Chapter 4

8.5K 221 9
                                    

Di makapaniwala si Joaquin na gagawin niya ito. Ni sa hinagap o panaginip man lang ay di niya naisip na tatangapin o  kukunin niya ang ganitong trabaho. Kung may iba lang sana siyang malalapitan para kumita ng pera ay di niya tatanggapin ang trabahong ito, ang giit niya sa sarili habang kinakabahan na palakad-lakad siya sa loob ng isang kwarto kung saan ay pinaghanda na siya.

     Pero kailangan niya ng pera. At hindi ba't sinabi niya kanina na kahit anong trabaho basta ligal? Ang sabi ni Joaquin sa sarili. At ang sabi nga sa kanya ni Oliver na  legal na legal ang trabahong ito. 

     At ang nagpabuo pa ng desisyon niya ay nang sabihin ni Oliver na makukuha niya agad ang bayad pagkatapos mismo ng trabaho niya. 

     Madali ang pera. Sasayaw ka lang. Sasayawan lang niya ang mga babae. Nang NAKAHUBAD. Nang sinabi sa kanya ito ni Oliver kanina, ay di siya nakapagsalita. Natameme siya at tinitigan lang niya si Oliver na bahagyang nakabuka ang kanyang bibig. Para bang nagsalita ang kakilala niya ng ibang lingguwahe at di niya ito naintindihan. 

     "Sasayawan mo lang ang mga babae sa loob, hahawakan mo sila sa kung saan nila gusto. Pwede sa dibdib o sa alam mo na" ang sabi sa kanya ni Oliver sabay kindat, "kapag hinalikan ka halikan mo rin, yung sexy ha, yung nakaka libog. At ang importante at ito ang tandaan mo, pwede ka nilang hawakan o halikan saan mang parte ng katawan mo, saan man nila gusto at di ka pwedeng umayaw" ang paliwanag pa ni Oliver sa kanya, "marunong ka naman sigurong gumiling?" Ang tanong pa nito. 

     Di nakapagsalita si Joaquin at dilat na nakatingin lang sa kausap. Pinanuyuan siya ng lalamunan at pilit siyang lumunok.

     "Ano?!" Ang natatawang tanong ni Oliver sa kanya ng hindi pa siya sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kaharap.

     "S-Sandali tol, di ko yata kaya yun" ang nag-aalangang sagot ni Joaquin, nang makarecover siya sa sinabi ni Oliver. 

     "Sabi mo gusto mo ng trabaho?" Ang takang tanong nito sa kanya at nagtaas pa ang dalawang kilay nito sa kanya.

     "Oo.. pero...nang nakahubad?" Ang di makapaniwalang tanong ni Joaquin, "di ko yata kaya yun tol!" Ang naiiling na sagot niya. 

     "Joaquin, hindi ka dapat mahiya dahil wala namang makakakilala sa iyo roon, saka isang gabi lang ito at kikita ka agad ng  sampung libong piso, pwera pa yung ibibigay sa iyo na tip kung magpapa private room ka " paliwanag ni  Oliver. 

     "Private room?" Tanong ni Joaquin na nakakunot ang noo. 

     "Oo private room, private performance" ang sagot nito sabay kindat, "mas malaki ang kita roon" ang dugtong pa nito.

     Sampung libo? Di makapaniwala si Joaquin sa narinig, ilang araw niyang pagpapaguran bago siya kikita ng sampung libo. Sa trabahong ito, isang gabi lang may sampung libo na siya? At makukuha niya rin agad ang pera. May pambayad na siya ng tuition at upa sa bed space. Sasayaw lang naman at magpapahawak di'ba? Ang sabi ni Joaquin sa sarili, sabagay, wala namang mawawala sa kanya, saka ngayong gabi lang naman eh.

     At pagkatapos ng mabilisang practice ng sayaw at pagpapaayos ng buhok, para raw mas magmukha siyang rugged at sexy, naroon na si Joaquin sa dressing room, na hindi alam ni Joaquin kung bakit tinawag na dressing room dahil sa nakahubad siya ng mga sandali na iyun. Naghihintay na lamang siya na tawagin anumang sandali kapag magpeperform na raw siya, at papapasukin na siya sa main hall, kung saan naghihintay na raw ang mga exclusive members na mga babae. 

     Kinakabahan si Joaquin, naglakad siya ng paroon at parito sa loob ng dressing room. Paano kung di magustuhan ng mga babae ang performance niya? Ang kabadong sabi ni Joaquin sa sarili. Nang biglang pumasok si Oliver sa loob ng dressing room, wala rin itong suot na damit, at may dalang beer. Tiningnan siya nito at napailing. 

     "Tol! Ha ha, ano ba yan?!" Ang natatawang tanong nito sa kanya. 

     "Bakit anong problema?" Ang kunot noo at natatarantang tanong ni Joaquin kay Oliver.

     "Paano mo maakit ang mga babae niyan, kung yang manoy mo ay parang nalugi na" ang natatawang sagot ni Oliver sabay turo sa pagkalalaki niyang parang lantang gulay.
"Tingnan mo itong sakin " ang sabi ni Oliver, sabay hawak sa sandata nito, na matigas.

     Naiilang man ay tiningnan ni Joaquin ang matigas na pagkalalaki nito.
Umiling si Joaquin, "Tol, di ko alam kung papaano eh "ang sagot ni Joaquin. 

     Napabuntong-hininga ito sa kanya, "O heto, uminom ka muna, pampainit baka dahil sa lamig kaya ayaw" ang sagot sa kanya ni Oliver, sabay abot ng isang bote ng beer sa kanya.
"Sayang, ang laki pa naman ng sa iyo" ang nakangising sabi ni Oliver sa kanya.

     Agad namang kinuha ni Joaquin ang bote ng beer sa kamay ni Oliver at uminom siya mula sa bote. Halos naubos na niya ang alak sa bote, pero wala pa ring epekto ang alak sa kanya, ni hindi nito naalis ang kaba sa kanyang dibdib na malakas na bumabayo ng mga sandaling na iyun, marahil na rin siguro sa sobrang kaba niya. 

     "Tol, ayaw pa rin, kinakabahan kasi ako eh" ang kinakabahan na sabi ni Joaquin at sinuklay niya ng kanyang kamay ang kanyang buhok.

     "Relax ka lang kasi, di mo ba magawan ng paraan? E kung himasin mo muna ?" Payo sa kanya ni Oliver. 

     "Sige, sige gagawin ko" ang sagot ni Joaquin, na hinimas himas nga ang kanyang pagkalalaki, nagtaas - baba ang kanyang kamay sa kanyang kahabaan, baka sakaling tumigas ito, pero, balewala. 

     Mas lalo pa siyang nataranta nang, biglang bumukas ang isang pinto na daanan ng mga performer, at pumasok sa loob ang manager at sinabihan sila na in five minutes ay magsisimula na ang show, at mauuna siya.
"Tol, mag ready ka na" ang sabi ni Oliver sa kanya.
Huminga ng malalim si Joaquin at tumangu-tango.

     "Huwag mo naman akong ipahiya" ang bulong ni Joaquin sa sarili na tila kinakausap ang junior niya na di pa rin tumitigas kahit anong himas niya. 

     Pero mas lalo itong nanlambot, nang tawagin na siya ng manager, naglakad siya para sumunod rito patungo sa isa pang pinto na kulay pula. Binuksan iyun ng manager at pinapasok siya sa loob ng main hall, kung saan pagbukas ng pinto nito, ay malakas na rock music at malikot na mga ilaw, ngunit walang mas lalakas pa sa lagabog ng kanyang puso, lalo na ng makita niya ang  naghihintay at naghihiyawan na maraming mga babae sa loob.

     

The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981 Where stories live. Discover now