30. in my unit

1.5K 74 12
                                    

GAILLE POV

Nandito pa rin si V sa unit ko. Nasa sala kami at kanina pa sya nagsasalita tungkol sa buhay nya.

Naiisip ko tuloy si Kookie kung ano ang ginagawa nya ngayon. Wala siya sa unit niya ngayon eh. Bakit kaya? Hindi man lang nagtext ang taong yun.

"Alam mo bang ayaw kong makasal sa taong hindi ko gusto." -sabi ni V.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya. Mukhang kailangan nya ng listener eh. Bago ko makalimutan sabihin, lasing ang taong ito. Sa unit ko pa talaga.

"Parusa ba 'to? Kung oo, ayoko ng parusang ito. Yung sayo Gaille, parusa na yun para sa akin. Diba sabi ko sayo, mahal kita pero ano ako ngayon 'nga-nga' dahil sabi mo mahal mo si Jude. Bakit pa ba kasi bumalik yan dito. Asungot lang sya."

Feel ko naman ang love ng taong 'to. Hindi lang talaga ako nagpapaapekto. Para san naman diba? Tsaka, nandyan naman si Kookie.

Isa din sa ayaw ko kay V ay yung masyado syang gwapo para sa akin. I guess, he deserve someone else. Hay naku! Hindi ako komportable sa kagwapohan niya. Ayaw ko rin sa kanya dahil umiinom sya.

"Alam mo naman diba na wala pa akong seneryoso. Noon namang nagseryoso ako, pinaglaruan pa ako. Ngayon, nakita ko na ang babaeng gusto ko, minalas pa ako. Ngayon na naman, ipapakasal ako sa babaeng hindi ko gusto. Ayokong-ayoko sa kanya dahil siya lahat nang naging first  ko. Binigay niya lahat eh kaya hindi siya maganda para sa akin." -patuloy pa din sya sa pagsasalita sa gusto nyang sabihin. Lasing na lasing na talaga ang taong 'to.

Ang ayaw ko pa pala kay V ay yung dahil napakareklamador nya. Reklamo dito, reklamo doon. Kulang na lang, magwelga sya. Bakit niya ba sinasabi sa akin ang first niya? Ano ba naman tung si V.

"Gaille, wag mo akong hayaan ipakasal sa babaeng yun." -sabi nya sa akin.

"V, lasing ka na. Uwi ka na sa unit mo." -sabi ko sa kanya.

"Ayokong umuwi dun. Dito lang ako."

Ay parang bata! Ang tigas ng ulo!

"Bahala ka dyan! Matulog ka dyan sa sofa."

Tatayo na sana ako pero yumakap 'tong taong 'to sa braso ko.

"Gaille, wag mo kong iwan dito."

"Ang pawis-pawis mo na. Amoy alak!"

"Gaille, hindi na ba mababago ang isip mo? Iwan mo na si Jude!"

Hay naku! Palalampasin ko lang sinabi mo ngayon V dahil lasing ka.

"V, matulog ka na lang kaya. Kung ano ano ang pinagsasabi mo!"

Tinignan ko ang wrist watch ko and its still 7pm...
Gutom na ako. I'm sure, hindi pa to kumain si V na nakatulog na. Gumawa kaya ako ng soup. Baka makulangan sa timpla, hindi pa naman ako marunong. Bibili na lang kaya ako ng yung luto na.

Tumayo na ako at pumunta sa kitchen kung ano pa ang bibilhin ko. Naramdaman ko na nagvibrate ang phone ko. Mommy ni V ang tumawag...

"Hello po, tita."

[Tita: Nasa unit nya ba si V?] -tanong ng mommy niya.

Bakit siya sa akin nagtatanong? Nakakakaba tuloy.

"Ummm..."

Ano ba ang isasagot ko?

[Tita: Pakisabi naman sa kanya na umalis siya sa unit. Papunta si Kaylee dyan.]

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now