32. the unit

1.7K 83 34
                                    

GAILLE's POV

Nabili ko na lahat ng pinabibili ni Jay sa akin. Magkasama kami ni V ngayon at walang-wala ako sa mood.

I can't believe nagawa sa akin 'to ni Kookie. Ang binigay ng fian--- ni Christine sa akin na address sa building ay pareho sa binigay na address ni Jay. Ano ba naman 'to?! Pareho din ng floor. Hindi lang sa room.

Lumabas na ako ng kotse ni V ng walang salita.

"Hindi na kita sasamahan sa loob?" -tanong nya.

"Wag na. Mabalis lang ako. Ilalagay ko lang to sa unit ni Jay." -sagot ko sa kanya.

"Okay. Mabilis lang ha." -sabi nya.

Pumasok na ako sa building. Si V naghihintay sa parking lot. Hindi pa naman ako umiyak pagkasabi nya nun. Naglo-loading pa ako sa nangyayari. I was about to push the up botton sa elevator pero naunahan ako ng isang babae. Pumasok kami sa loob and I pushed 15th floor button. Sakto namang kami lang dalawa ang sumakay sa elevator.

"Hi Gaille, Napaaga ka ata ng punta. I gave 24hrs, dont you remember? Pero dahil andyan ka na, pwede na rin." -si Christine yan.. Fiancè daw ni Jungkook :(

"Ba't may dala kang mga gamit ng baby? Hindi pa naman kami magkakababy ni Jude. Para kanino ba yan?" -tanong na naman nya.

Mas lalo akong nasaktan. Paano kung makasal na sila. Magkakababy na rin sila and will have a happy family.

"Ahhh hindi. Para 'to sa pinsan ko. Nanganak na kasi yung girlfriend nya." -sagot ko sa kanya.

"Ganun ba."

Bigla namang tumunog ang phone niya at alam ko nang si Jude na yung tumatawag sa kanya.

"Hello babe?"

[Saan ka na? Hinihintay na kita babe. Dito sa labas ng elevator para magkita tayo, ma-hug kita agad.] -sagot sa kbilang linya na naririnig ko pa.

Tinig yun ni Jungkook sa kabilang linya. Nakakalungkot lang hindi ako ang tinatawagan nya. Hindi ako ang hinihintay niya ngayon paglabas ng elevator.

"Are you sure? Hmmm I love you." -sabi ni Christine

[Love you more and more and more each day.]

Wow, taas non ah. Hindi niya pa yun nasasabi sa akin. Sa bagay, hindi naman ako nagregret na siya ang fiancè ni Jude. Maganda sya, maganda rin manamit at mayaman.

Kaysa ako ngayon, nakasimple shirt, vans shoes, and short. Nakabag pa ng jansport. Jolog ko talaga! I just can say that I dont deserve a guy like Jude.

"I'll hang up now. Malapit na ako sa 15th floor." -sagoy ni Christine sa kanya.

Parang bumubigat yung dibdib ko. Pero wala naman akong sakit sa puso. Pero bakit ganito? Nasa 15th floor na kami and the elevator opened. OO nga nandun nga si Jude. Naghihintay sa katabi ko.

"Hi Babe!" -bati agad ni Christine sa kanya. She hugged him and kissed the side of his lips.

Siguro, nagulat din si Jude sa akin pero hindi nya ako pinansin. Hindi ko lang rin sila pinansin. Pumunta na ako sa unit ni Jay. Parang hindi ko na makita ang mga numbers sa pass code. Naiiyak na siguro ako. No, not here please. Narinig ko pa silang nagsasalita habang patungo sila sa room nila sa kabila.

"Anong gusto mong lutuin ko, babe?" -si Jude yan.

"Anything. Basta ikaw yung magluluto." -Christine.

"Sabi mo yan ha. You're so beautiful." -yun ang huli kung narinig na sabi ni Jude tapos nun pumasok na sila sa unit nila. Masaya na sila kaya, ang pangit naman kung manggugulo pa ako sa kanila. :(

Pumasok na ako sa loob. Umupo agad ako sa sofa.

Hindi!

Hindi!

No!

Please!

I'm a loser! Just a loser!

Wala na! Wala na!

May ginawa akong box dito. Lahat ng binigay niya sa akin, nandito. Hindi ko lang matanggap na wala na ito sa akin mamaya. Hindi ko kaya itapon kaya isasauli ko na lang sa kanya.

Tumawag na rin si V sa akin.

"Hello V?"

[V: Sabi mo mabilis lang. Ba't ang tagal mo?] -tanong nya agad sa kabilang linya.

"Mauna ka na lang umuwi baka matagalan pa ako dito."

[V: Bakit? Saan ba ang room ng pinsan mo? Tutulongan na lang kita dyan.]

"Wag na. Mauna ka na lang umuwi."

[V: Sure ka ba? Okay ka lang dyan? Bakit iba ang boses mo?]

"Okay lang talaga ako dito. Umuwi ka na lang. Wag ka ng magalala sa akin."

[V: Okay. Sige.]

Pinatay na rin nya ang phone.

Ano ang gagawin ko ngayon? Wala naman akong ginawa sa kanya para gawin nya sa akin 'to? May fiancè na sya agad! Ayaw ko na tuloy sa mga lalaking may mga fiancè. Sana walang fiancè si Jin at Jimin. Dapat si Sam at Yuri lang talaga para sa kanila.

Haaay! Nagsasayang lang ako ng luha dito. Dapat presentable ang mukha ko humarap sa kanila. Pero baka pagmakita ko si Jude, maiyak ako. Dapat hindi :(

Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas sa unit ni Jay at nagtungo sa unit ni Christine. Nagdoorbell ako. Wala naman akong nafeel na kaba ngayon. Parang ito talaga ang tamang dapat gawin ko.

Bumukas yung pinto at tumambad silang dalawa. Inabot ko agad ang box kay Jungkook.

"Babe, who is she?" -tanong niya kay Jude.

Wow, parang kailan lang nagusap kami. Nakalimot na nya agad ako? Halata rin namang hindi makapagsalita si Jude. Siguro, mahal na mahal niya ang babaeng ito.

"Ahhh gusto ko lang palang sabihin na Thank you and Goodbye!" -yun lang sinabi ko at umalis na. Uuwing loser ako ngayon. Haha natatawa lang naman ako sa sarili ko.

Lumabas ako sa building. Pinauwi ko na pala si V kaya magisa akong uuwi ngayon. Haaaay Loser!

Naglalakad lang ako magisa sa daan. Walang gaanong sasakyan at taxi. Haay naku! Talagang WALANG FOREVER. Tumingin ako sa kabilang high way at nakakita ako ng isang Ice Cream Shop. Bibili na lang ako ng Ice Cream. Kaya ayon tumawid ako agad. Sakto namang nakarinig ng busina.

*****
V's POV

Pinapauwi ako ni Gaille pero totoo nun, hindi ako umuwi. Naghintay pa rin ako na lumabas sya sa building. Pinarada ko ang sasakyan ko sa kabilang parking lot para hindi nya makita.

Nakita ko kanina ang fiancè ni Jude na pumasok sa building at nakausap niya pa si Gaille while they're waiting at the elevator. Ano kaya pinagusapan nila?

I waited for less than 20 mins. Lumabas na si Gaille sa building. Naglakad lakad lang sya kaya sinundan ko sya. Gabi na at delikado maglakad-lakad sa daan ng walang kasama.

Wala akong dalang sasakyan ngayon dahil baka malaman nya na sinusundan ko sya. 5 meters ang pagitan namin ngayon. Nagulat naman ako ng tumawid sya na may kotse pa.

Shhhht! Nasagasaan sya.

"Miss? Bakit ka ba tumawid?" -sabi nung lalaki na lumabas ng kotse parang kapareha lang namin ng edad. Kinarga niya agad si Gaille sa kotse nya. Shhht!

"Hoy! Bakit mo sya binangga?" -sigaw ko sa lalaki. Shttt! Hindi ako mapakali!

"Tumawid siya bigla eh. Isusugod ko sya sa hospital." -sabi nya sa akin. Sumakay agad yung lalaki sa kotse nya at nagpatakbo ng mabilis.

Hindi pa naman ako nakakalayo sa kotse ko kaya tumakbo ako para masundan ko pa sila.

-----*END OF CHAPTER THIRTY-TWO*-----

HAPPY 1K votes and Happy 29K Reads Prince Charming Mayabang ❤

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now