3 - the Demon~

731 12 0
                                    

VALERIE's POV

Nakatitig lang ako sa kisame ng opisina ko habang nilalaro ang isang ballpen sa mga daliri ko. I'm bored. Natapos ko na ang lahat ng trabaho ko kaya wala na akong ginagawa. Ayaw ko namang umuwi dahil walang tao sa unit. My brother's so busy with his business. Hays. Tapos ang mga pinsan ko naman, ayun, lumalablayp. Tsk.

"Val? May naghahanap sayo." Biglang sumilip si Sitti sa pinto tsaka sinabi iyon. Sino namang maghahanap sa akin?

"Sino?" I asked curiously. I'm not expecting any visitors.

"I have no idea, but it's a guy. Gwapo. Mukhang may sinasabi sa buhay." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. langya, sino naman kayang may sinasabi sa buhay ang tinutukoy niya? I sighed and stood up. Okay.

"Hindi ko papapasukin?" Nagtaka naman si Sitti dahil bigya akong tunayo. Nah, baka pinadala pa ng kalabang hospital pa yan, makikita niya ang opisina ko.

"Nope." I said emphasizing the letter 'p' in the end kaya natawa nalang si Sitti. Nauna siyang naglakad kaya sumunod ako sa kanya.

"This guy, maputi ba?" I asked.

"Yup." Maputi? Sino ba? Langya, wala naman akong nilandi sa bar ah!? Kung meron man, hindi ko naman sinabi kung saan ako nangta-trabaho kaya paanong may naghahanap sa akin?

"Saan na ba?" I curiously asked Sitti when I found no one in the hallway. Pinagloloko ata ako nitong si Sitti eh.

"Yan oh." Sabay turo niya sa harapan kaya sumilip nalang ako. Saktong sakto kasi na nasa likuran niya ako eh kinulang ako sa height at laki, kaya ayan, wala akong makita sa harapan, I smiled at the person she was pointing at pero agad din iyong nawala nang makita ko kung sino.

Tangina.

Napalunok ako nang makita ko kung sino iyon. Maputi nga. He's darn handsome and he got matured features now. The last time I saw him, hindi pa ganun ka hulmado ang katawan niya but looking at him now, he looks so good with those muscles. He got taller as well. Good thing wala siyang facial hair dahil major sapak talaga ang maaabot niya sa akin--what the fvck, Valerie? Who are you to do that? Ano bang ginagawa ng walangyang 'to dito?! Mamamatay na ba siya kaya kailangan na nandito siya sa hospital? Peste siya.

"Hey! Don't leave just yet!" Mabilis siyang nakarating sa harapan ko tsaka hinarangan ang daan nang tinalikuran ko siya. Walangya talaga. Ang kapal ng mukha niyang magpakita sa akin pagkatapos ng gianwa niya. Eh kung ipasok ko siya sa fridge dun sa morgue? Sarap niyang saksakin ng syringe.

"Ano bang kailangan mo?" Iritado kong sabi sa kanya tsaka nagsimulang naglakad pabalik sa opisina ko. Wala akong panahon sa mga antics ng hinayupak na gaya niya. How dare he show his fvcking handsome face to me?!

"I just want to talk to you." Kalmado niyang sabi habang sinasabayan ako sa paglalakad. Ang kapal din ng pagmumukha niya no? Talk to me?! Oh, damn him. I waited for so lobg for him to come back and talk to me tapos ngayon lang siya nagpakita?! Bahala siya sa tangnang buhay niya.

"Kausapin mo ang sarili mo." Inis kong sabi tsaka binilisan pa ang paglalakad ko. Bwisit. Bwisit talaga, sumasakit ang dibdib ko dahil sa lalaking to. I took a deep breathe then walked again. Damn it, heart! Wag ka nga munang umepal!

"Val. Val. Valerie.. just listen to me.. please." Hinawakan niya ang magkabilang braso tsaka hinarangan ako. Kapal. He looked at me as if I'm fvcking someone special for him, wag ako, gvgo.

"Look, I have no time for your shvt, I'm a busy person, kaya kung pwede, wag ka nang makigulo?" Inis kong sabi sa kanya pero ang loko hindi man lang natinag.

"I know you're angry and I accept that. Just listen to me, mahal na--"

"Oh, fvck you." Pigil ko sa sasabihin niya. Mahal mo ako? Fvck you, dude. walang nagmamahal na nang-iiwan.

Samaniego Side Story 1: My ValerieWhere stories live. Discover now