24 - Family ~

497 4 0
                                    

VALERIE's POV

A year..

Well, almost a year. It's been 10 months after everything and life has been good to me and my family.

"Unnie!" Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Yana mula sa labas ng bahay. Nasa front yard kasi siya kasama si Timothy at sina Daven at Yudin.

"Yeah?" I asked. Hindi ako nasigaw dahil bawal iyon sa akin.

"Dey slapped Shan!" Natatawang sabi niya kaya natawa nalang ako. Nandun pala si Shan, if Shan is there, I bet Heirice is as well. Sila ata ang kambal eh.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng buhok ko. Naligo kasi ako kaya sina Yana at Tim muna ang pinabantay ko kay Daven. Yang dalawang yan kasi, gala ng gala. Nangu-ngolekta ng bata para bantayan.

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko bago nagpasyang lumabas. Sakto namang papalabas rin si Ara mula sa bahay niya kaya nagkatinginan kami at nagtawanan. Ganito talaga kami. Living in the subdivision has been very fun, nakakatuwa kasi ang dami namin at ang daming bata. Hindi nakaka-bored kahit pa naka-tambay lang ako sa bahay, kasi maya't maya ay may kumakatok. The kids, of course. Summer break kasi kasi naghahasik ng lagim.

"Waah!! Let go, Ands! Hahahahaha! Bita-hahahahahaha! Oo na! Oo na! Sabay na!! Hahahahahahaha!" Nagkatinginan kaming lahat nang marinig namin ang boses ni Mara. Isang bahay ang pagitan pero rinig na rinig ko pa rin dahil sa lakas ng boses niya. Aba, ano naman kayang ginagawa ng dalawang yun?

"Hala, woi! Ano yang ginagawa ninyong dalawa?! Aba't sabi ni Maurice eh BATA PA iyang si Mara baka MABUNTIS mo iyang ASAWA MO, Andrei!!" Natawa nalang ako nang makita kong dumungaw pa talaga si Heidi mula sa bintana ng bahay nila na kaharap ng bahay nina Andrei tsaka isinigaw iyon. Talagang pinagti-tripan niya si Mau dahil laging sinasabi ni Mau na bata pa si Mara para mabuntis.

"Yah! Naririnig kita, Heidi!!" Mas lalo akong natawa nang makita ko si Maurice na naka-pameywang pa habang nakatingala sa asawa niya. Ayun, nangapitbahay pala.

"Talaga ba? Tama lang talagang nilakasan ko kasi SA TANDA MO, SIGURADONG MAHINA NA ANG PANDINIG MO!!" Sigaw ulit ni Heidi tsaka inirapan ng asawa niya. Walang kupas talaga, salbahe pa rin ang babaeng iyon.

"Araw-araw nalang talaga." Naiiling na sabi ni Ara tsaka kinuha ang anak niya na nakikipagyakapan na sa anak ko... awe.. sweet. Napapansin ko talaga ang pagiging kalmante ni Daven pag si Yudin ang kasama, iyakin kasi si Daven, silang dalawa ni Yudin but when they're with each other, para silang may sariling mundo.

"Oh, ano yan?" Puna ko kay Timothy ng mapansin kong may pasa siya sa braso. Parang natigilan naman siya tsaka mabilis na hinila pababa ang sleeves ng suot niyang damit.

"Huh? Ang ano?" Usisa ni Yana tsaka hinila ang kamay ni Timothy at parang may dark aura na lumabas sa katawan ni Yana nang makita niya ang pasa ni Tim. Ano bang nagyari sa lalaking 'to?

"It's nothing. Naitama ko lang sa mesa--"

"Oh, don't be a fvcktard. I know where you got that, Timothy. Mauuna na po ako, pakisabi nalang din po sa iba." Mabilis na tumayo si Yana at walang sabi-sabing sumakay sa kotse niya at nagmaneho paalis. Ni hindi siya nagawang pigilan ni Tim dahil sa bilis ng galaw niya.

"Ano bang nangyayari sa inyo, Timothy?" I asked, wondering. They used to be so sweet, well, swee naman sila kaso.. kasi... may nag-iba talaga sa kanilang dalawa eh. Lalo na kay Yana.

"Sorry po, s-susundan ko nalang muna si Yana." Mabilis na tumakbo si Tim palabas ng gate tsaka minaneho ang kotse niya palabas, kaya tuloy, naiwan kaming dalawa ni Ara na nakatingin sa dinaanan nila. Doon ko lang din napansin na nakatingin na rin pala ang mga pinsan ko sa gawi ng dinaanan nina Yana at Tim. All of them looked confused.

Samaniego Side Story 1: My Valerieحيث تعيش القصص. اكتشف الآن