Twelve

82.8K 1.6K 74
                                    

Pumapailanlang sa kabuuan ng dance studio ang kanta ng 2NE1 na "I am the best" na kasalukuyang sinasayaw ng mga ka-miyembro ni Chiara. Tinututukan niya ang Dance Battle ngayong taon dahil malaki ang pwedeng mapanalunan nila kapag manalo sila. Tsaka last year niya na ito, lulubusin niya na.

"Pres! Pres!"

Tinignan niya si Trisha na humahangos papunta sakanya. Ang laki ng ngiti nito sa mukha at halatang parang excited ito. Hinintay niyang ito nalang ang makalapit sakanya dahil pagod siya sa practice niya kanina.

"Pres! Pres! Pres!" tili nito dahilan para takpan niya ang kanyang tenga.

"Trisha! Ang lapit ko lang oh! Ano ba iyon?"


Bago sumagot ay tumili pa ito ng pagkalakas-lakas kaya naman napangiwi siya. Ano ba ang problema ng babaeng ito? Ganito lang ito kapag excited at kinikilig eh. Ano naman kaya ang dahilan para maging excited ito o kaya'y kiligin?


"Pres! Si ano.. si.. ahhh!!"

"Ano ba?! Umayos ka nga." Naiinis na sabi niya rito. Naku-curious narin siya kasi eh, tapos hindi pa nito maituloy ang sasabihin.

Huminga ng malalim si Trisha tapos tinignan siya ng nakakaloko. Ano ba talaga problema ni Trisha? Nasisiraan na ata ito. Nasobrahan ng mga Korean na salita kaya hindi na nakapag-isip ng matino.


"Yiiee! Ikaw Pres ah! May tinatago ka pala!" Tukso nito at sinundot-sundot pa ang tagiliran niya kung saan malakas ang kiliti niya.


Mabilis na tinatabig niya ang kamay ni Trisha kasi malakas talaga ang kiliti niya sa tagiliran. Kinunutan niya ito ng noo. "Ano ba ang sinasabi mo diyan Baliw ka na ba?"

"Sus! Ikaw kaya iyon! May naghahanap sa'yo sa labas." Imporma nito.


Napabuntong-hininga siya. Iyon lang naman pala ang sasabihin nito pero kung makaasta ay parang mahihimatay na sa sobrang excitement. "Sino ba?" bored niyang tanong. Kinuha niya ang tuwalya niya at pinunasan ang mukha niya.

"Si Dami!!"


Napatigil siya sa sinagot ni Trisha sakanya. Teka, tama ba ang narinig niya? Si Dami nga ba?

"Sino ulit?"

Trisha rolled her eyes. "Si Dami! Kunwari ka pang hindi narinig! Ano? Labas na!"


Hearing Dami's name just makes her heart race. Mabilis na tumayo siya at inamoy ang sarili. Baka kasi mabaho siya, puro pawis pa naman siya. Pero sige, hinayaan niya nalang. Ayaw niyang paghintayin si Dami. Mabilis na tumakbo siya palabas ng studio at tama nga si Trisha, naroon nga si Dami at hinihintay siya.


Nakatalikod ito sakanya habang nakapamulsa and she used that chance to check him out. His body is really perfect for her taste. It's lean and not too bulky. His height is moderate. Not too tall, not too short, moderate. Sa hula niya, baka nasa range ito ng 5'7" to 6' flat. Her gaze went down and stayed at his butt. Hindi niya alam kung manyak nga ba talaga siya, pero sa kabuuan ng katawan ni Dami, bukod sa mga mata nito na sumisigaw ng maraming salita, ang puwet nito ang gusto niya. It's weird, she knows. Nang matauhan siya sa sarili, she mentally laughed at herself for doing this. She's like a starving predator staring at her prey. Tumikhim siya dahilan para lingunin siya ni Dami.



"Hinahanap mo raw ako?" Tanong niya rito. "Namiss mo ako?" She joked and wiggled her eyebrows.



"Pwede ka bang makausap?" He answered, ignoring what she last said.



She shrugged. "Nag-uusap naman na tayo."


"Seryoso ako, Chiara."


Ngumiti siya kay Dami. Sige na nga, aayos na nga siya. "Hindi ka naman mabiro. Ano ba iyang gusto mong sabihin?"


Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon