Chapter 20

6.7K 178 1
                                    

Bago mag-seven ay kumatok na si Joaquin sa pinto ng kanyang bahay, agad siyang pinagbuksan ni Robyn.
     Robyn gave Joaquin an appreciative look, bakit ba sa lagi niya itong nakikita ay lalo itong pumopogi? Ang sabi ni Robyn sa sarili. Naka plain gray t-shirt lang ito, maong na pantalon na dark blue ang kulay, at sneakers. Wala itong suot na beanie ngayon kaya kita ang tapered cut nitong buhok.
     “Ready ka na ba?” ang tanong nito sa kanya.
     “Oo, kunin ko lang ang bag ko” ang sagot ni Robyn. Laman ng satchel niya ang regalo niya kay Joaquin.
     Isinara ni Robyn ang pinto ng kanyang bahay, lalapit sana siya sa kanyang sasakyan pero pinigilan siya ni Joaquin.
     “Pwede bang hindi mo muna gamitin ang kotse mo?” ang tanong ni Joaquin. Gusto niya kasi iparanas kay Robyn, ang buhay na meron siya.
     “Oo naman” ang mabilis na sagot ni Robyn.
     “Marunong ka bang sumakay ng jeep?” ang nakangiting tanong ni Joaquin.
     Robyn smiled at him unsurely, “OK” ang tangi niyang naisagot, kahit pa maglakad sila wala siyang paki basta magkasama sila ni Joaquin.
    
     Dinala siya ni Joaquin sa isang food Park. Matagal nang nakikita ni Robyn sa TV ang ganitong lugar, pero ngayon pa lang siya nakapunta sa ganoong lugar. At labis ang kanyang tuwa.
     Marami na ring tao sa food Park, at hindi niya alam kung saan titingin dahil sa dami ng pagkain.
     “May napili ka na ba?” ang tanong sa kanya ni Joaquin, na kailangan pang idikit ang bibig nito sa kanyang tenga para marinig niya ang sasabihin nito, dahil medyo may kalakasan ang music sa lugar.
     Parang kiniliti naman ang buong katawan ni Robyn, nang naramdaman ang bibig ni Joaquin sa kanyang tenga. Gusto niya sanang sabihin na oo, may napili na siya at ikaw yun.
     “Ahm, I’m overwhelmed” ang natatawang sagot ni Robyn.
     “Nakapunta ka na ba sa ganitong lugar?” ang tanong ni Joaquin.
     Robyn shook her head, “first time ko, and I really like it here” ang honest niyang sagot.
     “Mabuti naman, akala ko Di mo magugustuhan” ang nakangiting sagot ni Joaquin, “halika mag – ikot muna tayo para makita mo kung ano talaga ang gusto mo” ang sabi ni Joaquin.
     Pero parang hindi yata siya makakapili, dahil wala sa pagkain ang atensyon niya kundi sa kamay ni Joaquin na parang may sariling isip.
     Kung hindi ito nasa likod niya, bumaba naman ito sa kanyang bewang, o umaakyat naman sa kanyang balikat. His warm hand sent shivers and goosebumps in her whole buddy.
     And the throbbing in her belly, ay mas lalong lumala. Was she so wanton already? She thought to herself.
     At halos inabot na sila ng ilang minuto sa pagpili pa lang ng pagkain, she ended up eating a shawarma, 2 sticks of pork barbecue, and a slice of apple pie. Si Joaquin naman ay hamburger, 2 stick ng isaw at turn na may langka.
     Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang nakahanap ng mapupwestuhan. Ang dami na rin kasing tao na kumakain, ang iba galing sa trabaho ang iba naman ay galing sa pamimili ng mga pamasko.
     “Hay grabe, nakaupo rin” ang sabi ni Robyn, pero hindi siya napagod, lalo na at kasama niya si Joaquin.
     “Pagod ka ba?” ang tanong ni Joaquin, he looked worriedly at her.
     “No Joaquin hindi, I’m happy, super happy” ang sagot niya.
     Napangiti si Joaquin, “ako rin” and they exchanged longing looks with each other. Naputol lang ang pagtititigan nila ng may umupo sa tabi nila.
     Sa isang mahabang lamesa kasi sila nakaupo na good for sharing. Nagsimula na silang kumain, at nagkwentuhan sila. Tungkol sa mga personal na bagay na hindi pa nila nagpag-usapan sa tuwing magkausap sila sa University.
     Bago pa sila tuluyang matapos na kumain ay tumayo muli si Joaquin para bumili ng maiinom. Pero pagbalik niya, ay muntik nang magdilim ang paningin niya.
     Dahil sa ang katabi nilang lalaki ay kinakausap na si Robyn. Mukhang harmless naman ang lalaki, pero nakadama ng selos si Joaquin. Mabilis siyang naglakad pabalik.
     “Ehem, excuse me” ang sabi ni Joaquin at nakataas pa ang isang kilay nito.
     Para namang napahiya ang lalaki, “ah sorry pre” ang sabi nito sa kanya.
     Joaquin nodded at him at umupo ulit siya sa harapan ni Robyn, pero nakasimangot na ito.
     “O bakit nakasimangot ka?” ang nangingiting tanong ni Robyn.
     “Eh kasi naman sandali lang akong tumayo may kausap ka ng iba” ang sagot ni Joaquin.
     Para namang kinilig ang buong katawan ni Robyn, dahil sa nagselos si Robyn.
     Ilang minuto pa silang nag stay doon, at nang tingnan ni Joaquin ang kanyang relo ay nakita niyang kailangan na niyang ihatid si Robyn at pagkatapos ay papasok na siya sa bar.
    
     Inihatid ni Joaquin si Robyn sa kanyang bahay, at habang binubuksan niya ang pinto ay sinasabihan naman niya ang sarili na palakasin ang loob.
     She needed to make the first move, balak na niyang hindi magpunta sa noche buena nila sa kanilang bahay, para lang makasama niya ni Joaquin ngayong bisperas ng pasko.
     “Joaquin pwedeng pasok ka muna?” ang kinakabahan niyang sabi kay Joaquin.
     Joaquin nodded at her at pumasok naman ito sa loob. Kinuha niya ang regalo niya para rito at lumapit siya kay Joaquin.
     “Merry Christmas “ ang mahinang sabi ni Robyn, while she held the gift to him and looked up and looked at his eyes.
     Inabot ni Joaquin ang regalong hawak ni Robyn, pero ang mga mata niya ay nakatuon sa mukha ni Robyn, hanggang sa bumaba ang kanyang mata sa mga labi nito.
     And instantly, hinawakan niya sa batok si Robyn, at dahan-dahang kinabig papalapit ang mukha ni Robyn sa kanya, para siilin ng halik ang malambot na labi ni Robyn.
     Napapikit si Robyn, her heart started to beat wildly on her chest, she put her hands on his jaws and pulled him closer to her.
     Pero naputol ang kanilang kiss ng tumunog ang telepono sa bahay ni Robyn.
     Robyn groaned out loud ayaw niyang sagutin ang tawag sa telepono, alam niyang ang kanyang magulang ito.
     Pero pinutol ni Joaquin ang kiss, and he whispered on her lips, “sagutin mo Robyn, baka importante” ang sabi ni Joaquin.
     Robyn shook her head, “siguradong si mommy yan at pinapauwi ako sa amin” ang sagot ni Robyn.
     “Ibig sabihin mas kailangan mong sagutin” ang sabi ni Joaquin.
     Reluctantly, Robyn walked towards the buffet table kung saan nakapatong ang land-line phone. At hindi nga siya nagkamali, mommy nga niya ang nasa kabilang linya, at galit na galit ito sa kanya, dahil hindi pa siya dumarating, at kailangan pa nilang magsimba na pamilya.



The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon