01. elevator incident

8.5K 188 36
                                    


Bago ako magsimula, sorry po sa wrong grammars at typos :D

Hindi po artista ang BTS dito :)) At sorry for making V mayabang in this story :D

Salamat sa pagbabasa.

- - - -

Sa school nila separated ang babae at lalaki sa isang room. Hindi pwede maging kaklase ang babae at lalaki pero nasa iisang campus pa rin sila. Their school is Leesung Academy.

GAILLE's POV

Last subject na rin sa wakas. Napakaganda ng araw ko dahil walang teacher ang pumasok sa klase. Ganito talaga basta malapit na ang summer.

And here goes the princess of Leesung, Lucy Lee. Late pumapasok ang babaeng 'to kasama ang mga friends nyang mga pugita. Makapal kasi ang mga make-up nila.

Bakit kaya last subject na sila pumapasok? Sa bagay, pagmamay-ari naman ng parents ni Lucy ang school na to sa pangalan na Lucy Lee, Leesung Academy. Hmmmm!

Bigla ko atang naisip ang mommy ko. Paguwi niya, Ano kayang gagawin ko? Magpapasama na lang ako mamaya kay Samantha.

"Gaille, kanina ka pa tulala kay Lucy baka magpakamalan kang insecure sa kanya n'yan." Tapik ni Samantha sa akin. Well, She's my best friend.

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Ganito kasi ako kapag may iniisip. Damn this habit!

"Ha?" Saka pa bumalik ang mga senses ko.

"Hoy Gagayla! Bakit ka tulala na naman sa akin? Insecure ka na naman ba sa milky skin at kagandahan ko? Hmmm sa bagay maganda ka naman, kayumanggi ang kulay ng balat mo. Ha.ha.ha." Sabi ni Lucy. Pero hindi ko na sya pinalagan pa. Tinignan ko lang sya. EXPRESSIONLESS STARE. You know that? lmao

Hindi ko na siya pinansin. Medyo bully talaga siya. Nasanay na ako sa kaartehan ng babaeng 'to. Nakakastress tuloy dito. Maka-evaporate nga sa ibang lugar. Nasira ang araw ko dahil sa mukha ng Lucy na 'to.

"Sam, samahan mo muna ako sa cafeteria."

"Ano? Magbaback-out ka na naman. Hindi ka naman lalaban? Go Gaille!" Sabi ni Sam sa akin.

"Hoy, lalabanan ko ang mongoloid na 'yan? No way! Hayaan mo na, isip bata kasi. Hindi na nga lang pinapansin ng iba nating schoolmates dito." Bulong ko sa kanya para siya lang yung makakarinig sa sasabihin ko.

"Tara na nga sa Cafeteria, libre mo ako." Sabi niya sabay hila sa akin.

Naisip ko na naman si mommy. Uuwi na siya bukas. Excited lang kasi ako dahil minsan ko lang nakikita at saka si daddy. Pero, Si Daddy nasa London pa rin.

"Sam, samahan mo ako mamaya ha?"

"Sure, basta libre mo ako." Sabi nya sabay subo sa burger.

"Hindi naman nawawala yan eh."

"Oy, andyan pala si Gaille oh! Insecure daw yan sa kutis ni Lucy." Narinig ko sa isang babae.

Napakaimmature naman talaga ng mga estudyante dito sa Leesung. Manang-mana sa anak ng may-ari.

"Insecure? Di ba mayaman sila? Edi magpagluta siya." May isa pang echosera na narinig ko.

"Ewan ko. Mayaman nga siya pero walang kasikat-sikat sa campus. Hindi rin mahilig makipagfriends. Hindi katulad kay Lucy." Si Chismosa pa rin.

"Hay nako, kung ako nasa posisyon niya, gagawin ko lahat ng gusto ko." Si Echosera na naman.

Mga echosera na walang masabing maganda. Kung pwede palit tayo ng posisyon, hindi niyo talaga magugustuhan. Walang nanay paggising sa umaga kaya dapat maging independent.

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now