin. He's a 3rd year Computer Science student.

Si Joey Mejia, ang clown ng grupo. 2nd year Marketing student, at habulin gng chicks. Cassanova at computer addict. Minsan naring nagseryoso ito sa buhay pag-ibig yun nga lang, nabigo. Pagkatapos nun, naging official heart breaker na siya ng campus.

Si Ace Martin Buenviaje naman ang pinakasweet na lalaki sa grupo. Parang lalanggamin everytime na nakakabit sa girlfriend niya. Kaklase niya si Rob. Siya naman ay kasali sa official dance troupe ng university na sumasali sa inter-competition. Magaling na choreographer si Ace. Hanga nga ako sa kanya eh.

Si Phoebe Anne Mendoza, ang best friend kong beauty queen. Napakaganda at sexy. Beauty and brains. Dean's Lister din ng Archi. Lagi nalang kaming magkasama dahil nga sa barkada siya lang ung kaisa isang Archi din maliban sakin. Sinasali siya lagi bilang pambato sa mga beauty contests ng school.

At ang pinakahuli, Si Mark Christopher Villanueva. The great Topher kung tawagin nila. Captain ng basketball team, President ng Athletics at katulad nila Rob, Computer Science student din.

Binati nila ako ng sabay sabay nung makita nila ako. "M! Good morning!"

"Wow chorus! kelangan tlaga sabay sabay?" sabi ko sabay tawa ng malakas.

"At kamusta naman ang eyebags mo girl?" sabi ni Gladys.

"Hulaan ko, umiyak ka na naman ng bongga kagabi noh? Ilang timba na naman ba? Hayy naku! Kelan ka kaya matatauhan?" naiinis na sabi ni Phoebe.

"Hayaan nio na nga yang si Danielle. Kayo naman. Makakamove on din yan. Pero sa ngayon, alalahanin mo M na andito lang kami. Okay?" sabi ni Topher.

Naku! Ito na naman tong si Topher. Masyadong madaming words of wisdom. Hindi mo aakalaing captain ng basketball eh.

Habang naghihintay kami ng time para sa first class. Nakatambay lang kami sa favorite spot namin. Hagalpakan sa tawa, asaran at kwentuhan nang biglang.

Dumaan si JV, kasama si Pam.

Magkahawak sila ng kamay.

(A/N: so kamusta naman? Comment po para alam ko kung kamusta. First eh. Hirap pala. Ndi ko alam kung kelan next update. Busy bee po. Hahaha. Bsta yun. Sana nagenjoy kayo. Sorry sa typos at grammar errors ah. I'll try to be better next update)

For All TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon