Chapter 19

6.6K 185 3
                                    

Ilang araw na ang nagdaan at sa kanyang klase na lang sila nagkikita ni Joaquin. Marami na rin kasi siyang ginagawa sa faculty room kaya madalas na nagmamadali siyang makalabas ng classroom.
     At ganun din naman si Joaquin, madalas na nagpapaalam na lang ito kay Robyn, at hindi na niya ito naihahatid pa sa parking lot ng school. Dahil sa malapit na ang Christmas break, kaya loaded ang mga gawain ng mga estudyante, sinabayan pa ng midterm exams.
     Pero abala man ay ni minsan ay walang pagkakataon na hindi sumagi sa mga isip nila ang isa’t isa. Hinahanap – hanap nila ang mga sandaling sila ay magkasama, kahit pa sa simpleng paglalakad lang pababa mula fifth floor hanggang parking ng school.
     Robyn missed him terribly, lalo na at alam niyang kapag sem break na ay hindi sila magkikita. Mawawalan ng dahilan na magkita pa sila sa loob ng halos dalawang linggo.
   
    
      At dumating na nga ang sem break na hindi na sila nagkita pa. Hindi alam ni Robyn kung naipasa ni Joaquin ang thesis sa deadline nito. Nawalan na rin siya ng pagkakataon na kausapin ito, dahil lagi na ring abala si Joaquin.
     Ginawa ni Robyn ang lahat para maging abala sa loob ng kanyang bahay, naglinis, inayos ang mga gamit, naglaba, nanuod ng palabas sa TV hanggang sa makatulog siya, at nagbasa ng iba’t ibang libro.
     Pero balewala ang lahat ng iyun. May lungkot sa puso niya na alam niyang isang tao lang ang makaaalis niyun. At yun ay si Joaquin.
     Bukas ay Christmas eve na, umuwi kaya ito sa kanyang mga magulang? Ang tanong niya sa sarili. Napabuntong-hininga siya, bukas ay ubligado siyang bumalik sa bahay ng kanyang mga magulang para magspend ng pasko.
     E kung tanggihan niya kaya muna ang mga magulang? Sabihin niyang maysakit siya, wala siya sa mood para humarap sa mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya na alam naman niyang huwad ang mga pag-uugali.
     Mas gugustuhin pa niyang matulog na lang dito sa bahay, ang sabi ni Robyn sa sarili habang nakahiga sa sofa, at nakatingin ang mga mata sa kisame.
     Halos mapaupo siya, nang may biglang kumatok sa main door ng bahay. Tumayo siya, at lumapit sa pinto.
     “Sino yan?” ang tanong ni Robyn.
     “Ako ma’am” ang sagot ng boses sa labas.
     Ang boses na iyun! Ang sabi ni Robyn, at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso, agad niyang binuksan ang pinto, at isang nakangiting Joaquin ang bumungad sa kanya.
     “Joaquin! Ah, halika tuloy ka” ang sabi ni Robyn.
     Pumasok naman si Joaquin, halata sa mga mata nito ang saya ng makitang muli si Robyn.
     “Maupo ka” ang sabi ni Robyn, sabay turo sa sofa.
     “Salamat” ang sagot ni Joaquin.
     “Kumusta ang thesis mo?” ang agad na tanong ni Robyn, while she feasted her eyes on him. My god! How she missed him.
     Walang pagsidlan din ang tuwa ni Joaquin nang makita niyang muli si Robyn, gustong – gusto na niya itong makita, pero kinailangan niyang magtrabaho at mag-ipon dahil yayayain niya sanang kumain sa labas si Robyn.
     “Naipasa ko, hindi ba nangako ako na gagawin ko? At ayokong masira ang pangako ko sa iyo” ang sagot ni Joaquin.
     Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Robyn, “uuwi ka ba sa inyo bukas, para mag noche buena?” ang tanong ni Robyn.
     “Ahm, hindi eh, may trabaho ako, pero pagkatapos ng pasko nakapagpaalam ako ng leave sa boss ko, at pinayagan ako, uuwi muna ako sa amin sa Quezon, matagal ko ng di nakikita ang pamilya ko”.
     Quezon? Ilang araw na naman niya itong di makikita? Biglang lumungkot ang mukha ni Robyn.
     Nahalata ni Joaquin na lumungkot ang mukha ni Robyn, “parang malungkot ka, may problema ba?”
     Oo, at ikaw ang dahilan, gusto ko ng sabihin na gusto na kita, pero di ko kaya.
     “Ma-mamimiss kita” ang nahihiyang sabi ni Robyn.
     “Talaga ba?” ang umaasang tanong ni Joaquin. Alam niyang hindi dapat, alam niyang bawal, pero, hindi mapigilan ni Joaquin, na hindi mahalin si Robyn.
     Robyn nodded, for an answer, then she looked down on her hands that were clasped together, sa ibabaw ng kanyang hita.
     “Ako rin” ang mahinang sagot ni Joaquin, “pwede ba kitang yayain bukas na kumain sa labas, bago ang noche buena, alam kong, pupunta ka sa pamilya mo. Akala ko nga nandun ka na, nag bakasakali lang ako, at sinubukan ko kung nandito ka, mabuti na lang at nandito ka pa”.
     “I love that, don’t take me to anywhere fancy ha?!” ang sabi ni Robyn.
     “Susunduin kita bukas, pwede ka ba ng seven ng gabi?” ang tanong ni Joaquin.
     Kahit anong oras, pwede, para sa iyo, ang gusto niyang sabihin, “oo naman” ang tanging naisagot niya.
    

     Ilang oras na ang nakalipas, nang makaalis si Joaquin. But Robyn, never felt so elated at excited sa buhay niya. Mas excited pa siya ngayon, kaysa noong unang araw na magtuturo siya sa University.
     Pero nagtatalo ang isip niya, alam niyang hanggang bukas na lang sila na magkakasama ni Joaquin, at sa isang araw naman ay uuwi ito sa kaniyang probinsiya.
     She wanted to give something to him. She wanted to give herself to him. Hindi niya alam kung may gusto sa kanya si Joaquin, pero siya, at sigurado siya, na mahal na niya si Joaquin.
     Walang mangyayari sa buhay niya, kung mamumuhay na lang siya sa kung anong sasabihin ng iba. Kung iisipin na lang niya ang laging sasabihin ng ibang tao, then hindi siya magiging masaya sa buhay.
     Pagod na siya sa ganoong buhay, pagod na siya mamuhay ng secured, na hindi nagtitake ng risk. Kapag hindi niya inamin ang feelings niya kay Joaquin, at kapag hindi niya ito ginawa, pagsisisihan niya ito, habambuhay.
     Buo ang desisyon, tumayo si Robyn sa kanyang pagkakahiga, nagbihis siya at lumabas ng bahay. Kailangan niya itong gawin, para sa ikasasaya ng kanyang sarili.

     Namili si Robyn ng bagong damit, although casual ang usapan nila ni Joaquin, gusto niya ay bago naman sa paningin nito ang suot niya. Bumili siya ng black wide legged pants, sleeveless burgundy top, kaya lalong lumitaw ang kanyang kaputian.
     Then, naghanap siya ng ireregalo para kay Joaquin, naalala niya ang beanie na lagi nitong isinusuot. Bumili siya ng dalawang bagong beanie at isang t-shirt na plain. Dahil ito ang paborito ni Joaquin. Pinabalot na niya ito sa gift wrapping section at habang naghihintay ay nagpunta na muna siya sa drugstore, para bilhin ang inireseta sa kanya.
     Bago mamimili ay nagpunta muna siya sa isang OB-Gyne, buo na ang desisyon niya na ibigay ang puso at sarili kay Joaquin.
    
    
    

The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon