17 - Vow ~

459 5 0
                                    

#teamValVon!!
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

VALERIE's POV

"Dadalhin kita sa'king palasyo! Dadalhin hanggang langit ay panibago, ang lahat ng ito--"

"Ugh! Cut it out, Ara!! Mas kinakabahan ako dahil sa ginagawa mo!!" Ikiniskis ko sa isa't isa ang magkabilang palad ko tsaka itinuon sa malaking salamin sa harap ko ang paningin ko.

"Wooy! Ang ganda ng boses ko, Valerie!! Nakaka-insultong sabihan ng nakakakaba!" Maktol niya pa sabay inom ng juice. May umbok na rin ang tiyan niya gaya ko, though,mas malaki yung sa kanya. 5 months na rin kasi while mine is 3.

"Nakaka-awa ang baby niyo ni Yuan, lalabas pa atang bingi." Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Sia. Mabilis namang humaba ang nguso ni Ara tsaka sinamaan ng tingin ang babae na tumawa lang.

Yeah, as if naman madadala niyan si Sia.

"Ang sama niyo. Don't listen to them, baby." Naiiling na hinayaan nalang namin siya. I looked at my own reflection in the mirror once again, I look pretty, as usual, of course.

"Mara, kanta ka nga." Biglang sabi ni Heidi kaya nanlalaking matang napatingin naman si Mara sa kanya.

She's really shy. Kung may hindi man nagbago kay Mara, it's her being shy.

"Po? Eh, ate naman eh.." napakamot pa siya sa batok niya habang nakahawak sa gown na suot niya. Cute.

"Ako nalang! Ako nalang!" Lahat kami ay napatingin kay Yana na siyabg nag-presintang kumanta. She has a nice voice, basta ba't wag lang siyang tamaan ng lint--

"LOWBAT NA BA!! ANG PAG-IBIG MO! NAKA-CHARGE PA BA!! AKO SA PUSO MO!! MA-"

"Manahimik ka!! Geez! Mamamatay ako sa kaba dito!! Just stop it, maiiyak na ako sa kaba!!" Mabilis kong pigil sa kanya bago pa tuluyang mabasag ang eardrums namin dahil sa pagkanta-err-pag-sigaw ni Yana. Gurabe, ang tinis ng tinig niya tapos sumigaw pa talaga.

"Hahaha, I'm just joking, ate Val. Masyado ka kasing focus sa mangyayari, eh. Relax." Nakangiting sabi ni Yana na hindi man lang ata na-offend sa pasimpleng panlalait ko sa boses niya.

"But I should focus on what is about to happen!! It's my--"

"Relax, Val. Inhale, exhale." Paulit-ulit na sabi ni Guia na agad kong sinunod. Pinaypayan ko pa ang nukha ko dahil kinakabahan talaga ako. Waaahhh!!

"Waaahhh!Ayaw kong lumabas ng kwarto!" I said half screaming, bumilis ang galaw ng pacemaker sa dibdib ko kaya mabilis kong kinalma ulit ang sarili ko.

Umayos ka, Valerie, baka hindi ka na umabot sa kasal mo.

YES!! IKAKASAL NA AKO!! WAAAHHHH!!!!

"And she's having a mental battle." Narinig kong natatawang sabi ni Sia na ngayon ay naglalakad na papalapit sa akin.

"We all know what you are feeling right now, Val. We've been there. But you have to keep yourself together dahil baka magpatiwakal na si Devon pag may nangyaring masama sayo." I looked at Sia. Never did I ever thought that I'll see her eyes sparkle like this. Magka-edad lang naman kami but she looks so blooming. Iba nga talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Ganun din naman ako but she kept hers all through these years.. with my cousin.

"She's right, Val. Nung kami ang ikinasal, hindi rin kami mapakali- ewan ko lang kay Heidi, kay Mara at kay Yoana, as well as Ara dahil on the spot na nila nalaman." Napatawa ako sa sinabi ni Guia, yes, Mau did had Heidi kidnapped, binigla din ni Yuan si Ara pati na sina Mara at Yoana na double wedding ang peg.

"Sa kasal naming lahat, there was one thing that we had you done for us in common." Kunot-noo ko silang tinignang lahat. Even Yana looked curious because she stood behind me looking at the ladies in front of us.

Samaniego Side Story 1: My ValerieWhere stories live. Discover now