11 - Mine~

511 9 0
                                    

VALERIE's POV

Today was undeniably busy and tiring. Ang dami ko naman kasing ginawa. I just came back from Cebu with the board of members, we went there three days ago to check the on going construction of our branch there. Nakakapagod.

Sabi sa akin nina tito na mas maganda raw talaga pag hands-on ako sa business namin which I really want to do, actually. Alam kong hindi basta-bastang responsibilidad ang hawak ko so I have to be keen on everything. I was the one who chose the Engineer, kahit na nag-suggest si dad na ipa-bidding yung construction ng new hospital ay hindi ako pumayag, I want the best. Nakita ko naman na nasiyahan siya sa naging desisyon ko sa bandang huli.

"Ate Val!!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Mara, karga niya si Gizzy na natutulog pa sa mga braso niya. Anak nina Zander at Guia si Gizzy and she looks so cute!!

"Ba't dala mo yan? Nasan ba ang mga magulang ng isang yan?" Natatawang tanong ko sa kanya. Tsaka bakit nandito sila sa building?

"Sabi kasi si kuya Zander na ipasyal raw muna si Gizzy, tapos may kinuga kaming collection ni Andrei sa room niya." Napatango naman ako dahil sa sinabi niya.

"Nasaan ang asawa mo?" Nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Mara dahil sa tanong ko kaya napangisi ako. Geez, I understand that she is really in love with my cousin kaya ganyan pa ka-cute ng reaksyon niya pero, duh? It's just me! Hihihi.

"N-Nasa kwarto niya po." Namumula pa rin ang mukha niya habang sinasagot ako kaya tuluyan na akong natawa.

"Pambihira, Mara. Ang cute mo! Naku!! Para kang babt kahit na pwede ka naman nang mag-produce ng baby." Nanlaki ang mga mata niya at mas lalong namula ang mukha kata mas lalo akong natawa. Jesus, this lady is very cute!

"A-Ate Val naman eh.." nahihiyang sabi niya pa..

"Bakit? Hindi pa ba? Aysus, gumagawa na kayo ng milagro ni Andre-"

"Ate naman!" Natawa ako lalo dahil sa pagputol niya sa sasabihin ko habang lumilingon-lingon pa sa paligid.

"You're cute, Mara. Normal lang yan sa mag-boyfriend-girlfriend. Pero mas okay rin yung sulitin niyo muna ang time niyong dalawa, yung kayo lang muna. In the future, pag mag-asawa na kayo, magiging busy na siya sa pagpapayaman para sa kinabukasan niyo ng mga anak niyo, kaya have your quality time as much as possible para hindi ka manghinayang pag may anak na kayo. You know what I mean, right? Make love--"

"Ate Val! May baby!" Mara's reaction was epic. Kulang nalang ay ilubig niya ang sarili niya sa kinatatayuan dahil sa hiya. Hahaha, I love teasing her! Hihihi.

"Akin na muna si Baby Gizzy, okay? I miss her. Have some quality time with your boyfriend in his room. Mag early honeymoon kayo, be wil-"

"A-Alis na muna ako, ate. Sasabihin ko nalang kay kuya na nasa iyo si Gizzy." Mabilis na naglakad si Mara at pumasok sa unit ni Andrei. Natatawang tinugnan ko nalang si Gizzy na ngayon ay natutulog pa rin. This baby looks like Zander, hays, sana lang hindi mag-mana kay Zander sa pagiging playboy. Tsk.

Pumasok na ako sa unit ko. Inihiga ko muna si Gizzy sa kama ko tsaka nagbihis. It's still early, 9 am. Nang matapos ay humiga rin ako sa tabi ni Gizzy at nilaro-laro ang maliliit niyang kamay.

Moments later, biglang nag-ring ang phone ko. I saw Devon's name on the screen kaya mabilis ko iyong sinagot. Gosh, I miss him! Tatlong araw rin kaming hindi nagkita.

"Hey." Bati ko sa kabilang linya.

(Hey, witch. I miss you! Nasa unit mo na ikaw?) napangiti ako dahil sa sweetness ng boses niya. Ang lambing ng boses palibhasa miss na miss ko siya.

Samaniego Side Story 1: My ValerieWhere stories live. Discover now