15 - Girls~

472 4 0
                                    

VALERIE's POV

"And thanks to the GENIUS somewhere out there, kamuntikan lang namang mapa-away si Heirice dahil pinaniwala niyang hindi Prince Charming ang naging dahilan kung bakit nagising si Snow White sa pagkakatulog niya." Napabuhakhak kami ng tawa ni Guia, Ara at Sia habang pinapakinggan ang pagmamaktol ni Heidi habang naghu-hulma ng dough. Andito kasi kami sa bahay nila sa Samaniego Subdivision.

"What?! She has to learn na walang perfect Prince Charming! Walang prince charming! Hindi dapat siya nanonood ng ganung mga movies at nagbabasa ng mga fairy tales na yan!" Napangiwi nalang ako sa rebut ni Maurice. Masyadong protective ang lalaking 'to sa anak niya.

"Manahimik ka nga, Maurice! Pakealam mo ba kung ganun ang binabasa niya eh pambata naman yun tsaka may Prince Charming talaga si Snow White! Ikaw lang 'tong wala sa tamang pag-iisip na sinabing kasabwat ng Evil Queen ang Prince at ang totoong sumagip sa buhay ni Snow White ay ang mga dasal ng mga mababait na hayop sa gubat!" Natawa ulit ako. Maurice' is really hopeless.

"Oh my gosh! Hindi ko na kaya! Hahahaha! Prayers ng animals?! Hahahahaha! Hahahaha!" Masamang tinapunan ng tingin ni Mau si Ara na ngayon ay nakahawak na sa tiyan niya habang tumatawa.

"Don't look at my wife like she just robbed your vault, Samaniego." Isang batok ang iginawad ni Yuan kay Mau na ikinangiwi nito.

"Then tell her to not laugh at me!!" Pagtatanggol naman ni Mau sa sarili niya kaya nailing nalang ulit ako. Geez, hindi na talaga nagbago ang mga 'to.

"Mabuti nalang pala at lalaki yung mga anak ko. Though, isa ring pasaway si Ashton dahil kahit Grade 1 pa lang ang kambal ay tinuruan na niyang maging batas militar kay Heirice. He even taught them how to punch. Nakikisali pa si Carlo sa pagtuturo." Napabuntong-hininga nalang si Sia. Kaya pala mahigpit ang kambal, lalo na si Ashi. Mukhang malakas ata talaga ang dugo ng Samaniego na nananalaytay sa mga ugat nila dah umiiral ang pagiging protective.

"Our Gizzy is just 3 but Zander is already feeding her nonsense. Gaya ni Mau, tinuruanrin ng kabaliwan ni Zander ang anak namin. But it was not Snow White, si Sleeping Beauty naman angpinuntirya niya. Si Gizzy kasi, idol na idol si Aurora dahil gwapo raw yung prince charming, as if naman hindi magkamukha lahat. Anyways, sinabihan niya lang naman na bad girl raw si Aurora dahil hindi raw nakikinig sa elders, kaya ayun, napahamak. Gizzy cried a lot that day at never nang nanood ng fairy tales." Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Guia. Umiiling pa siya na para bang sising-sisi sa kung ano. Gpsh, I wonder what will happen to my baby?

Sigurado ako kung magiging bbae siya ay marami siyang magiging bantay, kung maging lalaki man siya, siguradong maraming maloloka sa kanya. Seeing my fiancé... geez, Valerie.. kinikilig ka na niyan? Anyways, amg gwapo kaya ng genes ni Devon at hindi naman magpapahuli ang genes ko kaya sigurado akong magiging gwapo o maganda ang magiging baby namin.

"Is that what I think it is?" Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Heidi na ngayon ay nakatingin na sa akin.. sa kamay ko to be exact.

Oh..

Nakalimutan ko bang sabihin sa kanilang inalok na ako ni Devon ng kasal?

"You're getting married?!" Oh, I did forget. My bad. Kaya naman ay mabilis pa sa alas-kwatro ay nasa harapan ko na silang lahat, pati na sina Maurice at Yuan na kanina ay nasa sala lang at nanonood ng tv ay nasa harapan ko na rin at mas nauna pa kaysa sa mga asawa nila na idutdot ang mga pagmumukha nila sa daliri kong may engagement ring.

Seriously, ang ignorante ng dating nilang dalawa.

"Umm, yes? At pwede ba? Para kayong mga first time makakita ng sing-sing." Mabilis kong iniwaksi ang kamay ko sa pagkakahawak nilang dalawa dahilan kung bakit nakanguso na silang dalawa ngayon at nagpapa-awang lumapit pa sa mga asawa niya. Ara just laughed at her husband as she hug him while Heidi just throw a small box of chocolate to Mau who's now looking like a maltreated person.

Samaniego Side Story 1: My ValerieWhere stories live. Discover now