20. beach house pt. 2

2.3K 103 25
                                    

GAILLE's POV

Maaga akong nagising. Tumingin ako kay V na payapang natutulog. Ang bait naman ng mukha kapag natutulog. Pwede tulog ka na lang lagi?

"Ang gwapo ko noh." -biglang sabi nya pero nakapikit pa rin.

"Ay, babagyo yata. Ang lakas ng hangin!"

"Sabihin mo na nga lang."

"Ewan ko sayo." -umalis na ako sa kama at pumunta sa banyo para maghilamos.

Lalabas na sana ako ng banyo ng hinarang ako ni V.

"Excuse me po!"

"Sabay na tayong lumabas!" -sabi nya. Hindi ko sya mahawakan.

"Tumabi ka, dadaan ako."

"Sabay na tayo lumabas."

"Alien ka talaga! Pwede magdamit ka muna. Hindi lalaki ang kasama mo." -sabi ko sabay tabi sa kanya at lumabas ako ng banyo.

Tinignan ko phone ko at nagtext si Kookie.

From: Cookie

*Magkita tayo mamayang gabi. May kubo sa likod ng beach house na  'to. Maghihintay ako sa'yo dun.*

Nagreply ako ng "Okay."

"Anong inismile-smile mo dyan?" -biglang tanong ni V na galing banyo.

"Wala."

Lumabas na kami at pumunta sa dining room. Nandun na sila lahat except sa dalawa si Jin at Sam. Napahinto naman ako. Shirtless sila eh, si Kookie lang ang nakadamit. Tinakpan naman ni V ang mata ko.

"Hoy! Magbihis nga kayo."

Narinig ko naman ang pagtakbo nila isa-isa.

"Pwede mo na ba kunin kamay mo?" -sabi ko kay V.

Pagtingin ko sa lamesa. Si Jude na lang ang naiwan. Syempre, nagreet ako sa kanya.

"Goodmorning, Kookie!" -nagsmile sya sa akin.

"Goodmorning! ^___^" -respond nya.

Bumalik na yung apat.

"Ano ba yan, Jimin! Baliktad t-shirt mo." -sabi ni Harry.

Tinignan naman nya ang damit nya at hinubad. Biglang dumating si Jin at Sam.

"Jimin! Ano ba! Dapat katawan ko lang ang nakikita ng wifebunny ko." -sabi ni Jin na tinatago si Sam sa likod nya.

"Oh, tapos na!" -sabi naman ni Jimin.

"Kumain na tayo, guys!" -sabi na lang ni Johnny.

"Anong gusto mong kainin, babe?" -tanong sa akin ni V, hindi ko pinansin kasi nasa bacon ang mata ko.

"Kookie, pakiabot ng bacon." -inabot naman niya at kumuha ako.

"Magkakilala na pala kayo ni Judr?" -tanong ni Sean.

"Yep."

"Paano?" -sabi ni Sam. Itong babaeng 'to dapat talaga informative.

"Nagkasama kami sa dance workshop noon. Doon kami nagkakilala. Crush nya nga ako eh." -explain ni Kookie. Nakakablush naman ang huli nyang sinabi.

"Yay! Crush mo pala si Jude noon." -sabi ni Sam.

"Gaille, ngayon?" -tanong ni Harry.

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now