Chapter 29

5.6K 171 4
                                    

Nakaupo si Joaquin sa harapan ng bahay ni Robyn, kanina pa niya ito hinihintay pero hindi pa ito umuwi.
     Kanina paggising niya ay wala na ito sa kanyang tabi, isang sulat lang sa tabi ng maliit na lamesa ang iniwan nito, at nakasulat ang na “I’ll be busy today, didn’t wake you up, you looked like a sleeping angel, I Love You”.
     Napangiti na naman si Joaquin, napagtanto niyang napakaswerte pa rin niya, sa kabila ng mga nangyayari, dahil may isang babaeng lubos na nagmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang mga pagkukulang sa buhay.
     Mahal na mahal niya si Robyn, at hindi niya alam kung anong gagawin kapag nawala ito sa kanya, baka tuluyan ng gumuho ang kanyang mundo, kapag nangyari iyun.


     Umalis na rin siya agad pagkagising, kanina ay hinintay niya ito sa school pero hindi ito pumasok para sa subject niya. Ano ka yang pinagkakaabalahan ni Robyn? Ang tanong niya sa sarili.
     Kaya dumiretso na lang muna siya sa bahay nito, bago siya pumasok sa bar ay nagbakasakali pa siyang makausap si Robyn. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa, pero di nito sinagot ang mga text at tawag niya.
     Nag-aalala na tuloy siya, tiningnan niya ang oras, wala pa si Robyn at kailangan na niyang umalis para pumasok sa trabaho.
     Napabuntong-hininga si Joaquin, tumayo na siya at muling nagpalinga-linga, at nagbakasakali na bigla itong dumating, pero wala. Ayaw pa man, ay walang nagawa si Joaquin kundi ang umalis sa bahay ni Robyn, para pumasok sa trabaho.

     Nakapark si Robyn sa isang tagong parte ng kalsada, kung saan tanaw niya si Joaquin na nakaupo sa harapan ng kanyang bahay. Binubusog niya ang kanyang mga mata sa imahe nito. Dahil alam niyang, hindi na sila pwedeng magkasama pa ni Joaquin.
     At habang nakaupo siya sa kanyang sasakyan, ay inilabas niya ang lahat ng kanyang sama ng loob at hinanakit sa mga nangyayari sa kanila. Bumuhos ang maraming luha sa kanyang mga mata, na kanina pa niya pinipigilan, dahil ayaw niyang ipakita sa kanyang mommy ang kanyang lubos na paghihinagpis.
     “Joaquin, mahal na mahal kita, kaya kailangan ko itong gawin” ang bulong ni Robyn.
     Nakita niyang tumayo na ito sa kinauupuan nito, at nagpalinga linga, pero nang di siya nito nakita, ay naglakad na ito paalis.
     Di na rin niya sinagot ang mga tawag at text nito sa kanya. Sisimulan na niyang umiwas dito, at kailangan na rin niyang makipagkalas.
     Nang makita na niya itong umalis ay ilang sandali pa ang pinalipas niya bago siya nag drive pauwi ng kanyang bahay.
     Mabilis siyang pumasok sa loob at nagtungo sa kanyang kwarto at muli na naman siyang lumuha para sa kanilang dalawa ni Joaquin.
*** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** ***  *** *** *** ***  ***

     “Robyn!” ang malakas na pagtawag ni Joaquin mula sa kanyang likuran.
     Robyn bit her lip, di niya inakala na magkikita sila nung araw na iyun ni Joaquin, dahil sa hindi naman niya ito klase ngayon, marahil ay talagang hinintay siya nito, simula pa nung tanghali.
     Kasalukuyan niyang binubuksan ang pinto ng kanyang sasakyan, pasakay na sana siya ng tawagin siya ni Joaquin.
     Patakbo itong lumapit sa kanya, “Robyn, kailangan nating mag-usap” ang mariin at may pagsusumamo nitong sabi sa kanya.
     “Wala tayong dapat pag-usapan Joaquin, natanggap mo naman siguro ang text ko sa iyo, at mukha namang nakakabasa ka so naintindihan mo ang sinabi ko” ang sagot ni Robyn na hindi pa rin humaharap kay Joaquin.
     Hinawakan ni Joaquin ang bukas na pinto ng kotse, para hindi makasakay si Robyn.
     “Na ano? Na nakikipagkalas ka sa akin? Pagkatapos ng gabing iyun bigla kang nakipagkalas? Pagkatapos mo akong iwan ng sulat habang natutulog ako, pagkatapos nating pagsaluhan ang gabi, makikipagkalas ka sa akin?” ang patanong na sagot ni Joaquin.
     Hindi sumagot si Robyn, natatakot siya na kapag nagsalita siya ay kakawala rin ang luha na pinipigilan na naman niyang bumuhos.
     “Makikipagkalas ka sa akin, pagkatapos ko makatanggap ng tawag sa mga magulang ko na maayos na ang lahat sa lupa namin at may pera pa silang natanggap?” ang dugtong pa ni Joaquin.
     Pero nanatiling tahimik si Robyn at nakayuko lang, gusto niyang sumandal sa malapad na dibdib ni Joaquin at hayaan niya itong yakapin siya ng mahigpit habang siya ay lumuluha.
     “Robyn, sumagot ka, mag – uusap tayong dalawa o isisigaw ko rito kung gaano kita kamahal?” ang banta ni Joaquin.
     Robyn looked at him quickly and she shook her head, kailangan din naman nilang mag-usap ni Joaquin ang sabi niya sa sarili.
     “Get in” ang sabi ni Robyn, at mabilis namang sumakay si Joaquin sa passenger side. Pareho silang tahimik hanggang sa maabot nila ang bahay ni Robyn.
     Pagpasok na pagpasok nila sa loob, ay hinarap siya agad ni Joaquin.
     “Bakit bigla kang nakipagkalas? At huwag mong sasabihin sa akin na di mo ako mahal dahil HINDI ako maniniwala” ang mariing sagot ni Joaquin.
     “Maniwala ka man o hindi, wala na akong magagawa pa” ang sagot niya.
     “Sabihin mo sa akin Robyn, o igagaya mo ako sa babaeng nang iwan na lang sa akin?” ang maemosyonal na tanong ni Joaquin.
     Robyn shook her head, don’t make this hard for me, and sabi niya sa sarili, she sighed, “kinausap ako ng dean Joaquin, it’s either aalis ako sa pagkapropesor ko o hindi ka gagraduate” ang sagot niya kay Joaquin.
     “Pwede nating ilihim Robyn, ilang linggo na lang graduate na ako, bakit hindi ganun ang gawin natin, hintayin natin makapag tapos ako” ang sagot ni Joaquin, pero umiling na si Robyn.
     “Dahil ito sa pera ano?” ang tanong ni Joaquin sa kanya at hindi siya sumagot.
     “Lumapit ka sa magulang mo para tulungan ako, para tulungan kami? Kapalit ng paghihiwalay natin? At sinong papalit sa akin si Luis?” ang galit na tanong nito sa kanya.
     “Joaquin please” ang sagot niya.
     “Naawa ka ba sa akin? Ha Robyn? Kapalit ng pera ang pagmamahal mo sa kin?” ang patuloy na tanong nito.
     “And what are you going to do Joaquin? Sumayaw ng hubo’t hubad sa harap ng maraming babae? Ang hawakan nila ang katawan mo na dapat ay akin lang?!” ang pasigaw na sagot niya.
     “Nasaan na ang sinabi mo sa akin na mag-iisip tayo ng ibang paraan?” ang tanong ni Joaquin.
     “Please Joaquin, don’t make it any harder for me, umalis ka na, tapos na tayo” ang sagot niya habang pinipigilan ang sarili na lumuha.
     Tumangu-tango si Joaquin, “kung iyan ang gusto mo Robyn, huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para mabayaran ko ang pamilya mo, at lagi mong tatandaan na MAHAL NA MAHAL KITA”, ang huling sinabi sa kanya ni Joaquin, bago ito lumabas ng kanyang bahay. At muli na namang umagos ang luha sa kanyang mga mata.








The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon