08. park incident

2.5K 116 13
                                    

V's POV

Nasa park kami ngayon. Tuwing gabi lang kasi kami nags-skateboard.

"Guys, malapit ng bakasyon. Saan tayo?" Tanong ni Namjoon.

"Gusto ko sa Beach House pa rin tayo." Sagot ni Hoseok.

"Guys, gusto niyong sumama?" Tanong ko sa kanila.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Suga.

"Lucy's boyfriend invited us. We'll be having vacation at Palawan."

"Niyaya ka sa boyf--HA??" gulat na tanong ni Namjoon.

Kung maka-Ha! Ang taong 'to.

"Bakit niyaya kayo ni Gaille?" Tanong ni Jimin.

"Bestfriend kasi sila ng boyfriend ni Lucy."

"Woah! What a coincidence! Boyfriend ng ex-girlfriend mo ang bestfriend ni Gaille." Sabi naman ni Namjoon.

"Okay lang sayo ng sumama kayo sa kanila?" Tanong ni Jin.

"Okay na lang. Gaille is going so I am. Ano sama kayo? Pwede rin namang hindi." 

"Sure. Sama ako." Sagot agad ni Jin.

"Sasama kaming lahat. That would so exciting! Sana bakasyon na." Excited na sigaw ni Namjoon.

"Tara, skateboarding na tayo." Sabi ko sa kanila.

*****

GAILLE's POV

Tumawag si Jay, pinsan ko 'yon. His friends call him Harald, Jay Harald kasi pangalan niya but I prefer calling him Jay. Magkita daw kami sa park. May kailangan siguro 'tong taong 'to.

Pag-uutangan na naman siguro ako nito kaya hindi ako magdadala ng pera.

Nakarating na ako sa Park pero wala pa ang magaling kong pinsan. Gabi pa nga naman. Asan na ang lalaking 'yon? Umupo muna ako sa bench dito sa park. Tawagan ko kaya ang lalaking 'yon.

"Hoy! Jay, Saan ka na? Ba't ang tagal mo?!" Sigaw ko sa kanya sa phone.

[Jay: Wag ka ngang sumigaw. Teka lang, naghahanap pa ako ng paparadahan.]

"Bilisan mo. Gabi na oh. Ihahatid mo talaga ako sa unit."

[Jay: Oo madame, ito na nga. Papunta na ako sayo.]

Ganito talaga kami magusap. Super close and open kami sa isa't-isa. Siya lang ang pinsan na close ko. After several boring minutes, nakarating din siya.

"Oh, bakit mo ako pinapunta dito? Pinaghintay mo pa talaga ako." Reklamo ko sa kanya.

"Gaille.." Banggit niya sa pangalan ko na nag-aalala.

"Oh, Bakit parang takot na takot ka diyan? Nakakita ka nang multo?"

"Hindi. Ikaw lang naman ang close kung babae na pinsan kaya sayo ko lang sasabihin 'to." Sincere na sabi niya na may halong kaba.

"Ano na naman 'yan?"

"Nakabuntis ako." Sagot niya.

GOODNESS GRACIOUS! Pinsan ko ba talaga ang lalaking 'to?

"Yay. Congrats, you're only 19 for pete's sake."

"Alam ko, tulungan mo naman ako." Sabi niya sa akin sabay hawak sa kamay ko.

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now