Chapter 27

5.7K 180 3
                                    

Nagtungo si Joaquin kay Oliver nang hapon na iyun at nagpabook ng isang performance sa The Prince. Ayaw niya sana itong gawin, pero kailangan ng kanyang tatay ng pambayad sa hospital.
     Nagkagirian daw sila ng mga tauhan ng pinagsanlaan ng lupa, at tinamaan siya ng bala ng baril sa paa. Napuno na naman ng galit ang puso ni Joaquin.
     Bakit ba ito nangyayari sa kanila? Dahil ba sa isang pagkakamali niya ay lubos naman ang pagdurusang sasapitin ng kanyang pamilya? Ang mapait na sigaw ng isipan ni Joaquin.
     Naglalakad na siya papalapit sa female joint, nasa harapan na siya ng pinto nang matigilan siya. Naalala niya si Robyn. Isang panloloko ang gagawin niyang ito. Nangako siyang wala ng ibang babae pang magiging malapit sa kanya, emosyonal at pisikal man.
     So anong ginagawa mo rito ngayon Joaquin? Ang tanong niya sa sarili. Naguguluhan na siya, hindi na niya alam ang gagawin, dalawang malapit sa kanya ang nagtutulak at pumipigil sa kanyang gagawin.
     Sobrang emosyonna ang nadarama ni Joaquin, nanlambot na ang buo niyang katawan, at napaupo siya sa gilid ng building. Ipinatong niya ang mga siko sa kanyang tuhod habang sapo ng dalawang kamay niya ang kanyang ulo.
     Hindi na niya napigilan ang luha na tumulo sa kanyang mata. Nalilito at naguguluhan na siya sa mga nangyayari, at sa kung anong dapat niyang gawin.
     Diyos ko, bakit? Ang sigaw ng kanyang isipan. At bigla siyang napatingala ng may humawak sa kanyang balikat.


     Mabilis na nag drive si Robyn patungo sa The Prince, yun lang ang alam ni Robyn na pwedeng puntahan ni Joaquin, para kumita ng pera.
     Hindi na napigilan ni Robyn na pumatak ang luha na nangilid sa kanyang mga mata. Bakit gagawin sa kanya iyun ni Joaquin? Nangako ito sa kanya na hindi ito gagawa ng ikasasakit ng kanyang damdamin. Na wala ng ibang babae na magiging malapit dito, sa puso at katawan man.
     “Joaquin don’t do this to me, please don’t do this to yourself” ang malakas na sabi ni Robyn sa sarili. Ayaw niyang masadlak na naman sa ganuong gawain si Joaquin.
     Bumilis ang tibok ng puso ni Robyn nang unti-unti niyang natatanaw ang club. And she made a sigh of relief nang makita niya si Joaquin na nakaupo at nakayuko sa may gilid ng building. Para siyang nabunutan ng tinik.
     Naipark niya agad ang kanyang sasakyan dahil wala pang masyadong guests sa loob. Halos patakbo siyang lumapit kay Joaquin at hinawakan ang balikat nito.
     Tumingala ito sa kanya at nakita niya ang luha sa mga mata nito. Halos sumabog ang puso ni Robyn, naupo siya sa tabi nito at niyakap niya ng mahigpit si Joaquin.
    “Joaquin, anong ginagawa mo rito? Bakit dito ka nagpunta? Please sabihin mo sa akin?” ang naluluhang sabi ni Robyn.
     Hindi makapagsalita si Joaquin, punong – puno ng emosyon ang kanyang dibdib. At nabatid iyun ni Robyn.
     “Tara, sa bahay tayo mag-usap” ang mahinang sabi niya rito, saka siya tumayo at hinila ang kamay ni Joaquin,na hindi naman nagpapigil at tumayo na rin ito at sumunod sa kanya papasok sa kanyang kotse.
     Tahimik lang silang dalawa hanggang sa makarating sa bahay ni Robyn. Pagpasok ay kinuha ni Robyn ang dalang bag ni Joaquin at inilapag iyun, saka niya ito pinaupo sa sofe, at si Joaquin ay mistulang bata na sumunod na lang kay Robyn.
     Hinawakan ni Robyn ang mga kamay ni Joaquin, at hinaplos niya ang mukha nito saka niya kinabig pataas ang baba nito para magtama ang kanilang mga mata.
     “Joaquin, please sabihin mo sa akin kung anong problema” ang malumanay pero may pagsusumamong sabi ni Robyn.
     Pinunasan ni Joaquin ang kanyang mga basang mata. Ilang beses pa muna siyang suminghot at lumunok. Para pigilan ang namumuong emosyon sa kanyang dibdib.
     Kumuha si Robyn ng tissue na nakapatong sa side table, marahan niyang pinunasan ang mga mata at pisngi ni Joaquin. At taimtim siyang naghintay ng sagot mula kay Joaquin.
     “Ahm, tumawag ang nanay, naospital daw si tatay, at medyo nagkagulo sa bukid, dahil sa ginigipit na kaming pinagsanlaan ng lupa ng nga tatay” sandali itong tumigil para huminga ng malalim, “natamaan ng bala sa paa si tatay at naisugod naman na siya sa hospital, kaso, yung lupa kailangan ko ng mabayaran, hindi ko alam kung bakit biglaan na lang ang panggigipit ng mga ito sa amin, samantalang maganda naman ang naging usapan namin noon” ang paliwanag ni Joaquin.
     Hindi makapagsalita si Robyn, hindi niya alam kung anong sasabihin niya rito. Napaka walang kwenta kung sasabihin niyang huwag itong mag-alala at magiging maayos din ang lahat, gayung batid niya na naguguluhan na ito sa kung ano ang gagawin para matulungan ang pamilya. Kaya nanatili siyang tahimik habang hawak ng mahigpit ang mga kamay nito.
     Pilit niyang pinigilan ang mga luha sa kanyang mga mata, gusto niyang magpakatatag para kay Joaquin, ngayong mga sandaling malapit na itong gumuho.
     “Robyn patawarin mo ako, hindi ko gustong magkasala sa iyo, hindi ko gustong bumalik sa club para sayawan ang mga babae, pero ayaw ko ring madamay ka sa problema ko” ang naluluhang sabi ni Joaquin sa kanya.
     Niyakap ni Robyn si Joaquin ng mahigpit, “ssh, Joaquin, huwag mo ng isipin iyun” ang malumanay niyang sabi kay Joaquin, kahit pa nangilid na rin ang luha sa kanyang mga mata.
     “Pero nang malapit na ako sa pinto, hindi ko magawang pumasok sa loob, ikaw ang naisip ko. Ginugulo ako ng aking isipan kung ano ang pipiliin ko, ang obligasyon ko sa pamilya ko? O obligasyon ko sa iyo? ikaw ang pinili ko, hindi kita kayang saktan Robyn” ang sabi sa kanya ni Joaquin.
     Hindi na napigilan ni Robyn ang lumuha, she was so moved and touched by Joaquin’s revelation, na mas pinili siya nito kaysa sa pamilya niya.
     Pero, magiging katulad din ba siya ng unang babae sa buhay ni Joaquin? Na mas uunahin niya ito kaysa sa kapakanan ng kanyang pamilya. Then ano na lang siya? She would be selfish, wouldn’t she? Ang malungkot na sabi niya sa sarili.
     “Shh, Joaquin, we’ll figure it out, maghahanap tayo ng kasagutan sa suliranin natin” ang sagot ni Robyn, at naisip niya ang usapan nila ng dean kanina.
     Marahan siyang itinulak ni Joaquin para tingnan siya sa kanyang mga mata, “natin? May problema ka rin ba Robyn?” ang usisa sa kanya ni Joaquin.
     Hindi na niya bibigyan pa ng isipin si Joaquin, umiling-iling na lang siya rito. Hinaplos niya ang gwapong mukha ni Joaquin.
     “Kalimutan muna natin ang lahat Joaquin, kahit ngayon lang please, kahit sandali lang, let’s make love Joaquin” ang bulong niya rito.
     Agad siyang siniil ng halik ni Joaquin, punong-puno iyun ng pagmamahal at desperasyon na nadarama nila ng mga sandaling iyun.
     Hindi na nila kailangan pang patagalin ang lahat, kapwa sila nangangailangan ng pagmamahal ng isa’t isa. Mabilis na binuksan ni Joaquin ang mga butones ng blouse ni Robyn, habang si Robyn ay abala rin ang mga kamay sa pagbaba ng zipper ng pantalon ni Joaquin.
    Agad na isinubo ni Joaquin ang nipple ni Robyn habang abala ang isang kamay nito sa paglamas ng kanyang mga dibdib.
    “Joaquin” ang ungol ni Robyn, agad siyang inihiga ni Joaquin sa sofa, at itinaas ang suot nitong palda, inalis na rin niya ang suot nitong lacy underwear. Saka naman niya ibinaba ng kaunti ang kanyang pantalon.
     And with one swift thrust, he was deeply inside her womb. He pushed deeper with each thrust, ipinatong niya ang mga hita ni Robyn sa kanyang mga balikat at hinawakan niya ang balakang ni Robyn, habang dumudiin ang bawat bayo niya sa kaibuturan nito.
     “Joaquin, Joaquin” ang paulit ulit na sambit ni Robyn, at ramdam niya ang kanyang pagsabog.
     Habang si Joaquin ay lalo pang binilisan ang paggalaw sa ibabaw ni Robyn, at ilang sandali pa ay sumirit na ang mainit niyang punla sa kaibuturan ni Robyn.

     Pinagmasdan ni Robyn si Joaquin habang natutulog ito, lumipat na silang dalawa sa kanyanbumangon, at doon ay muling nangusap ang kanilang mga katawan, bago sila nakatulog na magkayakap.
     Pumapasok na rin ang liwanag mula sa bintana, na nagsasabing isang panibagong araw na naman ang magsisimula para sa kanilang dalawa.
     Dahan-dahan siyang bumangon at hinagkan ang pisngi ni Joaquin, na huminga ng malalim. Nagpunta siya sa banyo para maglinis ng katawan, tahimik siyang nagbihis, aalis siya ng maaga at may importante siyang misyon, sa araw na iyun.



The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon