Chapter 10

7.7K 211 4
                                    

Mas naging maayos ang mga sumunod na araw sa pagitan nina Robyn at Joaquin. Napalagay na rin kasi ang loob ni Robyn sa pangako nito na hindi kailanman babanggitin ang gabing iyun at mananatiling sikreto.
     Naging madalas na rin ang paghatid ni Joaquin kay Robyn sa parking lot, pero di na muling naulit, ang paghawak nito sa kanya. Naisip rin siguro ni Joaquin na hindi maganda sa kanila tingnan ang maging masyadong close sa isa’t isa. Which was literal ang meaning.
    Isang hapon ay naging maulan ang panahon, nagkataon ding maraming tinapos na papers si Robyn sa faculty room kaya ginabi na siya ng uwi. Di niya nakita si Joaquin nang araw na iyun, dahil iba ang klase niya ngayon at tuwing MWF lang ang klase niya kay Joaquin.
     Habang nagdidrive pauwi ay nakita niya si Joaquin na nakatayo sa sidewalk, nakasilong ito sa harap ng isang kainan at mukhang naghihintay ng sasakyan.
     Nagdalawang isip pa si Robyn kung paparahan niya si Joaquin at nadaanan na niya ito, at nakita pa niya na tumingin lang sa sasakyan niya si Joaquin, at dahil sa tinted ang salamin ng kanyang kotse di siya nito nakita sa loob.
     Pero parang kinonsensiya si Robyn nang makita ang parang basang sisiw na si Joaquin, kaya inihinto niya ang sasakyan.
     “I hope I made a good decision” ang bulong ni Robyn at iniatras niya ang kanyang sasakyan hanggang sa tumapat kay Joaquin.
      Binuksan niya ang pinto ng passenger side at sinigawan si Joaquin “get in!”. Agad namang pumasok si Joaquin sa loob.
     “Robyn naku nabasa ko na ang loob ng kotse mo” ang nahihiyang sabi ni Joaquin,  kahit kasi nakasilong siya kanina ay nabasa pa rin siya dahil sa lakas ng ulan.
     “Don’t worry about it, madali lang iblow dry yan, saan ba ang punta mo?” ang tanong ni Robyn, and she felt her cheeks blushed nang mapansin niyang tumigas ang nipples ni Joaquin dahil sa lamig siguro ng aircon sa loob ng kotse at basa pa ito ng ulan.
     She could see his stiff nipples that’s visible on his shirt. Kahit pa iiwas niya ang kanyang mata ay paulit-ulit siyang napapasulyap doon.
     “Papasok na sana ako sa trabaho, kaso nabasa ako ng ulan, pwede mo ba ako ihatid sa inuupahan kong bahay? Magpapalit lang sana ako ng damit” ang nahihiyang sabi ni Joaquin.
     Bakit kailangan pa niyang magpalit ng damit e maghuhubad din lang naman siya sa trabaho niya?  Ang tanong ni Robyn sa sarili, pero di niya ito nagawang sabihin.
     “Saan ba ang tinutuluyan mo?” ang tanong ni Robyn na pilit na umiiwas ng tingin kay Joaquin.
     “Malapit lang dito, diyan liko ka diyan sa kalsada na iyan” ang turo ni Joaquin. Five minute drive pa ito mula sa university, ito yung lugar kung saan maraming mas murang paupahan, kaysa sa mas malapit sa university.
     “Pakihinto mo na lang diyan Robyn sa harap ng kulay blue na pinto” ang sabi sa kanya ni Joaquin, at dahil sa sobrang lakas ng ulan ay halos walang tao sa labas.
     “Robyn salamat” ang sabi ni Joaquin.
     “Magpalit ka na sa loob, ihahatid na kita sa trabaho mo, at sa tingin ko mahihirapan ka ng sumakay papasok sa trabaho sa lakas ng ulan” ang sabi ni Robyn.
     “Nakakahiya naman sa iyo, baka isipin mo inaabuso ko ang pagiging malapit natin” ang sagot ni Joaquin.
     Namula ang pisngi ni Robyn, dahil iba ang naalala niya, hindi ang pagiging malapit nila bilang guro at estudyante, o magkaibigan o magkakilala, kundi ang gabing iyun.
     She absent-mindedly ran her hand on her cheeks, “no wala akong iniisip na ganun” kasi iba ang nasa isip ko, she thought “sige na maghihintay ako rito, heto ang payong gamitin mo” ang sabi ni Robyn.
     “Tara muna sa loob, ayokong paghintayin kita rito, wala naman yung kasama ko sa kwarto kasi pumasok na rin iyun” ang sabi ni Joaquin.
     What? Her inside a room with only him? E kung dito nga sa loob ng kotse, di na siya mapakali sa loob pa ng kwarto na yun? Uh-uh no way!
     “Sige na hindi ako lalabas dito hangga’t di ka lalabas” ang sabi ni Joaquin, “ayaw kitang paghintayin dito”.
      “Okey! Okey!” God bakit ba lagi na lang siyang sumusunod sa pangungulit nito? She asked herself. Pinatay niya ang engine, at inalis ang susi. Joaquin grabbed her bag, from the backseat at kinuha nito ang payong, nauna na itong lumabas at pumunta sa driver’s side para hintayin siyang lumabas. Pagkalabas niya ay agad siyang pinayungan ni Joaquin and she locked her car. Nagmadali silang pumasok sa loob ng inuupahan ni Joaquin.
     Binuksan ni Joaquin ang ilaw at tumambad kay Robyn ang isang maliit na loob ng kwarto ni Joaquin. Mayroon itong maliit na lamesa na may dalawang upuan, katabi nito ang maliit na kitchen counter na kasya lang ang isang single na stove at lalagyan ng plato na nasa tabi lababo. Katabi naman ng lababo ang CR, at wala itong salas dahil dalawang katre agad ang bubungad sa iyo.
     “Maupo ka muna rito” ang sabi ni Joaquin kay Robyn, sabay turo sa isang plastic na upuan.
     “No I’m okey, sige na gawin mo na ang gagawin mo” she said brusquely, she didn’t want it to sounded that way, pero dahil sa kakaibang nadarama niya na para bang kinakabahan na kinikilig siya, na di niya maintindihan, ang pinagbalingan niya ng inis ay ang dahilan ng kanyang nadarama.
     Para namang nagulat si Joaquin sa inasal ni Robyn, pero di siya sumagot at tumikom na lang ang kanyang bibig. Kukuha na sana siya ng damit sa isang plastic na drawer nang biglang namatay ang kuryente.
     “You’ve got to be kidding me” ang bulong ni Robyn, agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bag at ini-on ang flashlight nito. Ganun din ang ginawa ni Robyn, kinuha nito ang isang maliit na flashlight at binuksan iyun, saka niya ipinatong sa ibabaw ng drawer.
     Hinubad ni Joaquin ang suot niyang T-shirt, at kahit pa madilim kitang -kita ni Robyn ang magandang upper body nito. She looked at him and she felt hot all over, when she saw his muscles moved with his every movement.
     “Pasensiya ka na naabala pa kita” ang sabi ni Joaquin.
     “Stop apologizing okey?!  And just, tapusin mo na ang gagawin mo!” ang galit na sagot ni Robyn, she’s mad at him dahil naalala na naman niya ang gabing iyun sa club, halos ganito rin ang loob noon dahil sa dim light lang ang gamit sa loob. And again she felt that tingling sensation in her sensitive bud, and she felt her nipples hardening.
     “Sandali nga bakit ba nagagalit ka sa akin? Ikaw ang nag-offer ng tulong at thankful ako sa iyo, pero kung pagalitan mo naman ako para akong bata” ang inis na sagot ni Joaquin. At naglakad siya papalapit kay Robyn.
     Robyn remembered that night, he was walking towards her, like a lion with his eyes locked on its prey.
    Robyn got scared, hindi dahil sa baka gawan siya ng masama ni Joaquin, kundi dahil sa thrill na naramdaman ng kanyang katawan habang papalapit ito.

The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981 Where stories live. Discover now