22 - Our Page ~

451 4 0
                                    

ANDREI's POV

I couldn't move while watching Kuya Devon standing in front of me. Tahimik na namahisbis mula sa mga mata niya ang mga luha niya and the scene is slowly breaking my heart.

Napunta kay Devin ang atensyon ako.  He looks small. Maputi. He looks soft too... but lifeless. Agad akong napatingala ng marinig ko ulit ang iyak ni Daven. Namumula na siya sa kakaiyak kaya mabilis siyang dinaluhan ng isang nurse.

"K-Kuya..." tawag ko kay Kuya Devon. Maria Agatha just called and said that ate Valerie is awake. Isang magandang balita iyon ngunit ang katotohanang nawala sa amin si Devin ay isang napakalupit na bangungot..

"A-Anong g-gagawin ko?" Napatanga ako ng marinig ko ang hinagpis sa boses ni kuya Devon. Wala akong masabi.. I don't know what to do... titig na ritig siya sa akin, para bang nagsusumamo na may sabihin ako para may magawa siya.. pero napayuko nalang ako at pinigilan ang sarili na maiyak..

"S-Sir! Bawal po kayo dito!" Naagaw ng boses ng nurse ang atensyon ko.. maging ng kay kuya Devon. Agad kaming napatingin sa may pinto na siyang may ingay. Nakita ko doon ang seryoso at mukhang iritadong si Kuya Ashton. Namumula na rin ang mleeg niya patungong kabuuan ng mukha niya..

He looks pissed..

"SIR! Bawal po kayo dito!! May mga ba--"

"Shut up!!" Natahimik ang buong NICU dahil sa pagsigaw na iyon ni Kuya Ashton. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niyang yan at parang ayaw ko na munang alamin..

Napatingin ulit ako kay kuya Devon. Nasa kay Devin na ulit ang atensyon niya but what broke my heart again is when I saw what he was doing..

Few steps from me, there stand Devon Trinidad, carrying his lifeless child, Devin, in his arms with tears flowing from his eyes. Napakagat ako ng labi habang tinitignan siya. Yung sakit... nakakahawa..

"What the fvck are you doing?! Gising na si Val?! She's looking for you--" Mabilis kong pinigilan si kuya Ash nang akmang susugurin niya si Kuya Devon.

"K-Kuya... something h-happened." Pabulong kong sabi.. kunot-noo naman na napatingin si Kuya Ash sa akin. He looks... confused...

"Anong nangyari?" He asked while looking at Kuya Devon kaya napa-atras ako. Pero hindi nagsalita si Kuya Devon. Tuloy-tuloy ang ginawa kong pag-atras hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumatakbo pabalik sa hospital room ni ate Val...

Eyes.. mga mata ang sumalubong sa akin pagkapasok ko roon.. mga nagtatanong na mga mata.. but my eyes settled on one person. Hindi ako mapakali. Wari kong dapat niyang malaman ang nangyari.. it's her right but I'm scared. Knowing her condition, alam kong makakasama lang kung basta-basta ko nalang sabihin..

Napatitig ulit ako sa asawa ko. Ganun din naman siya sa akin at kitang-kita ko kung paanong halos magyakapan na ang mga kilay niya dahil sa pagtataka dahil sa inaakto ko...

"Anong nangyayari sayo, Andrei?" Napunta lang sa iba ang paningin ko ng marinig ko ang boses ni Kuya Zander. Bahagya pa siyang lumapit sa akin kaya mabilis ko siyang hinila palabas ng kwarto. Narinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko pero binalewala ko iyon, maski ang pag-piksi ni Kuya Zander ay hindi ko na pinansin at tuloy-tuloy lang siyang hinila papunta sa NICU.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako?!" Reklamo niya pa pero hindi ko siya pinakinggan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ano ba ang tama?! Natatakot ako.. ayaw kong magsalita.. baka.. baka maging dahilan pa iyon para magkaroon ng panibagong problema!

"Andrei!! Ano bang gina--" kapwa kaming natigilan ng kapatid ko ng tuluyan na kaming makapasok. Naabutan namin si Kuya Ash na paharap na nakahilig sa pader habang umiiyak, si Kuya Devon naman ay naka-salampak sa sahig, pero hindi  na gaya ng kaninang iniwan ko siya ay hindi na niya hawak si Devin..

Samaniego Side Story 1: My ValerieWhere stories live. Discover now