Chapter 17

6.7K 184 15
                                    

Robyn knew na risky ang gagawin niya, but she had to see to it na magagawa ni Joaquin ang thesis nito bago pa dumating ang long weekend, at ang deadline ng thesis nito.
     She didn’t trust Joaquin na magagawa nito on time ang thesis dahil sa mga obligasyon nito sa kanyang pamilya. Kaya naisip niyang sa bahay na lang niya ito pagawain ng thesis.
     Naalala pa niya ang pagtatalo nila ni Joaquin sa kanyang kotse nang inihatid niya ito kagabi sa work nito.
     “No, sa bahay ko ikaw gagawa ng thesis” she blurted out of nowhere. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niya itong nasabi.
     Kumunot ang noo ni Joaquin and he shook his head vigorously, showing her na hindi ito sang-ayon sa sinabi niya.
     “Ayokong may masabi sa iyo ang mga co teachers mo Robyn, ayokong pag-isipan ka nila ng masama” ang sagot ni Joaquin.
     Robyn sighed, “no one will know, at saka hindi ka naman matutulog sa bahay forever” although that thought haunts her, “ilang araw lang matatapos mo ang thesis mo at pwede pa kitang tulungan” ang sagot niya.
     Umiling pa rin si Joaquin, “ayokong isipin mo na sinasamantala ko ang kabaitan mo sa akin” ang sagot ni Joaquin.
     I won’t mind, God, hindi mo ba napapansin na gusto na kita? At pinagmumukha ko na ngang tanga ang sarili ko, na parang ako na ang naghahabol sa iyo? She thought.
     “I insisted Joaquin, saka baka masira mo ang gamit ko, mamahalin yun” ang sagot ni Robyn, she wanted to hide ang tunay na intensyon niya at nararamdaman niya, yes she had fallen in love with him.
     Matagal na hindi sumagot si Joaquin, na tila ba nag-iisip, “bakit ba ang bait mo sa akin Robyn?” ang tanong ni Joaquin sa kanya.
     Kinabahan si Robyn, masyado na ba siyang halata? Masyado na bang halata na gusto na niya si Joaquin? Na mahal na niya ito?

     She cleared her throat, “I am attracted – I mean impress sa pinapakita mong determinasyon Joaquin, ang ibang kabataan na may means na makapag-aral ay nagsasayang ng pera at panahon, habang ikaw, kahit na late ka na mag-aral determinado ka pa ring makatapos” ang sagot ni Robyn.
     Isang ngiti naman ang gumuhit sa mga labi ni Joaquin, “salamat, napakabuti mong kaibigan” ang sagot ni Joaquin.
     Ouch! Kaibigan? Kaibigan lang ba? Pero paano ang kiss na nangyari sa kanila? She thought.
     “Ahm, bumabawi lang din ako sa pagtulong mo sa akin sa bar” ang sagot niya.

      At ngayon nga ay hindi siya makatulog at para bang naghihintay na anytime ay may papasok sa loob ng kanyang bahay. Because she gave a spare key to Joaquin, para pagkatapos ng trabaho nito, ng one a. m., ay didiretso na ito sa kanyang bahay para gumawa ng thesis.
     She set a table for him sa ibaba, ang kanyang laptop at printer ay naghihintay na kay Joaquin sa malapad na center table sa salas. She even left a note for him, na feel free to make himself dinner or breakfast, or have some coffee.
     At halos mapabangon siya when he heard someone opened the front door. Nakiramdam siya, she was wide eyed and her breathing quickened. She was waiting for Joaquin to come up to her room, pero halos ilang minuto na ang nagtagal ay walang Joaquin na umakyat.
     Well was she disappointed? She asked annoyed with herself. Baka naman hindi si Joaquin ang pumasok sa loob ng bahay niya? Ang takot na naisip ni Robyn.
     She sighed, and stood up, she wrapped herself with a satin wrapper, and tiptoeing, she went out of her room and down the stairs. Hindi siya tuluyang bumaba, nasa kalagitnaan siya ng hagdan ng makita niya si Joaquin na nakasalampak sa sahig at nakaharap sa kanyang laptop.
     Nakakunot ang noo nito at seryoso sa pagtitype sa keyboard. She smiled at the sight of him, paakyat na sana siya nang mapansin siya ni Joaquin.
     “Robyn, nagising ba kita?” ang nag-alalang tanong ni Joaquin.
     “Ah hindi naman” hindi naman kasi ako nakatulog, she thought, “I have to make sure a ikaw ang pumasok sa loob ng bahay” ang sagot niya.
     “Salamat pala ha, nakakahiya na talaga sa iyo” ang sabi ni Joaquin.
     Tuluyan nang bumaba ng hagdan si Robyn, at lumapit kay Joaquin, “May ready ka na bang topic sa thesis mo?” ang tanong niya.
     “Meron na, tungkol sa, how computers will take over the work of an accountant in the near future, and pros and cons, medyo kulang pa pero, tingin ko aabot ako sa deadline, mabagal lang ako mag type, dun siguro ako matatagalan” ang sagot ni Joaquin.
     Robyn smiled at him, then she noticed that Joaquin stopped typing and was looking strangely at her. It was then, she realised, na ang suot lang niya ay isang manipis na tank top at short shorts, and a wrapper. But still dahil sa hindi niya isinara ang belt ng kanyang wrapper, Joaquin saw a view of her nipples.
     She wrapped her belt quickly and she cleared her throat, “ahm, I’ll make some coffee, gusto mo bang kumain?” ang tanong niya.
     “Hindi wag na, kape na lang kung hindi masyado nakakaabala” ang sagot ni Joaquin, na medyo namalat ang boses nito.
     Agad na nagpunta sa kusina si Robyn, she breathed deeply to calm her nerves. The look Joaquin gave her, made her weak, and she felt a tingling sensation all over her body. God, ano bang nangyayari sa kanya? She thought.
     Mabilis siya nagsalin ng kape na kanina pa nakasalang sa carafe, nagsalin siya sa dalawang mug, inilagay niya ang mga ito sa isang tray, kasama ng cream at sugar. At ang box ng doughnut na binili niya kanina.
     Inilapag niya ang tray sa isang spare space sa center table kung saan nakapatong din ang laptop niya at ilang notebook ni Joaquin.
     “Salamat” ang mahinang sabi ni Joaquin, habang abala ang mata nito sa monitor ng laptop at ang mga daliri nito sa keyboard.
     Nagtimpla si Robyn ng kanyang kape, at ng para kay Joaquin, “cream and sugar?” ang tanong niya rito.
     “Asukal lang salamat” ang sagot nito sa kanya.
     Inilapag ni Robyn ang mug sa tabi ni Joaquin, na abala na ang atensyon sa ginagawa nito.
      Naupo si Robyn sa sofa, na naka pwesto sa side ni Joaquin. She studied his profile while she sipped her coffee.
     He was so handsome, she thought, not the classic type, but ruggedly handsome. Mabagal nga itong nagtitype sa keyboard, nang mapansin niya iyun, ay napangiti siya.
     Ilang sandali pa siyang nag stay, tahimik lang siyang nakaupo sa sofa, hanggang sa dalawin na siya ng antok. At di niya namalayan na nahiga na pala siya sa sofa at nakatulog.
     Napangiti si Joaquin nang makita siya, sandali siyang tumigil sa ginagawa. Tumayo siya at nag-inat, saka siya umakyat sa itaas ng bahay. Pababa niya ay may dala na siyang kumot, at marahan niyang kinumutan ang natutulog na si Robyn. At Naupo siya sa tabi nito, he gently ran his finger on her hair, and he kissed her softly on her cheek.

The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981 Where stories live. Discover now