Update 16.2: Conflict No. 1 (Part 2) and Conflict No. 2

80 2 0
                                    

Update 16.2: Conflict No. 1 (Part 2) and Conflict No. 2

(A/N: Hondoeeeng conflict. Hulaan niyo nalang asan diyan ang conflict. HAHA! Tsaka na ang lablyp. 

Dedicated to her. Wala lang. Gusto ko lang.

Enjoy reading!)

---------------------------------------------------------------------

Topher’s POV

Lahat napatigil sa ginawa ni Rob. Kitang kita sa mata niya yung galit sa nakita namin. Akmang lalapitan na ulit ni Robbie si Ace pero napigilan na siya ni Joey.

“P***** *** mo pare! Ano to? G******? Hindi mo sinasagot yung mga tawag ni Phoebe dahil lang nakikipaglandian ka diyan sa haliparot mong ex na pinagpalit ka naman sa iba? Hah? Hindi mob a alam kung gaano nag-iiiyak yung girlfriend mo at sobrang alalang alala sayo. Nakapagtaxi ng alas nuebe ng gabi dahil lang gusto ka nang mahanap? Hah? Anong kataranta**** ‘to?” Galit na galit na sigaw ni Robbie habang nagpupumislag sa pagkakahawak sa kanya ni Joey. I looked at Ace while he was being helped by Kris to stand up, he was smirking and he didn’t accepted Kris’ help.

Halata kay Ace na lasing na siya. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Kris sa kanya at pinunasan ang dugo sa may gilid ng labi niya, pagktapos ay lumapit ito kay Robbie at itinulak ng mahina. “Kung makapanghusga ka pare parang alam mo yung buong nangyari.” Ginantihan ng bahagyang tulak ni Robbie si Ace dahil pinipigilan parin siya ni Joey, “Yun! Hindi namin alam yung tunay na nangyari, pero nagkwento ka ba? May sapat ka bang dahilan para biglang hindi kausapin si Phoebe?  Or to top it all, is there any better reason to flirt with your ex when you have a girlfriend just because of that crappy thing that you are trying to reason out?” Magkaharap sila ngayon at sobrang malapit ang mukha sa isa’t isa. It’s like anytime they could start out a fight. Everyone’s still in shock and doesn’t know what to do.

Ace pushed Robbie for the second time around, but this time it’s harder. “Wala kang pakialam kung ano man ang ginagawa ko at kung anong nangyayari samin! Bakit? Sino ka ba ha? Kung makaasta ka ah?!” Nagulat si Robbie sa pagkakatulak at sinabi ni Ace sa kanya. Mas lalong namuhay ang galit sa mga mata ni Robbie, susuntukin na naman sana niya si Ace pero napigilan ulit siya ni Joey. “Sino ako? Ha? Eh ga** ka pala eh? Mas nauna kong minahal si Phoebe sayo! At hanggang ngayon, mahal ko parin siya! Pero ano? Pinaubaya ko siya sayo. Kasi alam kong magiging masaya siya sa’yo. Pero para saan? Para gag*hin mo? Ha?! Eh walang hiya ka pala eh! Kung sana alam ko lang na lolokohin mo siya, hindi ko na sana siya pinaubaya sayo!!” galit na galit na sabi ni Robbie. Susugurin na sana siya ni Ace dahil sa sinabi niya. Pero pumagitna ako. Sisigaw na sana ako para awatin sila pero hindi ko na pala kailangan dahil may sumigaw bigla “Ano ba? Tama na!”

Nagulat kaming lahat ng narinig naming ang sigaw na yun. Si Phoebe pala bumalik. Ang alam ko sinundan nila Meimei at Gladys to. Pero hindi ko alam na babalik pala sila. Yung sigaw niya ay yung nanginginig yung boses. Halatang umiiyak siya.

Lumapit si Phoebe kay Robbie na parang takang taka. “R-rob? T-totoo ba yung narinig ko?” Tanong ni Phoebe. Isang tungo lang ang naisagot ni Robbie sa kanya. Halata ang pagkagulat kay Phoebe. “Wow! Grabe! HAHA! All this time? You’re fooling every one of us? HAHA! Kaibigan pala ah?” Sabat ni Ace. “Shut up Ace! I’m not talking to you!” Sigaw ni Phoebe sa kanya na may halong sakit at galit ang bawat salitang binibitawan niya. Nagulat naman si Ace sa sinabi ni Phoebe sa kanya. Madalas silang magkatampuhan pero ngayon palang siya nasigawan ni Phoebe ng ganito.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 24, 2012 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

For All TimeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora