19 - Strength ~

452 6 0
                                    

VALERIE's POV

"Baby giiiiirrrlllll!!!" Napangiwi ako ngmarinig ko ang boses ni Athan. Nakasigaw na naman kasi, as always. Ewan ko ba kung paano natitiis ni Yoana ang kakulitan ng baliw na lalakeng 'to.

"Ang eeenngggaaayyy!!" Si Andrei naman. Maingay raw eh, isa rin siyang maingay.

"Will you please, lower your voice? Busy kami, oh!" Inis na sita ni Mau sa kanila na ikinanguso lang ng dalawa. Athan immediately ran towards Ashton's side who is now busy playing the guitar with Ashi, yes, the sleepy head Ashi is very curious about guitars.

Busy silang lahat. Mau and Yuan are busy playing chess while Zander is busy with Gizzy, Heidi was having a cooking class with the other girls kaya tinamaan na naman ng kabaliwan si Athan dahil banned siya sa kusina.

"May gusto po kayong kainin, tita?" Napatingin naman ako kay Carlo na siyang nagtanong. Ang gwapo talaga ng batang 'to. Ang sharap ng maskels! Ang cute pa ng mukha, bagay na bagay sila ng girlfriend niya!

"I'm fine, Carlo. Wala kang pasok?" I asked. Monday kasi tapos andito silang lahat.

"Foundation day po, tita." Napa-ahh, naman ako. Ganyan talaga sila, nagmata ata kina Athan at Andrei dahil hindi talaga sila pumupuntang school tuwing foundation day.

Carlo was telling me something but I couldn't focus on what he was saying. Pinakiramdaman ko ang sarili ko dahil nararandaman ko ang pagsikip ng dibdib ko.. kunot noo akong napatingin kay Carlo na ngayon ay nakatitig na rin sa akin. I tried to calm myself as I control my breathing..

Inhale....

Exhale....

Inhale....

Exhale....

"T-Tita? A-Ayos ka lang po?" I heard Carlo asking. Nakikita ko ang kaba sa mukha niya pero hindi ko siya magawang sagutin. I have to calm down. Napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam ako ng pagsipa doon. Shvt.. manganganak na ba ako!?

"T-Tita? D-Dad! S-Si tita Val!!" Unti-unti kong naramdaman ang panlalabo ng paningin ko... I felt a hand on my shoulders pero hindi ko ma-sino kung sino sa kanila iyon.

"Val?! Shvt! Ready the car!! Tawagan niyo si Devon!" It was Ashton. I tried reaching for his hands when I felt it on my cheeks, pero para akong lantang gulay dahil hindi ko maitaas ang kamay ko.

"A-Ash.." I tried calling for him pero halos pabulong ko lang iyong nasabi.. nagkagulo na silang lahat at naramdaman ko nalang ang sarili ko na karga-karga na ni Ashton palabas ng bahay nina Heidi..

"Stay awake, Val.." I heard Ashton saying as he put me in the backseat. Sinamahan niya rin ako doon at hindi ko alam kung sino ang nagda-drive dahil nagsimula ng umandar ang kotse.

Unti-unti nang sumasara ang talukap ng mga mata ko, I can feel Ashton slightly tapping my cheek, making me stay awake pero sariling katawan ko na mismo ang sumusuko.

"Stay awake! Damn it!! Bilisan mo, Mau!!" I can hint the frustration in Ashton's voice. Pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko. Baka.. baka sakaling bumalik ang lakas ko.. hinga ng malalim, Valerie. Calm down. Calm the fvck down!!

"A-Ahh..." daing ko ng maramdaman ko ang sakit sa tiyan ko. Hindi ko alam kung saang sakit ang una kong papansinin dahil natatakot na ako..

Manganganak na ba ako?! Pero hindi pa ako pwedeng manganak!!

"Shvt! Bilisan mo, Mau!!" Gusto kong itanong kay Ash kung bakit siyang namutla.. kahit nanlalabo na ang paningin ko ay kitang-kita ko pa rin ang pamumutla niya..

Samaniego Side Story 1: My ValerieWhere stories live. Discover now