Chapter 25

6.1K 176 3
                                    

Nakatanaw si Joaquin sa dalampasigan, mula sa bintana ng isang beach house. Dahil sa maliwanag ang kalangitan, walang ulap na tumatakip sa liwanag ng buwan, kaya kumikislap ang tubig ng dagat.
     Iniisip ni Joaquin ang sinabi ng ama, ginigipit na kasi sila ng may-ari ng lupa, at di pa sila nakakahulog. Isinanla kasi nila ang lupa para pambili ng traktora, para mapadali ang pagsasaka, pero dahil sa dumaang bagyo ay nasira ang ibang pananim nila at halos dalawang buwan na hindi pa sila nakahulog.
     Ang naipon na pera ni Joaquin, ay ibinigay na niya sa kanyang tatay kanina. Siguro kailangan na lang niya ulit na dagdagan pa ang oras ng trabaho niya.
     Naputol ang pag-iisip niya ng yumakap mula sa likuran niya si Robyn.
    
    
     Paglabas niya ng banyo pagkatapos niyang magshower, ay hinanap niya si Joaquin, dahil wala ito sa kwarto. Lumabas siya at nakita niya ito na nakatayo sa harap ng bintana, at nakatanaw sa labas. Kumirot ang puso ni Robyn, batid niya na may suliranin na naman ito, at mukhang malalim na naman ang isipin.
     Lumapit siya rito at mula sa likuran ay niyakap niya ito ng mahigpit.
     “Mukhang sing lalim ng dagat ang iniisip mo” ang mahina niyang sabi rito.
     Inakbayan siya ni Joaquin at hinalikan ang ibabaw ng ulo niya, napabuntong-hininga ito.
     “Hindi, tinitingnan ko lang ang dagat, ang ganda kasi” ang pagsisinungaling ni Joaquin.
     “Ano ba ako sa iyo Joaquin?” ang tanong niya.
     “Nobya, kulang na nga lang tawagin kitang asawa, dahil ganun na ang tingin ko sa iyo” ang nakangiting sagot ni Joaquin.
     “Pero bakit nagsisinungaling ka sa akin?” ang sagot niya na may bahid ng pagtatampo.
     Huminga ng malalim si Joaquin, ayaw na sana niyang idamay pa sa isipin niya si Robyn, at sa ugali pa naman nito, alam niyang gagawa ito ng paraan para tulungan siya. Pero, ayaw niyang magsinungaling sa babaeng pinakamamahal niya.
     “Ginigipit kasi si tatay tungkol sa lupa na sinasaka niya, nakasangla kasi ito, pero dalawang buwan ng hindi nakakahulog si tatay, at sinisingil na siya. Kung hindi pa daw kami makakabayad, kukunin na nila  ang lupa” ang malungkot na sabi ni Joaquin.
     Napakagat labi si Robyn, “magkano pa ba ang kulang ninyo?” ang tanong niya.
     “150,000 pa lumaki na rin gawa ng interes” ang sagot ni Joaquin.
     150,000? Ang naisip ni Robyn, kung Di siya bumili ng bahay ay madali niyang maibibigay ang pera kay Joaquin. Ang natitirang pera niya ay nasa bangko ang kanyang trust fund na kailangan ng pirma ng kanyang mama.
     “Paano yan?” ang nag-aalalang tanong niya.
     Niyakap siya ni Joaquin, at hinalikan sa noo, “wag mong problemahin yun, makakagawa rin ako ng paraan” ang nakangiting sagot ni Joaquin na pilit pinasaya ang boses.
     “Kung gusto mo”-
      Hindi na naituloy ni Robyn ang sasabihin dahil umiling – iling na si Joaquin bilang pagtutol.
     “Hindi Robyn, ako ang gagawa ng paraan” ang mariing sagot ni Joaquin.
     Napabuntong-hininga si Joaquin, “alam mo nagsisisi ako, kung sana nag tuloy – tuloy ako noon sa pag-aaral hindi namin mararanasan ang ganito, lalo na ng pamilya ko, responsebilidad kong lahat ng ito at nasira ko ang lahat” ang malungkot na sabi ni Joaquin, na may bahid ng pagsisisi.
     Niyakap ng  mahigpit ni Robyn si Joaquin, “nagkamali ka oo, pero, nakaraan na iyun, at ginagawa mo ang lahat para maitama ang pagkakamali mo. Ang pinakamagandang gawin mo, ay ang makapagtapos ka sa susunod na taon, siguradong walang pagsisidlan ang tuwa ng mga magulang mo” ang sabi ni Robyn.
     Tiningnan siya ni Joaquin, nang may buong pagmamahal, at niyakap siya nito ng mahigpit.
     “Saka, kung kung  nakatapos ka na noon, hindi tayo magkakakilala, wala ka ngayon sa tabi ko” ang sabi pa niya.
     “Siguro may mabuti akong ginawa, para ibigay ka ng Diyos sa akin” ang bulong ni Joaquin, habang nakapatong ang kanyang baba sa ulo ni Robyn at yakap niya ito ng mahigpit.
     “Hmmm, iyun ay ang pagiging mapagmahal mo at mapagbigay sa pamilya at ibang tao Joaquin” ang sagot ni Robyn habang nakasandal ang kanyang ulo sa malapad na dibdib ni Joaquin.
     Kinabig ni Joaquin paitaas ang kanyang mukha, ngumiti ito sa kanya bago nito hinagkan ang kanyang mga labi.
     Gumanti na rin ng halik si Robyn, kanina pa siya nananabik sa mga labi nito.
     Hinimas himas niya ang kanyang mga kamay sa malapad nitong mga dibdib. At di na siya nakatiis, hinawakan niya sa laylayan ang t-shirt nito, at hinila paitaas, para tuluyang maihubad ito kay Joaquin.
     Hinagkan niya ang dibdib nito, at narinig niya ang ungol ni Joaquin, kaya mas lalo pang tumaas ang kanyang libido.
     Isinubo niya ang malapad na nipple nito at nilaro laro ng kanyang dila. Napasabunot si Joaquin sa kanyang buhok.
     "Robyn" ang sambit ni Joaquin.
     "Hmmm" ang tanging sagot ni Robyn. Habang patuloy sa paghalik pababa sa kanyang katawan.
     Tumayo siyang muli at hinagkan ang mga labi ni Joaquin. Mapusok ang kanilang mga labi. Nangungusap ang kanilang mga dila.
     At habang hinahalikan ni Robyn si Joaquin, ay binubuksan niya ang suot nitong pantalon. Ibinaba niya iyun at hinawakan ang pagkalalaki nito mula sa suot nitong brief.
      Napaungol ng malakas si Joaquin, habang magkadikit pa rin ang kanilang mga labi.
      Robyn was so brazen, she held his shaft at inilabas sa brief nito, she started massaging him then she knelt down in front of him, and put his throbbing manhood inside his warm mouth.
     "Ro-byn" ang malakas na ungol ni Joaquin, habang nakasabunot sa buhok ni Robyn, who is loving him with his mouth.

       *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** **** *** ***

     Nagising si Robyn sa tunog ng mga hampas ng alon sa dalampasigan, hindi pa maliwanag sa labas, tiningnan niya si Joaquin sa kanyang tabi na tulog na tulog pa.
     Napangiti siya sa kanyang sarili, isiniksik niya ang kanyang ulo sa malapad na dibdib nito. Isang mahigpit na yakap naman ang iginanti sa kanya ni Joaquin.
     “Hmm, nakatulog ka ba ng maayos?” ang tanong sa kanya ni Joaquin, na medyo antok pa ang boses nito.
     “Uhumm” ang tangi niyang sagot, at lalong sumiksik sa dibdib ni Joaquin.
     Marahang natawa naman si Joaquin, “giniginaw ka?”
     “Oo, malamig pala rito” ang sagot ni Robyn, “pero gusto ko sa ganitong lugar, tahimik, kung mamumuhay siguro ako mag-isa mas gusto rito” ang sagot ni Robyn.
     “Ako rin” ang sagot ni Joaquin, “may alam akong paraan para mainitan ka” ang bulong ni Joaquin sa kanyang tenga.
     “Hmm” ang tanging naisagot ni Robyn, dahil sa kiliti na dulot ng bibig ni Joaquin sa kanyang tenga.
    






The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981 Where stories live. Discover now