34. bubbletea shop

1.9K 80 47
                                    

This chapter update is for @jokwangmin72 .

*****

Gaille's POV

Pagkatapos ng klase, pumunta agad ako sa bubbletea shop. Hindi ko na sinabi sa kanila na umalis na ako.

OP din naman ako kung sasabay pa ako sa kanila umuwi. Pinakilala na ni V si Kaylee sa amin kaya friends na din nila pati si Cheska at Taylor. Remember these two girls? Yung magandang friends ni Lucy.

Malapit lang din naman ang unit ko sa bubbletea shop na 'to. Nagorder ako at dito muna tumambay. Ayoko pa umuwi. Nagluluksa pa ako.

"Ang daming nagde-date dito ah." -narinig kong sabi ng lalaki na nasa kabilang mesa. Magkabarkada sila na nakaupo dun.

Oo nga marami ngang nagde-date. Siguro ako lang ang walang kasama dito.

Nagulat naman ako nang may kumausap sa akin.

"Miss, can we share table with you? It seems like there's no other vacant table already." -sabi nung babae pero hindi ko sya tinignan. Malayo ang tingin ko sa labas. Glass kasi ang wall dito. Tinitignan ko lang ang mga sasakyan. Tumango lang agad ako sa kanya.

"Thanks." -sabi nya.

Umupo na sila sa harapan ko. Only to find out na si Jude at his fiancè Christine pala ang nasa harap ko ngayon.

"Oh, Hi, Gaille. It's good to see you." -bati ni Jude sa akin.

Tumango lang din ako as a response.

It's not good tho. TT.TT

Bakit nandito sila? Nanadya ba ang dalawang 'to?

Hindi ko na lang sila pinansin. Nakakaselos. Lalo lang bumibigat ang dibdib ko TT.TT

"Thank you babe. Noon ko pa gusto pumunta dito pero ngayon tinupad mo na."-sabi ni Christine kay Jude.

Nakatingin lang ako sa ibang direksyon pero nakikinig ako sa usapan nila.

"Saan mo gusto pumunta pagkatapos dito?" -tanong ni Jude kay Christine.

"Kung saan mo ako gusto dalhin pero pagnakasal na tayo, gusto ko pumunta tayo sa N Seoul Tower. Yun ang first na gusto ko puntahan na kasama ka." -sagot ni Christine. Pabebe.

"Gusto mo dun?" -Jude

"Napakaromantic kaya ng lugar na yun." -Christine

"Okay." -sabi ni Jude na masaya na masaya. Bakit niya ginagawa sa akin 'to?

Nagnose to nose pa sila. Sa harapan ko pa talaga.

Gumuho na sana ang N Seoul Tower ngayon para hindi na sila makapunta. Aalis na sana ako nang may naginterrupt sa kasweetnessan nilang dalawa.

"Christine? Who's that guy?" -sabi nung lalaki.

Tinignan ko yung lalaki. Huh? Bret? SYA NGA! Nakakatakot yung expression nya.

"What are you saying? Excuse me, Do I know you?" -sabi nung Christine

"Wag kang magsinungaling! Sya ba? Kaya hiniwalayan mo ako?" -Bret.

Nagaaway na sila. Dahan-dahan na akong umalis. Baka masali pa ako dito. Lumayo na ako sa kanila.

"Excuse me bro, fiancè ko sya baka nagkakamali ka lang."-this time tumayo na si Jude. Pinagtitinginan na sila.

"Anong fiancè? Kakabreak lang namin! Ga** ka! Sino ka ba?"

Tapang nila magscandalo dito sa bubbletea shop ah tsk tsk tsk

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now