Chapter 12

7.4K 198 5
                                    

Dahil  sa nalaman ni Robyn, ang story ni Joaquin, mas gumaan ang pakiramdamdam niya sa binata. Mas naging magaan na rin ang pagtuturo niya sa klase nito, di dahil sa nangako si Joaquin na hindi ipagsasabi ang nangyari nang gabing iyun, bagamat isa ito sa dahilan. Pero, mas nakapagpagaan ng kanyang pakiramdam ay ang umuusbong na pagtingin niya sa binata.
     She realised it that night, pagkahatid niya kay Joaquin sa pinagtatrabahuan nitong resto bar.
     At first she thought attraction lang ang nadarama niya para kay Joaquin, pero kagabi habang pumapatak ang luha niya nang maisip niya ang nangyari rito, her heart swelled with emotions for him.
     He admired how much him, on his selflessness. Kung paano siya magsakripisyo para sa iba. She never thought, that a kind of man, still exists.
     And it scares her, dahil sa palagay niya ay unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito. Pero alam niya ang implications, kung magkagusto siya kay Joaquin. An affair between a teacher and her student, is a big NO, at maaari siyang matanggal sa University.

     Ang problema naman ay sa tuwing nagtatama ang kanilang paningin ay namumula ang mukha niya. She doesn’t know, pero hindi niya maintindihan ang intensity sa mga mata ni Joaquin.
     Kaya naging magaan man ang pagtuturo niya, ay naging mas conscious naman siya, because, even from afar, she could feel the heat of his stare on her.
     Ang problema naman ay sa tuwing nagtatama ang kanilang paningin ay namumula ang mukha niya. She doesn’t know, pero hindi niya maintindihan ang intensity sa mga mata ni Joaquin.


     It was another day at school, at tapos na ang klase nila, and as always, laging nagpapaiwan si Joaquin, at hinihintay siya nito, para sabayan siya palabas ng classroom.
     “Akin na ang dala mo” ang sabi ni Joaquin sa kanya habang papalabas na sila ng classroom.
     Iaabot na sana ni Robyn ang kanyang gamit kay Joaquin, nang matigilan siya, standing outside the corridor was Luis. Ang lalaking inirereto sa kanya ng kanyang mga magulang.
     Napansin ni Joaquin na natigilan si Robyn, at nang sundan niya ng tingin ang mga mata ni Robyn, ay nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa labas ng corridor.
     Sa hitsura pa lang nito, alam ni Joaquin na mamahalin lahat ng suot nito, mula ulo hanggang paa. Sa estima ni Joaquin ay kasing edad niya ang lalaki, at di niya maitatanggi na gwapo at matikas ito.
     “Robyn!”,  ang bati ni Luis sa kanya,lumapit ito at hinalikan ang kanyang pisngi.
     “Luis, what are you doing here?”, ang tanging naisagot ni Robyn, at medyo nailang siya sa ginawa ni Luis, lalo na at dama niya ang mainit na pagkakatitig sa kanila ni Joaquin.
     “I wanted to surprise you” ang nakangiting sagot nito sa kanya.
     Robyn laughed nervously, “I am” ang sagot niya, pansin niya mula sa tabi niya an nakasimangot si Joaquin.
     “Oh, Luis, si Joaquin, estudyante ko” ang pagpapakilala ni Robyn.
     Luis lifted an eyebrow, like he was amused, but he extended his hand to Joaquin, na tiningnan lang muna ang kamay ni Luis bago niya ito inabot for a handshake.
     “Nice to meet you” ang sabi ni Joaquin, na kanina pa tinitingnan ang lalaking napakalapit kay Robyn, sino ba ito sa buhay ni Robyn? Boyfriend? Ang tanong ni Joaquin sa sarili. Pwede, ang sabi niya sa sarili, ang katulad ni Robyn na babae na maganda at matalino ay hindi mawawalan ng manliligaw, o ng kasintahan. Nakadama ng selos si Joaquin.
     “Same here” ang sagot ni Luis sa kanya, “tapos na ang klase mo hindi ba? I want to ask you to have dinner with me” ang sabi ni Luis kay Robyn.
     “Ahm”- ang naiilang na sagot ni Robyn, gusto niya sana itong tanggihan. Mabait si Luis, at alam niyang nanliligaw ito, at gustong – gusto ito ng kanyang mga magulang para sa kanya. He was after all, a family friend, kaya ganun na lang ang pagtulak ng mga magulang niya rito para sa kanya.
     “Boyfriend mo ma’am?” ang biglang tanong ni Joaquin, hindi na niya matiis at kahit pa wala na dapat siyang pakialam pa sa estado ng relasyon nila sa isa’t isa, ay gustong malaman ni Joaquin, kung ano ba si Luis sa buhay ni Robyn.
     “Ah, he’s a family friend” ang tanging naisagot ni Robyn, na nagulat din sa biglang tanong ni Joaquin.
     “Am I just a friend?” ang tanong ni Luis na tila ba nagtampo sa sagot niya.
     But that was the truth, and for some reasons, she wanted to assure Joaquin, that he was just a friend.
     Biglang nagliwanag ang mukha ni Joaquin at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.
     “Robyn, please don’t say no, ngayon lang tayo ulit magkakasama, since you left your famiy’s house” ang sabi ni Luis.
     “Alright” ang tanging naisagot niya, gusto man niya itong tanggihan ay di rin niya magawa, dahil alam niyang malalaman ng kanyang mga magulang at katakot – takot na sermon a naman ang matatanggap niya through phone.
     “I just need to go home to change” ang sabi ni Robyn.
     “Okey, I’ll convoy you, ako na ang magdadala ng gamit niya” ang sabi ni Luis kay Joaquin.
     Pero hindi ito, ibinigay ni Joaquin, “ihahatid ko si Robyn hanggang sa sasakyan niya” ang mariing sagot ni Joaquin.
     Kita ang inis sa gwapong mukha ni Luis, at natuwa si Joaquin, talagang balak niyang inisin ang lalaking ito na umaastang boyfriend ni Robyn.
     Habang naglalakad ay tahimik lang sina Robyn at Luis, pero si Joaquin, ay panay ang salita nito. Tinatanong niya si Robyn tungkol sa lessons nila kanina, kahit pa naintindihan naman niya ito.
     At iyun din ang ipinagtataka ni Robyn, she knew na nakuha ni Joaquin ang lessons nila. Alam niyang matalino si Joaquin, mataas pa nga ang nakuha nitong seat work kanina, kaya nagtataka siya ngayon kung bakit panay ang tanong nito na tila ba di naintindihan ang lessons kanina. Hindi tuloy makapagsalita si Luis, at halata na ni Robyn na nainis na ito.
     Pagkarating nila sa harap ng sasakyan ni Robyn ay magiliw pa rin na nagpaalam si Joaquin, kahit pa nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso, at alam niyang kasama ni Robyn ang lalaking ito.
     “Sige Robyn” ang simpleng pamamaalam ni Joaquin, “Luis” ang sabi naman niya kay Luis at tumalikod na siya para maglakad papalayo sa dalawa.



The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon