Update 11: Hello, Goodbye!

101 2 5
                                    

Update 11: Hello, Goodbye!

Someone's POV

Nakita ko siyang tumatakbo galing comp room. Saan kaya siya pupunta? Tsaka bakit ganun? Bakit parang nagmamadali siya?

Susundan ko ba siya? Hahabulin ko ba? Wag nalang kaya?

Pero teka! Bakit ganun? Bakit parang masama ang loob niya? Bakit yung mukha niya parang hindi maipinta?

Ano ba ito? Bakit ba ang dami kong tanong? Ano bang makakasagot sa mga katanungan ko?

At bakit ba gusto kong alamin ang lahat?

Malamang.. Dahil mahal ko siya..

Hindi man halata dahil ayokong ipahalata.

Hindi ako stalker. Sadyang mahal ko lang talaga siya.

Susundan ko na. Gusto kong masagot kung bakit ganoon siya.

Habang sinusundan ko siya, napansin kong may sumusunod din sa kanya.

Katulad ko, sinusundan niya itong palihim. Paano ko nasabi? Madali lang, ingat na ingat siya sa pagsunod sa kanya.

Pero parang kilala ko kung sino yung sumusunod.

Teka! Kilala ko nga. Ang pinakamamahal niya.

Eh bakit naman niya sinusundan? Anong meron?

Nakita ko ang sumusunod, nagpunta sa likod ng archi building.

Anong meron dito? Bakit dito?

Nang makarating ako sa likod ng Archi building, nagtago ako sa may gilid ng pader.

Nakita ko siya andun sa may parang hardin. Nakaluhod at nakatalikod sakin. At sa paggalaw ng balikat niya, wari ko'y umiiyak siya.

Anong nangyari? Bakit siya umiiyak.

Lalapitan ko na sana siya ng biglang may lumapit din sa kanya.

Oo nga pala, sinundan din siya ng mahal niya.

Halatang nagulat siya sa pangyayari. Napalingon siya sa likod niya at lalong lumakas ang paghagulgol niya.

Parang may kirot akong naramdaman sa may dibdib ko ng makita ko ang sumunod na nangyari.

Katulad niya, lumuhod din ang mahal niya. Niyakap ito ng mahigpit at sabay silang umiiyak.

Halata mo sa mga kilos nila na binabalot sila pareho ng sobrang kalungkutan at pagmamahal.

Siguro nga mahal parin nila ang isa't isa pero may humahadlang na sila.

Kita kong naguusap sila pero nakakainis na ulan 'to hindi ko marinig kung ano man ang pinaguusapan nila.

Gusto kong malaman hindi dahil gusto kong ipagkalat. Kundi para alam ko kung ano ang dahilan ng pagkalungkot niya.

Kumalas siya ng pagkakayakap sa mahal niya. Halata sa mga namamagang mata at reaksyon niya ang pagkagulat, lungkot at mukhang naguguluhan siya.

Gusto ko na siyang lapitan. Hirap na hirap na siya. Kung pwede lang kuhanin lahat ng sakit galing sa kanya, gagawin ko. Pero sino ba naman ako? Isang hamak na nagmamahal ng palihim lang sa kanya.

Ayokong sabihin. Hindi pa panahon, lalo na ngayong nasasaktan pa siya. Darating din ako sa pagkakataong aaminin ko sa kanya pero ngayon, sisiguraduhin kong magiging sandalan na muna niya ako.

Mga ilang sandali pa ang lumipas na ganoon lang ang nangyayari sa kanya. NApabalikwas nalang ako nang makita kong halikan siya ng mahal niya sa kanyang noo na parang puno ng pagmamahal.

For All TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon