16 - Always ~

455 6 0
                                    

DEVON's POV

Mabilis kong ipinasok ang mga papeles na nasa mesa ko sa loob ng attaché case na nasa mesa ko. I have to leave.. fast.

"Oh, Devon? You're leaving already?" Napatingin ako dun sa nagsalita.

Marjorie.

"Ah, yeah. I have to go somewhere." Sagot ko tsaka nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Oh. Akala ko pa naman sasama ka sa company dinner." right. Pero I have so many much more important things to do than the company dinner.

"Maybe next time, tumawag kasi si Guia sa akin, may--"

"Masyado namang busy ang schedule mo, Atty. Trinidad." Nakangiting sabi niya habang naglalakad papasok ng opisina ko. I chose to ignore the tone of her voice. She's a friend of mine kaya ayaw kong pag-isipan ng iba ang ginagawa niya.

"Ganun talaga." I smiled as I close my case.

"Come on! You used to be fun, Devon! What happened to you?" Nakangusong sabi niya pa tsaka umupo sa mesa ko na bahagya kong ikinagulat.

"I fell in love, Marj, that's what happened. And please, don't sit on my table, it's just so disrespectful." Seryosong saad ko habang nakatingin sa kanya. She stared back at me for a moment hanggang siya rin mismo ang nag-iwas ng tingin tapos ay nakahalukipkip na umalis siya mula sa pagkakaupo sa mesa ko.

"You're being rude, you know?" Kalmadong sabi niya but I didn't falter.

"I don't think so. Kung wala ka ng kailangan ay maaari ka nang umalis, Marj, I have a wedding to prepare." Seryosong sabi ko tsaka dire-diretsong naglakad palabas ng opisina ko. Ewan ko ba pero nag-init bigla ang ulo ko.

"Devon! Wait!" Nasa loob na ako ng elevator ng humabol si Marjorie sa akin. Pumasok rin siya doon tsaka ako hinarap.

"What is it, Marj? Hinihintay pa ako ng wedding planner namin." I asked. Totoo naman kasi, kanina pa tawag ng tawag si Yoana sa akin.

"Come on, don't be stiff, Dev. Just like the old time, wala namn dito girlfriend mo, para namang wala tayon--"

DEMON!! ANSWER THIS CALL!! I LOVE YOU!!

DEMON!! ANSWER THIS CALL!! I LOVE YOU!!

DEMON!! ANSWER THIS CALL!! I LOVE YOU!!

Nakangiting kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko ng marinig ko ang ringtone na yun. May nag-iisang ibang ringtone na naka-set sa contact niya tuwing tatawag siya. Valerie, my beautiful fiancé personalized it herself. She changed it after recording herself. Ang sweet nga eh.

"You heard that? First of all, she's my fiancé, malakas talaga ang radar ng future wife ko, and I have no plan on hurting her, on cheating on her. So, please don't bother seducing me, Marj because it won't work. Siguro noon, oo, but now? I'm too inlove with her to even feel any heat for you right now. " walang emosyong kong sabi tsaka sinagot ang tawag ni Valerie, saktobg bumukas naman ang elevator kaya lumabas na ako. I waved goodbye to Marjorie and left.

"Hello, Witch. How are you? I miss you." I said while smiling. Siguro mukha na akong baliw, but who cares, anyways?

(Ang tagal mong nasagot, ah? Devon? May tinapos bang kalandian?) I pursed my lips into a thin line when I heard the sharpness of her voice.

"Of course not, witch. Ikaw lang kaya." I told her as I inserted the key to my car and turned the engine on.

(Siguraduhin mo lang talagang Demonyo ka kundi, naku! Itatali talaga kita sa unang punong makikita ko.) I chuckled with what she said. God, she's really suspicious. Must be hormones kicking in.

Samaniego Side Story 1: My ValerieWhere stories live. Discover now