Chapter 24

6.3K 180 2
                                    

Nakita nilang naghintay sa may pinto ng bahay ang nanay ni Joaquin. Nang makita nito ang isang papalapit na sasakyan sa kanilang bahay, ay agad na sumilip ito at tumayo sa may pintuan. At nang bumaba ng sasakyan si Joaquin ay agad na nagliwanag ang mukha ng kanyang ina.
     Mabilis na lumapit si Joaquin sa kanyang nanay, at niyakap iyun,habang ang mga kapatid nito ay naglabasan na rin ng bahay para batiin siya.
     Habang si Robyn ay naiwan na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan. Nahihiya siyang lumapit, at baka kasi kung anong sabihin ng nanay nito. Kapareho rin ba nito ang kanyang mommy? Ang takot na tanong ni Robyn sa sarili.
     Nakita niyang lumingon sa likuran si Joaquin at hinanap siya, at nang makita siya nito na naiwan siya sa kanyang kotse, ay patakbong bumalik ito sa kanya.
     Hinawakan nito ang kanyang kamay, “o bakit naiwan ka?” ang tanong ni Joaquin sa kanya.
     “Nahihiya kasi ako Joaquin” ang pag-amin ni Robyn.
     “Halika na, gusto ka ng makilala ni nanay” ang sabi ni Joaquin.
     “Oo nga pala, yung mga pasalubong natin” ang sabi ni Robyn, at muling binuksan niya ang backseat para kunin ang mga pinamili nila.
     Mga pasalubong sana iyun ni Joaquin, nagtalo pa sila kanina dahil ayaw siyang pagastusin ni Joaquin, pero nagpumilit siya, at tinakot si Joaquin, na hihiwalayan niya ito, kung di ito papayag na mamili rin para sa kanyang pamilya.
     Alam ni Robyn na ayaw tanggapin ni Joaquin ang mga regalo dahil ayaw nitong isipin niya na piniperahan siya nito. Alam ni Robyn na hindi nanghihingi si Joaquin, kahit kailan, lahat ay pinagpapaguran nito, kaya nga humanga siya rito ng husto.
     Dala ang mga plastic bags, ay inakbayan siya ni Joaquin, papalapit sa naghihintay na pamilya nito.
     “Nay, girlfriend ko po si Robyn” ang proud na pagpapakilala ni Joaquin.
     “Hello po” ang nahihiyang bati ni Robyn.
     “Kamusta ka Robyn, ako si Maria, nanay na lang itawag mo sa akin” ang nakangiting bati sa kanya ng nanay nito.
     “Robyn mga kapatid ko, sina Noel at Risa” ang pagpapakilala ni Joaquin.
     “Hello ate” ang nahihiyang bati rin nito sa kanya.
     “Hello rin, may mga dala kaming pasalubong sa inyo” ang sabi ni Robyn.
     “Halika’yo sa loob at magdidilim na” ang yaya sa kanila ng kanyang nanay.
     “Ang tatay po?” tanong ni Joaquin, habang akbay si Robyn at papasok sila sa loob ng bahay.
     “Pauwi na iyun, eh, makipag usap siya ulit dun sa may-ari ng lupa, at nakiusap nga siya na sa katapusan na maghuhulog pa ulit” ang sagot ng kanyang ina.
     Napabuntong-hininga si Joaquin, at nabakas ni Robyn ang pag-aalala nito. Mukhang may suliranin ang kanilang pamilya, ay sabi ni Robyn sa sarili.
      “Hintayin po muna namin si tatay bago po kami umalis” ang sagot ni Joaquin.
     “Magpapa-Maynila na rin ba kayo ngayon?” ang tanong ng kanyang nanay.
     “Ah, hindi pa po, dumaan po kami sa bahay tisa, yung pinauupahang beach house po, dun po kami tutuloy, kasi para maenjoy ni Robyn ang beach” ang paliwanag ni Joaquin.
     “Hindi naman po sa ayaw kong matulog rito” ang nahihiyang dugtong ni Robyn, ayaw niyang isipin ng mga magulang ni Joaquin na isa siyang matapobre.
     Umiling – iling habang nakangiti ang nanay ni Joaquin, “hindi mo kailangan na magpaliwanag Robyn, eh, maliit din naman itong bahay namin at saka para may privacy din kayo nitong si Joaquin” ang sagot nito, na ikinapula ng pisngi ni Robyn.
     Hinawakan naman ni Joaquin ang kanyang kamay at hinagkan iyun, maya-maya pa ay dumating na ang tatay ni Joaquin.
     “Maria, kaninong sasakyan?”-ang tanong ng tatay ni Joaquin, pero natigilan ito nang makita sila sa loob na nakaupo sa upuang kawayan.
     “Tay” ang magiliw na bati ni Joaquin, sabay mano rito.
     Agad naman na lumapit si Robyn at nagmano rin sa tatay ni Joaquin, “mano po” ang mahina niyang sabi.
     “Tay si Robyn po, girlfriend ko po” ang pagpapakilala ni Joaquin kay Robyn sa kanyang ama.
     “Kanina pa ba kayo?” ang masayang tanong ng tatay nito sa kanila. Halata ang say asa mukha ng ama ni Joaquin.
     “Kararating lang din po namin, kamusta po ang bukid?” ang tanong ni Joaquin.
     “Nanggaling nga ako dun sa may-ari” ang panimula ng tatay ni Joaquin, pero tumigil ito sa pagsasalita tila ba nahihiya sa kanyang sasabihin at napatingin pa ito kay Robyn.
     “Sige po mamaya na lang tayo mag-usap, kumain na po muna tayo, paskong pasko, wala tayong salu-salo” ang sabi ni Joaquin na pilit pinasaya ang boses.
     Halata ni Robyn na may isipin ang pamilya, para tuloy nahihiya o nagiguilty siya at di makapag – usap ng husto ang mga ito.
     Inayos nila sa lamesa ang mga bitbit nilang pagkain. May bilao ng pansit at isang cake. Inilabas naman ng nanay ni Joaquin, ang itinabing sinukmani na niluto nito, na panghanda ngayon pasko.
     Agad namang nagustuhan ni Robyn ang ginawang sinukmani ng nanay ni Joaquin at naparami ang kanyang nakain, lalo na ng bigyan siyang nanay nito ng mainit na kape.
     “O heto at mag kape ka muna” ang sabi sa kanya ng nanay ni Joaquin.
     “Salamat po, naubos ko po yata ang niluto ninyo, ang sarap po kasi” ang nahihiyang sabi ni Robyn.
     “Salamat naman at nasarapan ka, hayaan mo at ipagluluto kita ulit para bitbitin mo pa Maynila” ang masayang sagot sa kanya nito.
     “Gusto ko po yun” ang nakangiting sagot niya.
     “Salamat pala Robyn at nagustuhan mo ang anak ko, sa kabila ng mga pagkukulang nito” ang mahinang sabi ng nanay ni Joaquin sa kanya.
     Agad namang napatingin si Robyn kay Joaquin na nasa labas ng bahay at nakikipag – usap sa tatay nito. Her heart never failed to skip sa tuwing titingnan niya si Joaquin.
     “Wala naman pong pagkukulang si Joaquin, kung sa materyal na bagay ang tinutukoy po ninyo, ay balewala ang mga ito, dahil nag – uumapaw naman ang kabutihan ni Joaquin” ang sagot ni Robyn, “at iyun po ang nagustuhan ko sa kanya”.
     Isang malungkot a ngiti lang ang isinagot ng nanay ni Joaquin sa kanya, tila ba nangangamba ito sa kahihinatnan ng pag-iibigan nila ni Joaquin.
    

The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981 Where stories live. Discover now