14 - YES! ~

485 7 0
                                    

VALERIE's POV

Two months. Two months had passed after I.. well, we found out that I'm pregnant.

Yes, ang bilis ng panahon. Tatlong buwan na rin ng tiyan ko dahil isang buwan na pala siya nung nalaman namin. We also found out that Ara is pregnant, 5 months na ngayon ang tiyan niya, nalaman namin 2 months ago dahil hindi niya iyon sinabi kaagad sa aming lahat. And yes, she also hid it from my cousin.

"May check-up ka mamaya ka Dra. Ramirez." napalingon ako kay Sitti na blooming na blooming ngayon. She looks pretty, well, prettier than the usual. Bakit kaya? Hala! BAKA MAY BOYFRIEND NA SI SITTI!?!

"May boyfriend ka na ba?" diretsang tanong ko na ikinapanlaki ng mata niya. What? Bawal ba yung tanong ko?

"Wala!" Defensive masyado. For sure may nanliligaw sa babaeng 'to. Well, dapat lang naman no?! She's already 31. Dapat nga may asawa na siya eh! kesyo ang babaeng yan kasi,may balak atang mag-madre.

"Eh, bakit naka-lipstick ka? Tapos nag-blush on ka pa. And you fixed your eyebrows! What's up?" Nakangisi kong tanong na ikinasimangot niya. Hahahaha! She looks pissed! Pikon talaga.

"I just think na.. ano.. I should try." I can see how embarrassed she is right now, ewan ko ba sa babaeng yan, ang ganda-ganda kaya niya, tapos matangkad pa, kaso, super mahiyain! Ako nga eh maganda lang masyado eh, confident na! Okay nang hindi ganun katangkad as long as bawi sa magandang mukha, ayos na!

"Ewan ko sayo, Sitti. Mag-asawa ka na nga lang! Sayang ang genes mo!!" Natatawang sabi ko ikinailing niya lang. Ganyan talaga yan, never tini-take seriously ang mga sinasabi ko.

AN HOUR later, nasa loob na ako ng OB clinic. Wala si Devon. May court hearing kasi siya ngayon para dun sa criminal case na hawak niya and I don't want to disturb him, plus magkikita naman kami mamaya sa unit ko, yes... we are now living in the same roof. Pinayagan naman na kami ni daddy para na rin hindi na rin raw ako mahirapan sa pagbubuntis ko dahil may magbabantay raw sa akin at tutulungan ako everyday. As if naman pababayaan ako ng mga pinsan ko at ng mga someone especial nila sa buhay, no?

"Normal naman ang heartbeat ng baby mo, Miss Samaniego, just continue drinking your vitamins and you'll be fine." Nakangiting sabi ni Dra. Ramirez kaya nakangiting napahawak ako sa tiyan ko.

I'm worried, though. Natatakot ako para sa baby ko, kasi nga diba? May sakit ako. Paano kung ma-apektuhan siya? Isa rin ito sa mga dahilan kubg bakit hindi ko na pinasama si Devon,  I don't want him worrying about me and our baby.

"U-Umm.. D-Doc.. may ano.. may sakit kasi ako." nakahawak pa rin ako sa tiyan ko habang sinasabi iyon, I can see confusion in her eyes as she look at me.

"Anong sakit, Miss Samaniego?" Naguguluhang tanong niya pa.

I heaved a deep sigh before meeting her eyes..

"I have HCM," I saw how surprise registered from her pretty face. Sino ba naman ang hindi magugulat? Ang presidente ng Samaniego Chains of Hospitals ay may HCM, ironic because I own hospitals!

"Hindi ba maaapektuhan ang katawan ko?" I asked. I should be asking my doctor this pero I want to ask her first. Kasi... ang baby namin ang first priority ko rito. Siya muna bago ang sarili ko.

"T-That's.. S-Surprising, Miss Samaniego. I-I... ehermm.. umm, as long as your body have enough nutrition to supply the baby's needs, then, hindi siya maaapektuhan. You have to eat nutritious food because you and the baby needs that... y-you can't drink medicines because that will surely have a negative effect on the baby. Miss Samaniego, I suggest that you talk to your doctor about your condition, kailangang i-check ka niya para malaman kung kakayanin ba ng katawan mo o--"

Samaniego Side Story 1: My ValerieOnde histórias criam vida. Descubra agora